Nevermind
"Miss Estrella." Lumingon ako sa taong tumawag sa akin. Si Nesia pala, secretary ko.
Ngumiti ako at nagtaas ng kilay. Sinara ko ang laptop na ginagamit at tiningnan siya ng maigi. "Why?"
"You have a meeting po with the CEO and the board members at 3 PM." Pormal naman niyang saad habang may hawak na binder na nakalapat sa kanyang dibdib at yakap niya.
I slightly pouted and check my Audemars Piguet watch. Alas dos y medya na. Tumango ako ng marahan at saka muling pinabulaanan ng ngiti ang aking secretary.
"Sure. I'll be there." Sabi ko kaya agad na tumango si Nesia at magalang na nagpaalam saka umalis na ng opisina ko.
I put my hand in my neck to make a crack sound. Kinuha ko ang phone ko na latest model ng IPhone at nilagay ito sa bulsa ng coat ko.
I'm wearing a usual button down shirt with a black blazer paired with a skirt and a tidy flats. Maayos ang buhok kong hanggang siko at nakabuhaghag lang.
Ngumuso ako at dinilaan ang ibabang labi. Muli kong pinasadahan ang aking relo at may sampung minuto pa bago magsimula ng meeting, but I don't wanna be late so I should go now.
Binuksan ko ang aking glass door at lumabas na ng opisina ko. Nakaabang si Nesia sa akin sa kanyang sariling table sa labas pero inilingan ko na lang siya.
"I can handle. Just stay here and do your job, Nes." I smiled at her.
Napakagat siya ng labi saka tumango na lang din. I'm her boss so she couldn't do anything. I don't want her to feel like that but this is one of those rare scenarios that I want to.
Masipag kasi siya masyado. Gusto niya ay laging nakasunod para masunod ang lahat ng gusto at magawa ang lahat ng kailangan ko. I admire her for her dedication in work pero kaya ko naman ang sarili ko.
It's just a normal meeting. Hindi naman ito sobrang importante.
Pumasok ako ng elevator papuntang sa 59th floor. Magiliw akong ngumiti sa mga kasama kong mga employees din namin.
Rumehistro naman agad ang pagkagulat at pagkakaba sa mga mukha nila nang makita ako. Hindi ko maiwasang humalakhak dahil dito.
"Come on, guys, relax. It's not like I'm gonna bite all of you or something." I chuckled amusedly and stand in front of the elevator's buttons.
Pinindot ko ang 59th floor dahil nandoon ang conference room. Sumandal ako ng kaunti sa elevator at nakahalukipkip na pinasadahan ulit sila ng mga tingin.
Nakaiwas sila ng tingin at halatang mga kabado pa rin. Ngumuso ako ng kaunti sa pag-iisip kung paano ba sila magiging komportable kapag malapit ako.
They're always like that. Nakakakaba ba talaga kapag kaharap mo na ang isa sa mga boss mo? I guess I would never know.
I chuckled swiftly again when the elevator opened when we arrived on another floor. Pumasok naman ang tila isang nagmamadali na babae. Muntik pa siyang matumba kaya agad akong lumapit para alalayan siya.
"Are you okay?" Nakakunot ang noo kong saad. Napasinghap naman yung babae at agad na tumingin pataas sa akin.
"M-Ma'am-" She stuttered so I just smiled assuringly at her. Inalalayan ko siyang tumayo. Inayos niya naman agad ang sarili nang mapagtantong hawak ko siya sa mga balikat at tinutulungang tumayo.
"Don't hurry so much. Where are you going ba?" I asked her in a friendly manner. Prente akong muling sumandal sa elevator at tiningnan siya.
Nanlaki naman ang mga mata niya at halos mamula sa hiya at tila hindi makapaniwang tinatanong ko siya. She opened her mouth only to close it again.