Chapter 1

20.4K 623 153
                                    

Drowning

“What’s up, Andy?” Bati ni Terzo sa kanyang pinsan na si Andy. Pumapasok si Andy sa Ventell ngayon at grade 12 na.

“Manahimik ka, Terzo Moravilla. Call me ‘Ate’, mas matanda ako sa ‘yo ng isang taon.” Ngumisi si Andy saka nakipag-high five sa amin. Bahagya naman akong napasimangot dahil narinig ko na naman yung word na ‘Ate’.

Naiirita na naman tuloy ako.

Kasama ni Andy ang mga kaibigan niyang sila Poseidon at Liones. Mga naka-uniporme pa sila ng Ventell at halatang kaka-uwian na lang nila. Paano sila nakapasok dito kahit na naka-uniform pa sila? Well, syempre mga VIP na yang mga ‘yan dito at maraming kakilala.

Kami rin naman ay mga naka-uniform pa rin ngayon.

“Kanina pa kayo dito?” Tanong ni Lio sabay nakipag fist bump sa amin. Ngumisi lang ako at tumango. Dito na talaga kami dumiretsyo sa Terminator simula noong tumakas kami kanina sa Oxzen.

“Are you really asking that, Lio? Syempre, kanina pa sila dito. Kita mo namang papikit-pikit na sila oh.” Tawa ni Andy at umiling-umiling. Nakitawa rin si Lio habang si Seid naman ay tahimik lang na ngumisi.

Umupo sila sa table namin at nagtawag pa nga si Andy nang waiter para um-order pa ng alak. I’ll admit, kanina pa nga talaga kami dito. Mag-a-alas kwatro pa lang yata noong umalis kami at anong oras na. Alas otso na siguro.

At talagang pagkadating namin dito ay puro hard drink kami agad. Siguro ay kung mga hindi kami sanay uminom at hindi malakas ang alcohol tolerance namin ay kanina pa kami bagsak dito at tulog.

Umiikot na nga ang paningin ko ngayon. Nag-inuman pa kami, pagkaraan ng siguro ay mga isang oras ay hindi na ako tipsy, lasing na talaga. Sila Deion at Ersa ay nakasubsob na sa lamesa habang si Terzo at Vail ay nakapatong na ang braso sa kanilang mga mata at tila gusto nang matulog.

Ako naman ay nakasandal na sa sofa at nakatingala sa ceiling at papikit-pikit na. I feel like the place is shaking badly and that makes me super dizzy as hell. Shit, I’m really drunk now.

“Hoy, suko na? Ang hihina niyo naman.” Rinig ko pang asar ni Andy sa amin. Marahan lang akong nagtaas ng middle finger sa kanya kaya narinig ko siyang humalakhak. Malakas ang naging tawa niya kaya narinig ko ito kahit na sobrang lakas ng music.

“Mga gago, inaya-aya niyo kami tapos saglit na lang pala ang itatagal niyo? Paghahatidin niyo na naman ako. Sermon na naman ang abot ko sa mga magulang niyo.” Andy hissed.

I just twitched my mouth and chuckled lowly. Tuwing may inuman kasi ay siya lagi ang taga-hatid namin kapag kami ang nauunang malasing, kapag siya naman ang nauunang malasing ay automatic na kinabukasan na kami makakauwi dahil siguradong lasing kaming lahat.

“Lagi mo naman kaming hinahatid, ‘di ka pa ba nasanay?” Terzo said at her cousin. Gising pa pala siya.

“Bahala kayo. Maglalasing ako ngayon. Tawagan ko na lang mga kapatid niyo.” Napadilat naman ako agad. Gago ‘to!

I quickly turned my head to Andy who’s now smirking because she know what she said caught our attention.

“Wag! Alam mo namang mas malala pa kala Mom at Dad mangsermon ‘yon si Blaiz.” Simangot ko pa. I’m talking about my twin brother, Blaiz Allen Estrella. At magkabaliktad kami kahit saan, kung ako ay puro kabulastugan lang ang alam ay siya naman yung tipong bawat quarter ay umaakyat ng stage.

Though hindi naman ako naiinggit dahil ayoko talaga ng mga kung anong trip niya sa buhay. Mas trip ko ‘yong pa-chill chill lang. Mas gusto ko ‘yong papasa lang ako, kahit pa pabagsak na, at least nagagawa ko ang gusto ko. Don’t get me wrong, I love my twin, it’s just that magkakaiba lang ang interes namin sa buhay.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon