Chapter 15

12.4K 545 420
                                    

Pushed

I grinned as I heard someone knock on my door. Ngumuso ako at hinawakan pa ang panga at marahan itong pinisil para matigil ako sa pagngisi.

Pinasadahan ko ang aking buhok gamit ang aking daliri at siniguradong maayos ang aking suot na simpleng pulang t-shirt lang at pang basketball na short.

Nilapag ko sa malambot kong kama ang aking makapal na libro na tungkol sa Gen Math na kanina ko pa pilit na sinusubukang basahin pero natutulala lang ako at walang naiintindihan. May mga notebooks din akong nakabukas at mga ballpen at pencil.

God, I hate books! Or more like, I hate studying!

Marahan akong tumayo at naglakad na sa pintuan ng kwarto ko. I held the doorknob and turn it quickly to open. Maluwag kong binuksan ang pinto at ngumiti sa taong niluwa nito.

I saw Selene's soft features. She's just wearing a plain pink long sleeves blouse and an under the knee skirt. Halos mapangiti ako sa ganda niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hi. Good morning." I cooly greeted her with a half-smile.

Marahan at mabagal naman siyang tumango saka ako pinasadahan din ng tingin. Ilang sandaling nagtagal ang tingin niya sa suot ko bago ngumiti na rin.

"Good morning to you too, Blair." Her voice is soft and sweet, parang hinehele ako.

I chuckled lowly and nodded again. Tsaka ko lang napansin ang dala-dala niyang libro. My lips hanged open and I immediately went closer to get the books from her hold.

"Ako na." Sabi ko. Napalunok naman siya sa bigla kong paglapit at tila nabigla. Mabilis niyang binigay ang mga libro, agad naman akong lumayo at halos gustong mapakamot ng ulo. Naging excited yata ako masyado!

"Sorry." I apologized and nervously chuckled. Mabilis naman siyang napailing at muling ngumiti na parang sinasabing okay lang.

I couldn't help but pout. "So... are you gonna teach me here or... sa baba na lang?"

Napaawang ang mapupula niyang labi at napakurap. She bit her lower lip and she seems like she has a clear answer but she's hesitating to say it.

Marahan kong tinaas ang kilay at naghintay ng sagot niya.

"Uhm... I'm okay with both. K-Kung saan mo na lang gusto." At saka siya nag-iwas ng tingin. Kumunot naman ang noo ko dahil tila hindi pa siya sure kung tama ba ang sinasabi niya. Halos matawa ako, bakit parang may gagawin ako sa kanya na hindi maganda sa inaasta niya?

But well, since she gave me the permission to choose then I'll just choose what I prefer more. At ano 'yon? Syempre ay yung dito na lang kami sa kwarto.

"Hmm. Edi..." I put my hand on my nape and caressed it softly to pretend like I'm really thinking about what will I choose. "Dito na lang siguro? Baka kasi... guluhin tayo ni Blaiz sa baba."

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. The sides of her eyes crinkled as her eyes narrowed at me.

I glance away and pursed my lips because I felt like she see right through me.

"Sige..." Marahan niyang sabi at tinititigan pa rin ako na tila nananantya kung tama ba ang sinabi niya.

Tumalikod na ako para pumasok ulit sa loob at ngumiwi dahil parang alam niya yata na hindi naman talaga si Blaiz ang dahilan kung bakit ayaw ko na sa baba niya ako turuan.

"Feel free to seat wherever you like." I smiled cheekily and my body immediately find its way to my soft bed again as I also put the books just beside my notebooks.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon