Chapter 45

15.4K 610 443
                                    

Try Again

"Seryoso?" Sigaw ni Deion sa akin. Pagkatapos ay tumawa siya nang malakas.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at inirapan. Binato ko sa kanya yung coke na hawak ko na ubos na ang laman. Wala talaga siyang kwenta kausap.

Nag-igting ang panga ko bago kumuha ulit ng isang coke sa lamesa. Nandito kami ngayon sa penthouse niya dito sa Velarde's Hotel at tumatambay lang. Sila Ersa ay busy ngayon kaya kaming dalawa na naman ang magkasama.

"Ate Selene told you that?!" Muli niyang malakas na sigaw bago napailing-iling na naman.

I knitted my forehead. "Paulit-ulit ka!"

She grinned devilishly. "E, akala ko ba may bago na siya?"

Sinamaan ko siya lalo ng tingin pero agad ding iniwas ang mga mata. "Oo nga, akala ko rin. Ewan ko sa kanya."

Naguguluhan na ako kay Selene. She's in a push and pull move. Sinabi niya na naka-move on na siya pero sa mga inaakto niya ay parang hindi naman. Tapos ay sinabi niya pa 'yon sa akin sa sasakyan niya kahapon!

I swear to God, she's confusing. She even called me baby! What the fuck? That's not how you call a friend! Or even a... younger sister figure.

Ngumiwi ako sa huling naisip. Fuck, me, a younger sister figure of her? No way! We can't go back to that anymore! We've already kissed before! Not even just a kiss... it went even more than that.

Pero... tinatawag ko pa rin naman siyang Ate. Am I seeing her as an older sister figure? No! Maybe that's why she doesn't like being called like that? Baka uncomfortable? Imagine being called like that by someone who has already owned you before.

Yeah, pretty uncomfortable to think about, actually. Paano pa sa kanya na tinatawag ko talaga?

"Anong sabi mo sa kanya pagkatapos?" Tanong ni Deion. Nginunguya niya pa ang chips habang nagsasalita kaya parang gusto ko na naman siyang batukan.

I pouted. "Wala. Sabi ko... umuwi na lang kami."

Truth, 'yon talaga ang sinabi ko. I'm just so shocked and taken aback by what she said. And it's been so long since she called me by that endearment, so I don't know how to react. And I think it's not right since she got back with her ex already or that she's seeing that man that Deion told me about. Or... iisa lang ba ang nakita ni Deion na lalaki?

Tiningnan ko nang mariin si Deion. I want to ask her, but she might tease me that I'm concerned about Selene or anything abour that guy. That I'm jealous or mad about the thought of them.

Which is... true but I would never admit that to her.

Kilala ni Deion si Charles, ilang beses niya nang nakita ang mukha nito dati pa. Pero wala naman siyang nabanggit na iyon yung nakita niyang lalaki na kasama ni Selene sa bar noong nag-Cell sila nila Ate Dashiell.

Ibig sabihin ba ay ibang lalaki pa 'yong nakita niya? E, bakit kasama ni Selene yung ex niya kung may dini-date na pala siyang iba? Don't tell me Selene likes to fool around now?! No, that can't be. Maybe  they are just friends now? But I don't think exes could be friends!

Well, sa kaso namin ni Selene ay... hindi naman naging kami. And I don't think we're friends right now. I don't think... I could ever see her that way. I don't know about her, though.

But if Selene is dating one of those guys, then why would she say that to me yesterday? Pwede niya namang tanungin ako at paaminin sa totoong rason na naiisip ko pero kailangang ganoon ba talaga ang pagkakasabi niya?

Though she's also kind of right. That she already memorized me. Napagtanto ko na kahit magsinungaling ako sa mga bagay-bagay ay alam niya na agad na hindi ako nagsasabi ng totoo at alam niya rin kung nagsasabi ako ng totoo.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon