Chapter 10

11.2K 500 96
                                    

Nothing Good

It's almost been a week since that day happened. At halos isang linggo na rin yata akong parang tanga na sinusubukang lapitan si Selene kahit halatang iniiwasan niya ako.

What the fuck? Why is she avoiding me so bad? Don't tell me it's because of what I did? I just asked her questions, I didn't even do anything else!

Ibig sabihin pala kung may ginawa nga talaga akong kakaiba ay baka hindi lang pag-iwas niya ang matatanggap ko?

Ako nga na nakita siya kasama ang boyfriend niya ay wala siyang balak iwasan kahit na dapat ko nga talaga siyang iwasan na dahil sa sobrang daming rason na hindi ko mabilang-bilang.

Oh... well, I've avoided her for two years nga pala. But still... damn it! Karma ko yata 'to.

Agad akong umayos ng tayo mula sa pagkakasandal nang makita na nagsisilabasan na ang mga college students ng Business Ad. I ignored the familiar and unfamiliar faces and just chose to roam my eyes to find Selene.

She's probably just around her friends again. It's okay if she's with her friends but I hope Ate Dashiell is not with her right now.

Si Ate Dashiell kasi lagi ang ginagawa niyang pang-takas sa akin! Lalapit pa lang ako ay may tila-tigreng mga mata ni Ate Dashiell agad ang nakatuon sa akin, baka isumbong pa niya ako kala Mommy!

Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagtatanong kung bakit ako lumalapit o kung bakit umiiwas sa akin si Selene. Does she know what happened? Did Selene told her?

My eyes slightly widened when I saw Selene got out of the building. She was not smiling but talking to her friends. I was about to go to her when I saw Ate Dashiell just behind her, talking with their another friend.

Damn it, sabi ni Deion kanina ay mauunang umuwi si Ate Dashiell kesa kay Selene ngayon! Did that fool just fooled me?!

My shoulders dropped in clear disappointment. I muttered low curses between my breaths. Kunot ang noo ko at hindi pinapansin ang mga bumabati sa akin, mapa-babae man o lalaki.

Tinitigan ko lang ng mariin ang grupo nila Selene na naglalakad na papalayo at siguradong pupunta na sa parking lot. I put my hand on my nape and breathed deeply.

Gusto ko silang sundan at maghanap pa rin ng chance para makausap man lang kahit saglit pero natatakot ako na baka makita ko na naman si Selene kasama ang boyfriend niya.

Sa halos isang linggo na 'yon ay tatlong beses ko yata siyang nakitang sinundo ng boyfriend niya, halos gusto ko na nga laging magwala pero pumapasok na lang ako agad sa kotse ko at doon naghihimutok.

Dati naman kasing iniiwasan ko siya ay diretsyo uwi na lang ako o kaya ay gumagala kasama sila Terzo, hindi ko siya masyadong nakikita tuwing uwian dahil gabi na ang dismissal nila, pero ngayon? I'm here everyday, waiting for two to three hours because her dismissal time is ahead of mine, just for her to avoid me and see her with her boyfriend fetching her.

"Blair!" Tumingin ako kaagad sa tumawag sa akin, hoping it's Selene though I know I'm wishing for the impossible.

My forehead puckered when I saw Patrice smiling while walking towards my direction. What is she still doing here?

"Patrice, bakit nandito ka pa?" Tanong ko kahit halos wala naman akong pake.

She shrugged and smiled again. "I just visited my second year college fling, how about you?"

I almost smirked when I heard what's her reason. Binisita lang ba talaga? Lumingon ako sa bandang likuran niya at nakita nga ang isang lalaki na ang sama na ng tingin sa akin pero sa huli ay umiling na lang at naglakad palayo.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon