Take
Nakanguso lang ako habang naglalakad kami nila Selene at ng librarian papuntang clinic. Nasa tabi ko si Selene at hawak-hawak pa rin ang wrist ko ng medyo mahigpit habang ang librarian ay bahagyang nahuhuli sa amin.
Hindi ko talaga alam kung bakit pa kailangan nito. Kaunting galos lang naman ang mayroon sa gilid ng noo ko, hindi naman malala, tss.
The only thing that is not good here is that it might leave a scar but anything else from that? Wala na.
"Does it hurt?" Rinig kong tanong ni Selene. Sumulyap naman ako sa kanya at halos mapangisi nang makitang kulang na lang ay hawakan niya ang mukha ko at ilapit para matingnan ng mabuti ang sugat sa noo ko.
Ilang beses niya na ring tinanong ang tanong na yan mula pagkaalis namin ng library hanggang dito na malapit na kami sa clinic.
I don't really mind her asking though. It feels good that she really has that much concern for me. It feels nice and... somewhat warm.
"Hindi nga." Muli kong sagot sa kanya. Hindi naman talaga masakit, for sure ay namamanhid ito ngayon, siguradong kapag nilagyan 'to ng nurse ng gamot mamaya ay saka ito hahapdi at kikirot.
She bit her lip and stared at me with deep concern again on her hazel brown eyes. Hindi ko maiwasang mapatitig kaya mapaglaro na lang akong ngumisi sa kanya para maitago ang pamamangha sa aking mukha.
Hindi niya inalis ang tingin sa akin na tila sigurado siyang nagsisinungaling ako.
"Hindi nga masakit." Ulit ko at nagtaas ng kilay sa kanya.
Kumurap siya habang nakatitig pa rin sa akin. Bahagyang parang natauhan siya at saka tumango ng marahan at umiwas na ng tingin.
Pagkarating sa clinic ay mabilis na naglakad si Selene para buksan ang pintuan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at mas binilisan ang paglalakad para maunahan siya sa pagbukas ng pinto pero nahuli na ako.
"Hey! I should be the one who's opening the door!" Hindi ko mapigilang asik saka napasimangot.
Damn it! Ako dapat ang nagbubukas ng pinto para sa kanya, tss.
Bahagya siyang natigilan at saka sinulyapan ako. I pouted immediately when I realized what I just said. Tanga mo, Blair, bakit mo sasabihin yon e hindi naman kayo!
Nagkunwari na lang akong naiinis at umismid na lang sa kanya. Ilang segundo pa ang titig niya sa akin bago tuluyan nang pumasok sa loob ng clinic kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Shit, I really need to limit myself. I should take this slowly but surely.
Mabilis na kaming ng librarian kay Selene sa loob ng clinic. Natagpuan namin si Selene na suot-suot ang kanyang mala-anghel na ngiti kausap ang isang babaeng maganda at kasing-tangkad niya lang.
Agad naman akong napangiti at medyo malakas na humalakhak.
"Nurse Thana, long time no see!" I smirked mischieviously while looking at the nurse beside Selene.
Umangat naman ang kilay ng babae at saka tumango. "Long time no see, Miss Estrella."
Lalo akong natawa dahil sa simple at malamig na reaksyon niya. Naglakad ako papunta sa isang kama roon at prenteng umupo.
"It's been what? Two years?" Sumulyap akong muli kay Nurse Thana. Bahagya namang nawala ang ngisi ko nang mapunta ang mga mata kay Selene na nakatingin sa aming dalawa at kapansin-pansing wala na ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi sumagot si Nurse Thana at kinuha na ang pang-first aid sa isang cabinet.
"I'll leave Miss Estrella to you now, Nurse Thana, I'm sure you can handle her already. I still need to go back to the library." Ani ng librarian at inayos ang tingin saka may banta ang tingin sa akin bago tumingin kay Selene.