Wrong
Bumaba ako at naabutan ulit sila Deion roon. Wala na si Mommy at Daddy, baka bumalik ng office. Naghaharutan na naman ang mga kaibigan ko habang si Blaiz ay naka-earphone at may pinapanood o pinapakinggan sa kanyang cellphone.
Ersa looked at me while smirking. "Saan punta mo? Nandito kami sa bahay niyo tapos aalis ka naman?!"
I just smirked back at her and sit at the floor to make sure that my shoelaces are well tied.
"I'm gonna see Selene." Sagot ko at muli nang tumayo. Kinapa ko ang susi ng kotse sa bulsa at nakitang nandoon naman ngayon.
Kumunot naman ang mga noo nila. "Huh? Bakit? Pauwi na ba sila?"
Tumango ako. "She's already landed by now. She probably took a private plane."
Baka sinundan ako nun. Kung ngayon na ang uwi niya ay siguradong nasa byahe na siya noong mga oras na magla-land na rin ako dito sa Pilipinas. Siguro nung nag-uusap kami by texting ay nakasakay na siya ng plane.
"Akala ko ay mamaya pa ang flight nila pauwi? Sinundan ka?" Humalakhak si Vail kaya napangisi lang ako sa kaisipang 'yon. My Selene is really stubborn. Sinabing mag-enjoy sa New York pero sinundan lang pala ako.
I'm really gonna punish her later. A punishment that she would likely prefer, I of course.
"Sana all! When kaya?" Nguso ni Terzo saka tumawa nang malakas.
Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking buhok at humayo na para lumabas. I licked my lip in excitement as I thought how Selene would be so happy that I would ask her to be my girlfriend now.
She would be so happy for sure. Gusto niya na talagang maging kami, she's even treating us like we're in a relationship already, tinotoo niya talaga yung sinabing para sa kanya ay kami na talaga.
Ako lang naman ang problema. Well, syempre ay gusto ko talaga muna siyang ligawan pero sa isang banda ay alam kong ang problema talaga ay ang sarili ko. I always think that I'm not enough yet. I always think that I'm not really right for Selene yet.
She always assures me, yes, and I'm thankful for that. But of course, she's saying that because she loves me and that I'm already enough in her eyes.
But that's not what all people think. At ayokong ayaw sa akin ng mga tao para kay Selene. I don't want them to always think that I'm just a spoiled brat who came from a wealthy clan. I want to be deserving. I want them to see that I'm the best for Selene.
"Blair..." Napahinto ako nang marinig ang boses ng aking kakambal.
I immediately looked at him. His face is bothered and contorted. Nakakunot ang noo niya at tila malalim ang iniisip. He's staring intently at his phone.
"Bakit?" Tanong ko.
He looked at me with a horrified look. Napatingin na rin sa kanya ang mga kaibigan ko at natigil sa pag-aasaran at pagkukulitan.
Napalunok ako sa hitsura ng kakambal ko. He rarely shows emotions so it's always a big deal to me when he does. Lalo na't ngayong mukhang hindi maganda ang ekspresyon niya at mukhang may alam na hindi ko magugustuhan.
Blaiz gulped, making me more nervous. It's like he wants to say something but he couldn't... or probably, he's hesitating to say it.
Halos mapatalon ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking phone. Kinuha ko 'yon mula sa kanang bulsa ng aking pantalon at nakitang may panibagong text si Selene.
Selene:
I'm home.Nanlaki ang mga mata ko at agad na binuksan na ang pinto ng bahay para lumabas. I heard Blaiz called me again, more louder this time but I didn't have the time anymore. I need to go to Selene!