LETIZIA AMANDA
Ni-on ko ang TV dito sa kwarto namin ni Kit para aliwin ang sarili dahil sa labis na katahimikan at kabagotan na nararamdaman ko.
Naantig ang interes ko nang mapunta ako rito sa The Elite channel. Sari saring mga balita patungkol sa mga naggwa-gwapohang lalaki ang pinapahayag nila.
At isa na roon si Mr. Andreas.
Si Mr. Andreas? Tanong ko sa isip. Taka akong napaisip bakit kasama si Mr. Andreas sa mga ibinabalita.
The Billionaire Casanova — Andreas Duncan Ramsey spotted together with the highest paid supermodel — Patek Dvorak, in Miami.
"Billionaire Casanova?" pag ulit ko sa nabasa.
Bilyonaryo si Mr. Andreas?! Ganyan siya kayamang tao?
Ang ganda pa ng babaeng kasama niya.
Bagay sila. Dapat iyan nalang ang binibigyan niya ny kontrata, baka nga matuwa pa iyang babae kung sakali.
Makikita sa mga larawan na naghahalikan sila sa isang bar. Halos hubaran na ni Mr. Andreas si Patek habang mapusok silang naghahalikan.
Kaya pala hindi ko na nakita ulit si Mr. Andreas dito sa bahay simula nang may mangyari sa library niya. Nasa Miami pala siya.
Mabuti naman.
Marami pa akong panahon para ihanda ang sarili sa agreement namin.
Pinatay ko na ang TV at bumaba sa may garden upang lumanghap ng sariwang hangin, tulog pa naman si Kit kaya pwede pa akong magmuni muni rito sa labas.
Nilibot ko ang likuran ng bahay ni Mr. Andreas at hindi ko inakalang malaki pala ang espasyo ng garden niya. Samu't-saring halaman ang nakita ko kaya nawala agad ang boredom ko.
Nilapitan ko ang mga halaman at hinawakan isa isa.
"Miss Mendez." boses ng lalaking nasa likuran ko.
"Mr. Ramsey's secretary have something to discuss with you. She's in the living room waiting for you."
"Okay, pupunta na ako."
Naglakad na ako pabalik sa mansion at tinungo ang living room, natanawan ko ang isang magandang babae na prenteng nakaupo sa couch.
"I presume you're Letizia Amanda Mendez?"
Striktong paguumpisa ng secretary niya.
"Ako nga."
"Well, I am Agatha Sabrina Stein, Mr. Ramsey's secretary." pagpapakilala ng babae. "I have here the revised contract which have some additional information as per Andreasʼ instructions." aniya.
"Katulad nang ano po?" kunot noo kong tanong.
"Read it for yourself." mataray niyang sambit at inabot sakin ang envelope.
Kinuha ko ang buong kontrata.
"Look at page 14."
Pinakli ko agad ang mga pahina at binasa ang kabuuan ng mga nakasulat.
"I, Letizia Amanda Mendez, do hereby agree that on behalf of my brother, Kit Gerault Mendez, I will stay under the custody of Mr. Andreas Duncan Ramsey to pay for the stolen cash perpetuated by yet to be determined suspects and where Kit Gerault Mendez is confirmed an accomplice."
"Ibig sabihin ay makakauwi na ang kapatid ko?"
"Yeah." she responded. "Under no circumstances that Kit Gerault Mendez will be harmed by Mr. Ramsey's men when he leaves the house's premises."
Lihim akong napangiti dahil sa saya. Sa wakas, hindi na mararamadaman ng kapatid kong para kaming mga bilanggo rito sa bahay ni Mr. Andreas.
Pinirmahan ko agad iyon at ibinalik sa kanya.
"Salamat po."
She didn't respond, she straight left the house without looking at me. She's that... bitch?
Agad akong pumunta sa kwarto at yumakap kay Kit.
"Anong nangyari, ate?" nagtataka siyang tinignan ako.
"Kit, pwede ka nang umalis dito!" magiliw kong anunsiyo at niyakap siya ulit.
"Ate..." aniya. "Ako lang?"
May bahid ng lungkot ang boses niya sa narinig.
"Oo, bunso." pinilit kong ngumiti. "Makakapasok ka na ulit sa eskwelahan, hindi ka na makukulong sa bahay na 'to..."
"Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama, ate. Baka kung anong gawin nila sayo, ayokong mahiwalay sayo... Natatakot ako." nangingilid ang luha niya at hinawakan ang mga palad ko.
"Kit," usal ko. "Magiging maayos dito si ate, okay? Hindi ako magtagagal dito, may dapat lang akong gawin para hindi ka na singilin ni Mr. Andreas sa nawala niyang pera, pagkatapos ay makakauwi na rin ako..."
"Dapat ako ang manatili rito ate kasi ako ang may kasalanan sa kanya, hindi ikaw."
"Sa tingin mo hahayaan kitang manatili rito?"
"Ate!"
"Kit, sige na, para na rin satin to." pagsusumamo ko. "Walang mangyayaring masama sakin, pangako ko sayo yan." pinisil ko ang palad niya.
"Ate, ayokong umalis..."
"Alam mo ba sa sabado na ang birthday ko?" sabi ko. "Ang hiling ko lang ay sana pakinggan mo ako, Kit. Para sa kapananan nating dalawa to."
"Anong gagawin ko kapag umalis ako rito, ate?" Kit sighed. "Magaaral? Paano kapag may nagtanong sa akin kung nasaan ka?"
"Sabihin mong may importanteng bagay akong inaasikaso, kamo, uuwi rin ako."
May kumatok sa pinto at napatingin ako ulit kay Kit.
"Sige na, Kit. Umuwi ka na ha, 'yong pera nasa cabinet ko. Nandiyan sayo ang susi ng bahay diba?"
"Oo, ate. Nandito sa bulsa ko."
Tumayo na kaming dalawa at naglakad palabas ng kwarto. Lumabas na kami ng bahay at may nakaparadang kotse sa harapan. Sumakay na si Kit at bago umandar ang kotse ay kumaway siya sa akin.
Naglandas ang mga luha sa pisngi ko dahil sa magkahalong lungkot at saya. Agad ko iyong pinahiran at ngumiti habang tinititigan ang papalayong kotse.
I love you, Kit...
Pumasok ako sa loob ng bahay at bumalik sa kwarto. Humiga ako dahil sa kalungkutan, may kung ano'y kirot sa dibdib ko dahil pansamantalang mahihiwalay sa akin si Kit, pero para na rin ito sa kinabukasan at kapakanan namin.
Hours have passed and I was unable to move out of the bed because of the longingness I felt for my brother.
Maraming mga bagay ang bumabagabag sa isip ko kaya kahit mabigat ang pakiramdam ay tumayo ako at lumipat sa balcony.
Malamig ang simoy ng hangin at lalo't mag alas otso na ng gabi. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom kaya hindi na ako lumabas ng kwarto.
If there is something I wish right now, is for everything to get back to normal again. Gusto kong matapos na ang kontrata namin ni Mr. Andreas para maibsan na ang pagaalala ng puso ko sa mga bagay na posibleng mangyari at walang kasiguraduhan.
Tumunganga ako sa itaas at nakita ko ang mga bituin kumikislap. The night sky is so captivating. Totoo ngang ang kadiliman ay hindi palaging nakakatakot. There will always be light in the midst of darkness.
YOU ARE READING
RAMSEY [TDH - V]
RomantikANDREAS DUNCAN RAMSEY A notable businessman, a car racer, and a jewelry collector. Unlike the other members of the "The Gentlemen's Club", Andreas has always been a heartbreaker. A womanizer and everybody knows that side of him. His cold, detached...