Chapter 32

15.9K 522 289
                                    

Warning: This chapter contains mature themes that may not be suitable for young readers. Read at your own risk!

Best

And that's what I really did.

I strived to become better. I strived to become the best person for Selene. I strived for Tita Serena to see that I could also be right for Selene.

I did my best. I really did. And I hope that my efforts are now enough for her to see my worth.

"Nakuha mo na? Sabay-sabay na tayo." Sabi ni Vail. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka tumango.

Three months already passed. And in those three months, pinagbutihan ko ang lahat. Mula sa pag-aaral ko hanggang sa mga dating pagga-gala ko. Inayos ko na ang lahat.

Hindi na ako nagpa-party gabi-gabi. Hindi na rin ako madalas na nag-iinom. Kahit anong aya sa akin nila Vail ay hindi na ako sumasama. Kung hindi pa nila pipilitin si Selene na sumama na lang at magbantay ay hindi talaga nila ako mapapasama. O kaya ay sasabihin kong sa bahay na lang kami mag-inom pero syempre ay ayaw naman nila 'yon dahil hindi naman kami madalas sa mga bahay umiinom.

Even my 18th birthday passed and I just chose to celebrate it in our house with my family and friends. With Selene. They were all shock because I kept on saying before that I'll hold some massive parties in our favorite clubs once I turn legal.

I'm determined to fix myself. I need to and I want to.

Pumunta na kaming limang magkakaibigan sa Admin Office. We're here to take our last quarter's exam results. Yup, ito na ang last quarter namin kaya hindi talaga ako pwedeng bumagsak pa.

Maayos ang performance ko sa school sa buong quarter. Most of my professors actually complimented me — something that they never did before and something that I never received from a teacher before.

Itong sila Vail nga ay matataas na rin ang mga scores sa mga quizzes. Hindi raw kasi sila magpapatalo sa akin kaya ayun, nagsipag din. Pero hindi naman sila tulad ko na halos ayaw nang lumabas ng bahay para lang mag-aral.

Mataas din ang grades namin sa aming defense last week. Kami-kami rin naman ang mga magkakasama at saka ilan pa naming mga kaklase.

It's too late to aim for an honorary place so hindi na muna ako nag-expect ng ganoon. I'll just aim for that next year.

Ngumuso ako at napailing. Hindi talaga ako mapaniwala sa nangyayari sa akin. Tatlong buwan lang ang nakaraan pero parang ibang-ibang tao na ako. It feels like I'm a completely different person now.

Hatak-hatak ako nila Deion ngayon dahil kinakabahan akong pumasok. Shit, palagi na lang ba akong magiging ganito kapag kuhaan na ng results sa exam? At maging sa mga quizzes namin?

"Don't worry, for sure, you're the highest among all of us! Magbasa ka ba naman ng libro hanggang bar!" Tawa ni Ersa at tinulak ako. I tried to nudged her using my elbow but she just got away and let out her tongue to tease me.

Ang gago talaga kahit kailan!

May quiz kasi kami kinabukasan nang bigla nila akong inaya mag-bar. Tatanggi sana ako dahil magre-review pa ako pero natigil ako nang makita si Selene sa loob ng kotse ni Deion. Kasama pala namin siya. So ibig sabihin ay plinano talaga ng apat na bugok na 'to ang gabing 'yon, dinamay pa si Selene para lang mapapayag ako, porque alam nila ang kahinaan ko!

Pumasok na kami sa loob. Nangunguna si Deion na akala mo ay leon na papasok sa kuta ng mga prey niya.

"Miss, yung results sana ng mga exams namin. Thank you." She showed a boyish smile on the girl. It was the same girl that Selene got jealous of. Yung pamilyar ang hitsura at hindi ko alam kung saan ko unang nakita.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon