Chapter 18

696 16 0
                                    

LETIZIA AMANDA

Paparating na raw si Andreas sabi sa akin ni Klaud kaya agad akong bumaba dala ang cellphone ko. Dito ko nalang siya hihintayin sa living room para kapag nakarating siya ay aalis na kami kaagad.

Naikwento ko na rin kela Marie at Blair ang naging usapan namin ni Andreas at maski silang dalawa ay natutuwa para sakin.

Nang makarinig ako ng busina sa labas ay nagmadali akong lumabas. Ganon nalang ang ngiti ko nang makita ang sasakyan ni Andreas.

Yellow ang kulay ng kotse niya at mukhang mamahalin. Dalawa lang ang pupwedeng makasakay doon.

"Ma'am, sumakay na po kayo. Hinihintay na kayo ni Mr. Ramsey." si Klaud. Nginitian ko lang siya bilang sagot at kaagad na pumunta sa kabilang bahagi ng kotse. I sat on the passenger's seat at nang matapos ikabit ang seatbelt ay minaniobra na ni Andreas ang kotse.

Natanawan ko sa side mirror na may dalawang SUV ang nakasunod sa amin at iyon ay mga tauhan ni Andreas. Kahit yata saan magpunta si Andreas ay may mga kasama siyang bodyguard. Kung sabagay, kung bilyonaryo ka nga naman ay hindi mo na talaga susubuking umalis mag-isa.

Sinabi ko kay Andreas kung saan kami nakatira at itinuturo ko nalang sa kanya ang mga pasikot sikot papunta sa amin.

Nang makarating sa harapan ng bahay namin ay hindi na mawala sa mga labi ko ang malalapad kong ngiti habang tinitignan mula rito sa kotse ang maliit naming bahay.

"That's your house?" tanong niya.

"Oo, bakit?" I sounded like an excited kid.

"Do you live with rats and mosquitoes there?"

Ang mga matatamis na ngiting nakaguhit sa labi ko ay biglang napalitan ng inis nang marinig ang sinabi niya.

"Maliit lang ang bahay namin pero malinis naman kaya hindi na kami pinamamahayan ng mga daga at lamok, Andreas." pinigilan kong magtunog maldita dahil ayokong sirain ang magandang mood ko ngayon.

Lumabas na ako sa kotse at naglakad papasok sa maliit naming gate. Nakasara ang pinto ng bahay kaya pinihit ko ang pinto at pumasok sa loob.

"Kit?" sigaw ko at pinuntahan ang kwarto niya.

Sinuyod ko ang buong bahay pati na ang likuran namin pero wala siya roon. Malinis pa rin ang bahay at nakita ko ang mga pinagkainan niyang pinggan na nakalagay lang sa palanggana na may tubig. Ang rice cooker ay binuksan ko rin at nagulat ako nang makita ang panis na kanin.

Susubukan ko sanang tawagan ang kapatid ko pero hindi ko nga pala kabisado ang number niya.

Ano bang araw ngayon? Tanong ko sa sarili at mabilis na tinignan ang kalendaryo sa may maliit naming sala.

Lunes.

Alas trez y media pa lang ng hapon. Siguro ay hindi pa tapos ang klase ni Kit, mamayang 4 pm pa ang dismissal nila. Hihintayin ko nalang siya rito.

Lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Andreas.

"Did you talk to your brother?"

"Hindi pa," sagot ko. "May klase sila eh, mamaya pang alas quatro ang dismissal ng kapatid ko. Okay lang ba sayong hintayin natin siya?"

RAMSEY [TDH - V] Where stories live. Discover now