LETIZIA AMANDA
Sumakay kami sa private plane ni Mr. Andreas at ilang oras na kaming lumilipad hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin.
Wala akong halos magawa dahil bawat sulok ng plane ay nakaupo ang mga tauhan ni Mr. Andreas. Kasalukuyan akong nasa pinakalikuran at si Mr. Andreas naman ay nasa unahan, may mga kausap na kung sino.
Simula nang makasakay kami sa eroplano, hindi man lang ako nilapitan o kinausap ni Mr. Andreas. Mapapanis na yata ang laway ko dahil sa katahimikang bumabalot sakin.
It's my first time riding a plane and nahihilo ako na parang nasusuka, pero dapat kong kontrolin ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng magkalat dito sa loob. Wala rin ni isang lumapit sakin na tauhan ni Mr. Andreas kaya kailangan kong pakalmahin ang sarili ko at pigilang huwag masuka.
Hindi ko na kayang manatili sa kinauupuan ko kaya nilapitan ko ang isa sa mga tauhan ni Mr. Andreas at hinawakan ang kamay.
"Sir," pagtawag ko sa lalaki. "Nasaan po ang cubicle?" Naduduwal kong sambit.
"Naroon sa harapan po." aniya.
Kung lalakarin ko mag-isa ang papunta sa harapan ay baka lalo lang akong mahilo. Muli kong tinignan ang lalaki.
"Pwede po bang magpasama?" nahihiya kong tanong at kaagad naman siyang tumayo. Hawak hawak ko ang braso niya at sabay kaming naglakad.
Nagmadali akong nagtungo sa harap, halos takbuhin ko na ito at nang natanawan ko ang cubicle ay bumitaw na ako sa lalaki at mabilis na pumasok sa loob.
I was vomiting nonstop. Tumutulo na ang mga luha ko dahil sa pagsusuka. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil halos lahat na nang kinain ko ay nasuka ko na.
Nakaupo lang ako sa sahig at nakatuon ang mukha sa may toilet bowl.
Panay katok ang mga tao sa labas ngunit hindi ko sila pinansin dahil mas pinoproblema ko ang sarili ko. Hinang hina na ang katawan ko dahil sa dami nang isinuka ko.
When I felt like I was done puking my guts out, I stood up and washed my mouth in the faucet. May nakasablay na white towel sa gilid kaya ginamit ko iyon pamunas sa mukha ko.
Huminga ako ng malalim bago lumabas at nang mabuksan ko ang pinto ay maraming pares ng mata ang nakatingin sa akin.
Imbes na pansinin sila ay dahan dahan akong naglakad papalayo. Akala ko'y nakalusot na ako sa kanila ngunit hindi pa pala.
Mr. Andreasʼ suspicious eyes looked at me while he was puffing his cigarette.
He didn't say anything but by the looks of his face, he was confused of what I acted moments ago.
I heard him stand up on his seat and walked behind me while I was heading to my seat at the back. As I heard our footsteps, I was starting to get anxious.
Napaigtad ako nang hapitin niya ang bewang ko.
"Sir," I unknowingly uttered.
"Are you sick?"
"Hindi naman po." magalang kong tugon at hinarap siya.
"But you don't look fine either."
"First time ko pong sumakay nang eroplano kaya siguro nahihilo at nasusuka ako." pag amin ko.
Imbes makarinig ng sympatya ay ngumisi lang siya. "Sit."
"Huh?"
Nauna siyang umupo at iminuwestra niya ang kanyang kamay at pinaupo ako sa gitna ng hita niya.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomantizmANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...