LETIZIA AMANDA
Pasukan na ni Kadmus. Si Marie ang tumatayong yaya ni Kadmus at kampante naman akong mababantayan ng maayos ni Marie si Kadmus sa school. May mga kasama rin naman silang mga tauhan ni Andreas kaya mas sigurado na akong safe sila.
Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Andreas papunta sa kumpanya niya.
Our Christmas and New Year holidays was the best. Nagcelebrate kami ng Christmas sa UK dahil nandoon ang buong pamilya ni Andreas, at no'ng New Year ay sabay kaming umuwi rito ng pamilya niya sakay ang private jet plane ni Andreas.
Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng pamilya ni Andreas kaya ganon nalang ang saya ko nang malamang tanggap nila ako sa pamilya nila.
Nakilala ko na't lahat ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Andreas pero hindi ko pa rin alam ang estado naming dalawa ni Andreas.
Medyo matagal na rin kaming nagsasama pero ni isang salita tungkol sa relasyon namin ay wala siyang nababanggit. Miski I love you ay hindi ko narinig mula sa kanya. Nakakakaba lang dahil baka may hindi siya sinasabi sakin gayong ang mga inaakto niya ay nagsasabing may namamagitan samin.
"We're here." aniya.
Nauna siyang lumabas sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. May mga media sa hindi kalayuan at tila ba ay kinukuhanan kami ng litrato. Mabilis kaming nakapasok sa loob ng building at binati ng mga empleyado.
"Ano palang gagawin natin dito, Andreas?"
"You've never been to my company so I brought you here." tipid niyang sagot at inilahad ang palad.
Tinanggap ko iyon at mahigpit na hinawakan. Dumiretso kami sa elevator at may attendant doon na siyang nagpindot pindot ng mga buttons.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas kami ni Andreas at nagtungo sa isang mahabang hallway at nang makarating kami sa gitnang parte ng hallway, doon bumungad sa amin ang mga empleyadong busy kakacomputer.
Napansin nila ang presensya namin kaya isa isa silang tumayo at nag-bow. Dumiretso lang kami sa paglalakad at huminto sa isang pinto na may nakalagay na PRESIDENT.
Pinihit ni Andreas ang doorknob at bumungad sa akin ang napakalaking opisina niya. Sobrang laki no'n at feeling ko ay katumbas na nito ang buong 1st floor ng bahay niya.
"Kailangan ba talagang ganito kalaki ang office mo?" bulalas ko at inikot ang paningin sa buong paligid.
Napakaaliwalas ng office dahil black and white lang ang kulay ng pintura. Kadalasan din sa mga nakasabit na painting ay kulay gold at black, and I think everything fits perfectly.
Bukod sa cemented wall ay ang kalahati nitong office ay glass wall na. Nilapitan ko ang glass wall, nakita ko ang buong view ng city.
"I like spacious area. I am claustrophobic that's why wherever I go, it should be big or else I'm dead." he casually opened up and walked his way to his swivel chair.
"Ang ganda ng office mo..." kusang naibigkas ng bibig ko ang papuring iyon. He just smiled and focused on the papers placed in front of him.
He opened his laptop and started working.
"If you want to eat, there's ice cream in the mini-fridge. I asked Sabrina to buy you your favorite magnum ice cream yesterday."
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomanceANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...