Chapter 7

735 18 0
                                    

LETIZIA AMANDA


Buong araw na busy ang mga tao sa loob ng bahay dahil daw uuwi si Mr. Andreas. Kailangang malinis ang buong paligid at handa na sa paguwi ng amo nila.

"Bakit dito na uuwi si Mr. Ramsey? Alam ko'y may bago na siyang bahay sa siyudad."

Narinig kong sambit ng isang kasambahay habang nagpupunas ng mga nakadisplay na vases.

"Hindi ko nga rin alam eh. Baka naman uuwi siya dahil sa babaeng dinala rito?"

"Kung sabagay. Sino nga ba iyang babaeng nandito? Bagong parausan ba?"

"Sinabi mo pa. Bagong babaeng iiyak na naman dahil kay Mr. Ramsey."

"Nako! Baka matulad iyan sa mga nagdaang babae ni Mr. Ramsey na halos mabaliw nang iwan na niya."

Lumapit ako sa kanila at madali naman nilang napansin ang presensya ko. I smiled at them.

"Ay hala, nandiyan ka pala, Ma'am." sabi ng isang babae. "Sorry po sa mga nasabi namin."

"Wala po 'yon." tugon ko. "Ako nga po pala si Letizia, kayo po?"

"Ako si Marie."

"Ako naman si Blair."

"Nice to meet you both!" masiglang sambit ko at nakipag handshake sa kanila. "Ilang taon na kayo?"

"29." ani ni Marie.

"28." ani ni Blair.

"Ahh," tumango ako. "24 years old palang ako."

"Ang bata mo pa pala, Ma'am. Girlfriend ka po ba ni Sir?" tanong ni Blair.

"Huwag niyo na ako tawaging Ma'am, no. Letizia nalang!" pagsaway ko sa kanilang dalawa. "Hindi ako girlfriend ni Mr. Andreas."

"Totoo? So, bakit ka nandito?" agad na follow-up question ni Blair. "Sorry, chismosa lang."

"Ah, ano kasi..." I paused to think of a better way to say it. "May agreement kami na kailangan kong tuparin eh kaya pansamantala akong nandito."

"Shala! Agreement pa pala." saad ni Marie. "Kung sabagay, lahat ng babaeng nadala niya rito ay nilatagan niya rin ng agreement para sa advantage ni Sir."

"Marami na pala siyang babaeng nadala rito?" ako naman ang nagtanong pabalik sa kanila ng patungkol kay Mr. Andreas.

"Aba, hindi na namin mabilang kung ilang babae na ang umalis nang umiiyak dito." sagot ni Blair. "Napakababaero niyan ni Mr. Ramsey, Letizia. Noon, halos kada tatlong araw yata ay iba iba ang mga babaeng dinadala niya rito. Lahat sila, umiyak nang mapagsawaan na ni Sir."

"Ano ka ba, Blair! Baka isumbong tayo ni Letizia kay Mr. Ramsey, baka mawalan pa tayo ng trabaho." biro ni Marie.

"Huwag kayong magalala, hindi ko ipagsasabi ang mga napagusapan natin kahit kanino." I assured them and they smiled.

"Yan si Sir Andreas, bukod sa pagiging magaling na businessman, halimaw yan manakit ng damdamin ng mga babae. Ewan ko nga't bakit hindi siya nakokonsensya sa tuwing may nasasaktan siya!" bwelta ni Blair.

"Talaga? Sa tingin niyo may dahilan bakit ganyan siya sa mga babae?" curious kong tanong.

"Walang dahilan! Sadyang wala talaga siyang ka amor amor sating mga babae. Ang tingin niya satin ay mga parausan lang." may diin sa tono ni Marie.

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now