Chapter 44

13.2K 535 337
                                    

Reason

Sinara ko ang aking laptop at tumayo na para lumabas at puntahan sila Selene at Ate Dashiell.

What the hell is Ate Dashiell's talking about? Don't tell me ay badtrip pa rin si Selene hanggang ngayon?

Sumakay ako sa elevator at naguguluhan pa ring naghintay na makatungtong sa floor ni Ate Dashiell. Nang makarating ay agad akong lumabas at pumunta sa office niya.

I just smiled a bit and nodded at Ate Dashiell's secretary. My steps are long because I was already in a hurry.

Baka totohanin ni Ate Dashiell na paalisin nga niya sa office niya si Selene. Madali pa namang mairita 'yon.

I opened Ate Dashiell's door. Sumilip ako at nakita siya sa kanyang lamesa at prenteng nakaupo sa upuan niya. Habang si Selene ay nakaupo sa sofa niya habang nakahalukipkip at tila galit sa mundo.

"What did you call me for, Ate Dash?" I asked, making them turn their heads toward me.

Napairap si Ate Dashiell bago sumulyap kay Selene na parang palihim na sinasagot ang tanong ko. So, dahil kay Selene nga talaga?

Selene's mood got gloomier when she saw me. She immediately glared at my cousin, who just shot her brows up. Ilang saglit ay muli na siyang bumaling sa akin. The muscle in her jaw twitched in annoyance at my presence.

Pumasok ako at isinara ang pinto. I was knitting my forehead and looking at Selene while I'm walking towards my cousin's table.

"Bakit?" Muli kong tanong kay Ate Dashiell.

My cousin just crinkled her eyes and tilted her head at me. Sa tingin niya pa lang ay siguradong sinasabihan niya na ako ng kung anu-anong insulto at iniisip na dapat ay alam ko na kung anong gagawin ko rito.

Umirap ako at humarap kay Selene.

"What's your problem?" Simple kong tanong.

Inangat ni Selene ang ulo patingin sa akin kaya halos mapalunok ako. I heard Ate Dashiell's low chortle because of my reaction, but I couldn't glare at her because of Selene's deadly stares.

"I don't have a problem." Anas naman ni Selene.

Sarkastiko akong tumawa at prenteng nagpamulsa. "E bat ganyan 'yang hitsura mo?"

Nanlisik lalo ang mga mata niya. "What do you mean by that?"

"Nakabusangot ka." Napanguso ako dahil baka naisip niya na sinasabihan ko siyang pangit o ano. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, I just pointed out her contorted expression!

She pursed her lips, bumitaw siya sa pagkakahalukipkip at umirap na lang saka mahinang umismid.

Tinuon niya ang pansin sa aking pinsan na may ginagawa na sa kanyang laptop na parang wala kaming dalawa ni Selene sa harap niya.

"I need to go, Dash. Babalik na lang ako bukas." Rinig kong saad ni Selene at saka dinampot ang kanyang mamahaling bag at nilagpasan ako ng walang tingin-tingin man lang.

I lowly gasped when she purposely hit me on my shoulder with her shoulder. Aba! Hindi nga ako sinamaan ng tingin, binangga naman ako!

I saw Ate Dashiell's lopsided smirk when Selene did that stunt, but her eyes are still focused on her laptop. Sinundan ko si Selene ng tingin pero tuloy-tuloy lang siya hanggang sa tuluyan nang makalabas.

"What the hell?" Sambit ko at napailing-iling. Ilang segundo pa akong ganoon bago itinapon na lang ang sarili sa couch ni Ate Dashiell.

"Not gonna go after her?" Malamig na saad ng pinsan ko.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon