Chapter 25

13.8K 508 102
                                    

Yours

"I'll fetch you later, okay?" Saad ko kay Selene habang nasa labas na siya ng kotse.

Ngumiti siya at dumukwang muli palapit sa akin. Our lips touched softly. Then she stared at me with love and care in her precious eyes. "Okay."

Tuluyan na siyang lumabas at pumasok na sa kanilang bahay. Kakahatid ko lang sa kanya pauwi dahil may pasok pa siya mamayang alas dos.

Maaga naman ang uwi niya dahil isang subject lang sila ngayon. Hindi ko mapigilang mapatulala nang nawala na siya sa paningin ko.

My heart is full of warm and love right now. Its beats hasn't calm down yet even when Selene is nowhere to be found anymore. Hindi ko tuloy alam kung normal pa ba 'to o baka ay may sakit na ako sa puso.

I'm courting her now. O courting pa ba ang tawag kung dalawang beses na kaming naghalikan? At isa pa, sabi niya nga ay kami na talaga sa isip niya kahit hindi pa ako nagtatanong.

I prefer dating more but courting will make it more special and formal. And Selene always deserves the best so I'll try my best to give it to her. No, I'll surely give it to her.

Umuwi ako ng bahay at wala ng bakas ni Blaiz kahit saan, marahil ay pumasok na. Maaga pa namang pumapasok yun. Alas onse na kasi kami lumabas ni Selene sa kwarto dahil sa kakahalik niya sa akin — I don't even know how did I restrained myself not to make love with her but I'm glad I didn't.

We just got together days ago. Hindi pa nga official dahil ako pa nga ang nag-deklara na liligawan ko muna siya kahit para sa kanya ay hindi na kailangan pa nun!

And I don't want to make her feel cheap in any possible way! And making love with your girl when you were just started courting her is cheap for me.

I should make her feel special and worth it, not cheap.

Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng online games pero nababagot talaga ako lalo na't wala akong makausap dito. Hindi naman ako pwedeng uminom at mag-party ngayon at hindi ko rin alam kung pwede ba kay Selene ang ganoon pa rin ako ngayong nililigawan ko na siya.

I'm willing to drop those for her. Basta ba ay lagi ko siyang kasama para mawalan na akong gana na uminom at mag-party dahil for sure ay mas pipiliin kong kasama siya.

"Shit." Bumangon ako at suminghap sa kabagutan. Nag-open na lang ako ng Messenger para tingnan ang group namin ng apat na bugok. Hindi ko pa pala sila nababalitaan pero siguradong alam na nila kung anong nangyari kagabi.

I scrolled down to see their messages last night.

Vail:
Blair, what the hell happened?!

Deion:
Binugbog niya si Armin HAHAHAHA

Ersa:
Hospital daw bagsak ah. Di yata kaya ng powers ni Nurse Thana yung bugbog na mukha HAHA

Terzo:
Luh, tamang mention lang kay Nurse Thana pag may time. Napaghahalataan.

I grinned when I saw Terzo's message. Gago talaga, masyadong mapang-asar.

Ersa:
Issue ka 'no? Tagal tagal na nun, di ka pa maka-move on? Bakit, sino bang nurse ng school? Si Nurse Thana diba? Sino bang gusto mong sabihin ko? Si A?

I laughed hard at Ersa's rebutt. Putangina, this is so funny! Kung alam ko lang na malupit pala ang mga asaran nila kagabi edi sana ay kanina ko pa tiningnan!

Terzo:
Ulol.

Vail:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA boom

Deion:
Nasaan ka na ba, Blair? Pa-chismis naman, tangina, baka patay ka na diyan ayaw lang sabihin sa akin ni Ate Dash.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon