LETIZIA AMANDA
Natuloy ang pag-uwi ko nang gabing iyon ang isang linggo na rin nang huling magkita kami ni Andreas.
Kaming tatlo nila Marie at Blair lang din ang panay na naguusap dito sa bahay, 'yong ibang kasamabahay na may edad na ay hindi kami pinapansin.
Binuksan ko ang TV dito sa dirty kitchen at saktong nasa The Elite Channel na pala iyon.
Billionaire Casanova — Andreas Duncan Ramsey, ending his 2-month dating relationship with Patek Dvorak.
"Hala, bakit kaya?" takang tanong ko.
"Pinagsawaan na rin ni Sir Andreas..." usal ni Marie habang humihigop ng kape.
"Ang ganda ni Patek tapos iiwan lang din pala ni Sir Andreas, lintek na yan!" pagmamaktol ni Blair. "Idol na idol ko yan si Patek tapos gaganunin lang ni Sir Andreas? Tsk. Tsk. Mga lalaki talaga."
"Wala sa ganda yan, Blair. Kahit pa yata dyosa ka ng kagandahan, kung pagsasawaan ka ng mga deputang lalaki, iiwan at iiwan ka pa rin talaga nila." sagot ni Marie.
"Literal na walang puso siguro talaga yan si Andreas, eh no?" saad ko.
"Sinabi mo pa!" sabay nilang sagot.
"Ang dali lang para sa kanyang mang abandona ng babae, grabe naman." dagdag ko pa.
"Kaya nga, eh. Sa lahat ng mga miyembro ng The Elite a.k.a The Gentlemen's Club, siya lang ang hindi gentleman! Grabe! Kung hindi ko lang amo yan, baka pinakulam ko na eh." nanggigigil na banta ni Marie at halos matapon pa ang kape dahil sa pagkakahawak niya.
"The Elite? Marami pala sila?" Bago sa pandinig ko ang the elite, hindi ko man lang napagtantong grupo pala ang The Elite, akala ko'y pangalan lang ng channel sa telebisyon.
"Oo, Letizia. Marami yan sila, at ang bansag sa kanila ay The Elite or Gentlemen's Club. Mga magkakaibigan yan sila na puros mayayamang binata." si Blair at sumagot sa akin at hiniwa ang maliit na parte cake at sinubo iyon.
"Red flag silang lahat pero sobra sobra ang pagiging red flag ni Sir Andreas eh." saad ni Marie.
Tumawa ako dahil sa panggigigil ni Marie kay Andreas. Ramdam na ramdam namin ang inis sa boses niya.
"Inumin mo na yang kape mo, lumalamig na oh." pagiiba ko nang topic.
Flash News: Confirmed!
The Billionaire Casanova — Andreas Duncan Ramsey is dating the Russian beauty influencer, Vlada Rostilav."Ay anak ng tipaklong!" sigaw ni Marie. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko!"
"Gago talaga si Sir!"
"Lahat nalang yata ng magagandang babae nilandi na niya." sabi ko at pinanood ang expresyon sa mukha ni Marie at Blair.
"Tumigil na kayo kakachismis sa amo natin! Kayong mga bata kayo!" pagsuway sa amin ng majordoma ng bahay.
"Sorry po." sabi naming tatlo at umalis sa kitchen.
Lumipat kami sa may sala at saktong dumating si Miss Sabrina at tinaasan kami ng kilay.
"Hi po, Miss Stein. Napapunta ka po rito?"
Binating nilang dalawa ang secretary ni Andreas, pero hindi man lang binati pabalik ni Miss Sabrina ang mga kaibigan ko.
"Am I not allowed to go here?" iritadong asik niya sa amin kaya hindi nalang kami nagsalita ulit.
"I'm asked to look after you Miss Mendez. This is not part of my job! My God!" pinandilatan niya ako ng mata. "What are you? A kid?!"
"Huh? Sino pong nag-utos sayong bantayan ako?" curiosity hit me.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...