LETIZIA AMANDA
We spent the past few weeks staying in this house — which I assume is Mr. Andreasʼ home.
Unti-unti nang gumagaling ang mga bukol at pasa sa katawan ko, hindi rin nawawala ang paningin ko kay Kit. Mabuti nalang ay unti unti na siyang lumalakas.
Sinagot na rin ni Kit ang tanong nila tungkol sa suitcase. Ngayon, ang hinahanap na ng mga tauhan ni Mr. Andreas ay ang mga kaibigan ni Kit. Sana lang ay hindi nila maltratuhin ang mga kaibigan ni Kit, mga bata pa lang sila.
"Ate," pagtawag sakin ni Kit. "Sorry kung nadamay ka sa gulong pinasok namin ng mga kaibigan ko."
"Kit, alam mong hindi ako nagkulang ng paalala sayo, diba? Kahit pa mahirap nag buhay natin, hindi kita tinuruang magnakaw..." malungkot kong sambit.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa buhay na meron kami ngayon.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil marami akong pagkukulang sa kapatid ko, hindi ko siya nagabayan ng maayos. Hindi ko naibigay ang buhay na pinapangarap niya kung kaya't nakagawa siya ng mali.
"Sorry, ate..." lumuluhang sambit niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
"Huwag mo nang uulitin Kit, ha? Baka sa susunod hindi ka na maipagtanggol ni ate..." pagpipigil kong umiyak.
"Opo, promise po, ate..."
We were under that moment when the door sprung open and it was one of Mr. Andreasʼ men who entered the room.
"You are being asked to go to Mr. Ramsey's library, Miss." pormal niyang saad.
"Bakit daw?"
Kibit-balikat niyang tugon. Inirapan ko nalang siya at nagbuntong hininga. Dahan dahan akong tumayo at tinignan muna si Kit bago naglakad palabas.
"Ingat po, ate..." he said and smiled at me.
Tumango ako at lumabas na.
Naunang maglakad ang tauhan ni Mr. Andreas at sumunod lang ako. Umabot na kami sa 2nd floor nitong bahay at sa may pinaka sulok kami napadpad.
He opened the door for me and I entered immediately. The library was much colder than the room where we're staying.
Huminto ako sa may table at nanatiling nakatayo.
"Hi," his manly voice echoed in the library.
Napalingon ako sa kaliwang parte ng library at hinanap si Mr. Andreas.
He was leaning on one of the book shelves.
"You're fastly healing." saad niya. "I bet you already regained enough of your strength to sign the papers regarding our agreement."
Lumapit ako sa may table kung saan ay nakalatag ang mga papeles na tinutukoy niya.
Binasa ko iyon at halos mabulunan ako sa mga nakasulat doon.
"I, Letizia Amanda Mendez, do herewith consent that I will satisfy Mr. Andreas Duncan Ramsey's sexual desires in every capacity and condition there is, and fulfill them as he commands for as long the situation serves him right.
I, Letizia Amanda Mendez, do herewith agree that the contract between her and Mr. Andreas Duncan Ramsey shall only be rescinded in pursuant to Mr. Andreas Duncan Ramsey's instructions and for whatever length of time that he may set forth.
Any party who infringes the agreement with the other party shall be imposed with a fine of 100,000,000 pesos."
Kahit saang page ako magbasa, lahat ng nakatalang detalye ay nakapabor lamang kay Mr. Andreas. Wala akong lusot.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...