Glad
I stared at my ballpen, bahagya ko itong pinapaikot-ikot sa aking mga daliri at saka susulyap sa harapan.
Our professor in Gen. Math is finally back, that means hindi na si Selene ang substitute prof namin sa subject na 'to.
Kaya ito, nawawalan na naman ako ng ganang makinig at gusto ko na lang talagang matulog. But on the other hand, I'm glad that she's not our substitute professor anymore, naiisip ko pa rin kasi ang nangyari kagabi sa bahay.
I was so stupid for calling her in just her name! And worst, in front of others pa, especially Mommy! Okay lang sana kung si Blaiz lang dahil alam naman nun kung ano talaga ang nararamdaman ko pero... damn it!
At kahit wala nun sila Mommy at Blaiz, I still shouldn't have called her Selene! Hindi siya sanay at sa ilang taon naming magkasama ay never ko pa yata siya natawag sa pangalan niya lang!
And God knows how many times did I called her in just her name yesterday night. Himala nga at hindi niya napansin noong una, doon lang talaga niya siguro napagtanto sa bahay.
Umayos ako ng upo at napahilamos sa mukha gamit ang aking mga kamay. Siniko naman ako ni Vail na nasa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin, halatang nang-aasar lang 'to dahil pansin niya sigurong wala ako sa mood kahit na parang lagi naman talaga akong wala sa mood tuwing may klase.
"Porque hindi na si Ms. Angel ang prof, hindi ka na nakikinig diyan." Halakhak niya pa ng mahina.
My brows furrowed and I glared at her but she just teasingly shot her brows up, making me rolled my eyes. Hindi ko na siya pinatulan pa dahil totoo naman at may point naman talaga siya.
I just chose to pretend that I'm listening. Narinig ko ang pagbungisngis nila Vail at ang pagtatawanan nila pero hindi ko na sila pinansin pa. Akala mo naman talaga ay mga nakikinig e hindi rin naman!
Nang matapos ang klase ay halos nakahinga ako ng maluwag dahil sobrang boring talaga. Ganun din sila Terzo at ang iba pa naming mga kaklase.
Tumayo na sila Vail para lumabas na ng classroom dahil break time na namin pero lumingon din sa akin dahil napansin nilang nakaupo pa rin ako.
"Ano, walang balak tumayo, Blair? Mukha bang yung cafeteria ang lalapit sayo?" Deion uttered while smirking, making Ersa laugh while Vail and Terzo just chuckled.
"I'm fucking sleepy, kayo na lang muna." Sabay angat ng kamay at sumenyas na parang tinataboy ko na sila.
Vail laughed devilishly at hinila na ang braso ng tatlo pang mga gago, "Just let her, hindi na si Ms. Angel ang prof kaya nanghihina siya." Sabay mas lalong lumakas ang halakhak niya.
Aba't! Umakto akong kukunin ang bag sa likod ko at ibabato sa kanya kaya tumakbo na siya palabas ng room. Gago talaga, ako na naman ang napagtripan, kanina pa yan eh! Siguraduhin niya lang na hindi ko siya mahuhulihan nang pwedeng ipang-asar sa kanya kundi patay talaga siya sa akin.
Deion snickered while looking at Vail and turned her head at me. "Gusto mo ba tawagin namin si Ate Selene para ma-full bar na agad yang energy mo?"
Isa pa 'to, mga walang magawa sa buhay.
"Tangina niyo, umalis na nga kayo!" Binato ko na talaga sila ng bag ko. Nakaiwas naman agad sila at saka tatawa-tawang nagsi-alis na.
Bahagya kong ginulo ang aking buhok nung umalis sila at tiningnan ang bag ko. Mamaya ko na lang yan kukunin, inaantok na talaga ako.
Dumukdok ako sa aking desk at pinatong ang aking braso at saka pinatong ko ang aking ulo sa braso para maging unan ko ito. Dapat pala ay hindi ko na talaga binato ang bag ko, yun sana ang unan ko ngayon, pwede ko namang kunin pero masyado na akong tinatamad para gawin pa 'yon kaya sapat na 'tong braso ko.