Chapter 21

14.1K 496 224
                                    

Punch

Kinagat ko nang marahan ang labi habang nililingon na agad ang mga nakaparadang sasakyan dito sa parking lot ng Oxzen. Why? Of course, I'm trying to spot Selene's family's vehicle.

She doesn't know how to drive so hatid sundo pa rin siya or kaya minsan ay sa mga kaibigan sumasabay pauwi. Or dati... minsan ay sa ex niya siya sumasabay pauwi pero hindi na ngayon. Sa akin na siya pwedeng sumabay pauwi.

Hindi ko nai-spottan ang sasakyan nila Selene kaya marahil ay wala pa siya. Parehas naman kami ng oras ng pasok ngayon but my dismissal is two hours earlier. Well, college life na siya eh.

I parked my car and opened the door to get out. Nakasabit lang sa balikat ko ang isang strap ng bag ko. My blazer is open and my blouse has two unbuttoned buttons. My blue necktie is also loose.

This my usual look, everyone is already use to it. Ang init kasi minsan.

"Hi, Blair!"

"Blair!"

"Blair, are you free later? Let's go to Nightlight again!"

Samut-saring mga batian ang narinig ko pagkabukas pa lang ng kotse. I tried to find the one who invited me to go to Nightlight but I can't so hindi ko na lang pinansin pa.

I was about to say no anyways. Wala ako sa mood ngayon and isa pa, ihahatid ko si Selene mamaya pauwi sa bahay nila. Yun ay kung papayag siya.

Hindi ko rin mahanap sila Vail sa kung saang parte ng parking lot kaya naglakad na lang ako papunta sa classroom namin. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko these days, kala mo ay sobrang mga busy na hindi mahagilap kahit saan e ako lang naman ang may lovelife sa aming lima.

I reached our room and ang nandoon lang ay si Deion na nakapangalumbaba sa desk niya at tila bored na bored na sa buhay.

Her eyes lit up when she saw me. Tila nakahinga nang maluwag.

"Hay salamat, the three jerks are nowhere to be found! Akala ko nga ay nag-outing kayo kung saan at hindi ako sinama o kaya ay nasagaan na kayo at nahulog sa bangin." She exaggeratedly exclaimed at nagkunwaring naiiyak pa kaya halos gusto kong ihambalos sa kanya yung pinakamalapit na upuan na nakita ko.

"Stupid, you're the one who is most likely to get hit by a car or accidentaly fall of a cliff, ikaw kaya ang pinakatanga sa ating lima." Asar kong balik sa kanya kaya napairap na lang siya at prenteng dumekwatro. Sumandal siya lalo sa upuan niya at ginawang unan ang dalawang braso niya.

Umupo ako sa tabi niya dahil wala pa naman sila Vail.

I heard Deion snorted. "E diba ikaw 'yon?"

Ngumisi lang ako at sinulyapan siya. "Hindi na ngayon."

Tumawa naman siya ng malakas at sinapak agad ang braso ko ng ilang beses. Napangiwi naman ako pero sumisilay pa rin ang ngisi sa labi. Halos sakalin na ako ni Deion dahil sa sinabi ko, napapatingin tuloy ang iba naming kaklase sa amin.

"Sana all talaga, gago! Akala ko nga multo yung kasama mo kahapon kala Vail e, kamukha lang ni Ate Selene. O kaya akala ko nabaliw ka na ng tuluyan kaya humila ka na lang ng babae sa daan tapos pina-surgery mo para maging kamukha ni Ate Selene." She laughed hard.

Kumunot ang noo ko. Putangina? Anong klaseng imagination 'yan?!

Sinuntok ko siya pabalik sa balikat. "Siraulo, ikaw ang baka nababaliw na diyan, ang kulit ng imagination mo ah! Magpatingin ka na nga!"

Tumawa lang siya lalo at humawak pa sa tiyan niya. Nginiwian ko na lang siya at napailing.

Nag-usap na lang kami tungkol sa basketball. Ilang minuto nun ay halos sabay-sabay na dumating ang tatlong bugok, sakto dahil dumating na rin ang professor namin para sa first subject.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon