Single
I woke up feeling energized for some reason. I felt someone warm on my neck, making me feel ticklish for a little bit even if I don't have tickles.
Dumilat ako at naabutan si Selene na nakayakap sa akin at nakasubsob pa ang mukha sa aking leeg. She's still sleeping.
Oh yeah, dito nga pala siya natulog kagabi. Or more like kanina dahil madaling araw na kami umuwi mula sa Southern Avosta.
Marahan akong gumalaw para hindi siya maistorbo sa pagtulog. I slowly took of her arm that is currently wrapped around my waist but her hold just tightened.
Ngumuso ako at sinubukan ulit kumawala pero lalo lang ulit humigpit ang kapit niya. Now I wonder if she's really still asleep or just pretending.
"Don't." Mahina niyang sambit kaya napailing ako. And yup, she's just pretending.
I sighed and just let her be. Tinatamad pa rin naman akong tumayo. Her left hand went from my waist up to my neck. Nahigit ko ang hininga dahil sa galaw niyang 'yon.
Mas lumapit pa siya at at pinulupot naman ngayon ang kamay sa leeg ko. Tinaas niya ang katawan para maging magkapantay ang mukha namin, hinawakan ko tuloy ang manipis niyang bewang para mabalanse ko siya at hindi mahulog sa akin.
"Why are you so clingy?" I asked, brows furrowing.
Nakita kong napangiti naman siya habang nakapikit pa rin. Maya-maya ay marahan niyang dinilat ang kanyang kanang mata at nagtama agad ang aming mga paningin.
"Why do you think so?" Balik niyang tanong sa akin.
Lalo akong naguluhan. Tiim bagang ko siyang tinitigan pero nakangiti lang siya at inosenteng-inosente ang ekspresyon.
Bakit nga ba, Selene? Ang gulo mo, hindi kita maintindihan. Bakit ka ganito? Bakit ka biglang umaakto ng ganito? At bakit mo sinabi ang mga salitang 'yon sa akin kaninang madaling araw?
What is the meaning of that? Damn it!
"Ewan ko sayo." Saad ko na lang, hindi ko alam kung tinatamad lang talaga akong sagutin yung tanong niyang 'yon o natatakot akong buksan at palalimin pa ang usapan namin.
Mabilis akong tumayo kaya hindi niya na ako napigilan. Naglakad ako papuntang banyo at pagkasara na pagkasara ko pa lang nito ay napatigil na ako at natulala.
My jaw tightened as I remember what she said earlier when we were just about to sleep? What the hell does mean by that? Does she mean that she likes me back? But she has a boyfriend!
Am I ready to be a damn mistress? No! I would be never be one! I want to be the only one! Kaya nga binalak kong paibigin na lang siya sa akin para iwan niya yung boyfriend niya at maging sakin na lang siya dahil hindi ako papayag na may iba bukod sa akin!
But then... I love her for a long time now. I've dreamt this for so long. Ito ang laman ng mga panaginip ko. Ang laman ng mga pangarap ko. Paano kung ito na lang ang paraan? What if this is my only chance to feel her love?
Fuck it.
Naghilamos na lang ako at nag-toothbrush and mouthwash para maibsan ang frustration ko sa sarili at kay Selene. Lumabas ako ng medyo iritado pa rin.
Narinig ko ang mahinang tikhim ni Selene pero hindi ko siya binalingan man lang. Binuksan ko ang PS4 ko at kinuha ang controller saka pumuntang kama para maupo.
"I haven't said good morning yet pala. Good morning, Blair." Selene spoke, medyo masigla ang boses niya.
Hindi ako nagsalita at diretsyo lang ang tingin sa screen. Naramdaman kong gumalaw si Selene palapit sa akin kaya halos manigas ako pero hindi ko ito pinahalata.