Prologue

42.1K 725 265
                                    

Blair Averin Estrella

I knitted my forehead slightly and sipped on the Coke that I’m holding. Pangisi-ngisi lang akong nakaupo habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga pinsan at mga kaibigan ko.

Nasa iisang lamesa lang kami dito sa cafeteria. Naka-dekwatro si Vail habang nakangisi rin, ang pinsan ko namang si Deion ang nagsasalita, ang isa ko pang pinsan na si Ersa ay nakanguso lang at si Terzo naman ay tahimik na nakikinig.

“Ano nang mga balak niyo? Ang boring.” Asik ni Deion at bahagyang sumimangot.

“Let’s sneak out.” Mala-demonyong ngumisi si Vail at nagtaas pa ng kilay sa amin. I turned my head on her and smirk more. Gusto ko yung ideya niya, lalo na’t nabo-boring na talaga ako ngayon dito sa school.

“How about our classes?” Si Terzo. Kumunot ang noo ko at nginiwian siya. Ganun din ang ginawa nila Ersa sa kanya.

“At kailan ka pa nagka-interes sa mga klase natin?” Ersa raised her brows. Agad namang bumalik ang ngisi ko at nakakalokong tumingin kay Terzo. The latter just rolled her eyes at me.

“Syempre, may inspirasyon sa ibang section.” At saka ako humalakhak. Agad naman akong nakatikim ng isang sapak sa balikat, naabot niya ako dahil magkatabi lang kami. Hindi ko ‘yon ininda at lalo lang tumawa.

“Ah, oo nga pala. Sana all may inspiration sa ibang section.” Deion chuckled. Si Ersa at Vail ay humagikgik lang din.

“Damn you all!” Terzo’s face contorted and her brows furrowed because of irritation.

“Sana all!” Hiyaw ko at kumindat pa sa kanya. Hindi ko pinansin ang ibang napatingin sa amin dito sa cafeteria dahil sa malakas na boses ko.

“Fuck you, Blair! She’s just here with her friends!” Terzo hissed at me. Napanguso naman ako at tahimik na lang na tumingin sa kanya ng mapanukso.

Oo nga pala, nandito yung crush niya sa cafeteria. Same grade sa amin eh kaya syempre sabay lang ang break time namin sa break time nila, iba lang yung table nila kasi ‘di naman namin sila ka-close at hindi rin namin kaklase.

“Basta, huwag na tayong pumasok sa next class ah?” Aya pa ni Vail. Tumango naman kami at ngumisi, si Terzo ay mukhang aalma pa pero sa huli ay tumango na lang din. Na-realize niya sigurong wala siyang kasama sa room kung aalis kami at maiiwan siyang mag-isa at walang kausap. May pagka-asocial pa naman siya minsan.

Kaming lima lagi ang magkakasama simula noong mga bata pa kami. Though we have friends from other schools but we really are the close ones. Saktong magkaka-edad kasi kami at pare-parehas ang mga interes sa buhay kaya ayun, kami na lagi ang magkakasama.

We’re currently grade 11 right now, taking ABM strand here in Oxzen University. Section F kami, oo, last section kami pero okay lang, sanay na naman kami. Sabi ko nga kanina, pare-parehas kami ng mga interes kaya kami magkakaibigan at ang interes namin na ‘yon ay ang magloko.

Pero hindi pa namin kami bumabagsak, laging muntik lang. Pasang awa kami lagi, yung tipong bibitaw na talaga yung grades. Yung tipong isang puntos na lang tapos failed na kami. Naaawa pa yata sa amin ang mga prof o kaya ay baka gusto na kaming ipasa dahil hindi na nila kaya ang mga kalokohan namin. Nakakaiyak naman.

We had done it all, sa ibang school namin at siguro ay dito ay naghahasik na rin kami ng lagim. Mag-inuman sa room at sa school grounds, mag-yosi, magsugal, makipagsuntukan sa ibang tao — mapa-babae man o lalaki —, nahuhuling nakikipaghalikan sa mga estudyante, kahit nga makipaghalikan sa mga prof ay nagawa na namin.

Well, sino ba namang makakatanggi sa amin? Wala.

Ilang beses na rin kaming na-suspend at na-expell. Noong grade 9 ay galing kaming Ventell University pero na-expell kami dahil nahuling nag-iinuman at nakikipagbasag ulo sa mga seniors namin. Partida, babae kami at lalaki ang mga ‘yon tapos ay sila pa ang naipadala sa hospital.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon