Chapter 29

11.2K 452 108
                                    

Proud

"How's your exams?" Nakangiti kong tanong kay Selene. Ate Dashiell nodded at me and went to the opposite direction, uuwi na siguro. Hawak-hawak ni Selene ang kanyang folder na may lamang answer sheets sa kaliwang kamay samantalang hawak niya ang isang libro sa kanan.

Tatlong araw na ang nakararaan matapos ang examination day namin. Ngayong araw na pwedeng makita ang scores namin sa mga tests dahil na-checkan na ang mga ito at na-record.

She smiled. "They were fine."

Ngumuso ako sa simple at masikretong sagot niya. Kinuha ko ang bag niya na binigay niya naman agad at medyo binuklat ko ang folder at sinilip ko yung answer sheets na hawak niya.

"What do you mean by 'they were fine'?! They were great! What the hell? Perfect nga 'tong isa oh!" Kinuha ko yung nakita kong may perfect score siya. Nalaglag ang panga ko at namamangha siyang tiningnan.

Umiwas siya ng tingin at bahagyang namula ang pisngi sabay kuha sa akin ng answer sheet niya.

"That was easy, marami naman kaming naka-perfect diyan." Sabi niya pa. Lalong nalaglag ang panga ko. Seriously?!

But matatalino naman talaga ang mga nasa block nila. Puro halimaw sa galing ang mga nandoon kaya ayaw ko laging pumupunta dati roon e!

"Ako nga hindi pa nakaka-perfect ng isang test kahit kailan tapos sasabihin mo na madali lang kasi?" Tawa ko at nanggigigil na hinalikan siya sa kanang pisngi.

She chuckled and pinched my nose, making me wince slightly. "That's because you're lazy before, but now, I'm sure you can easily do it, Blair."

Ngumiwi ako. Imposible.

Hindi ako sumagot at nakangiwi lang sa kanya na tila hindi talaga naniniwala sa sinabi niya kaya napatawa siya lalo.

"Anyway, have you got yours already?" Tanong naman niya.

Napakagat naman ako ng labi. Kanina pa ang dismissal namin pero hindi ko pa nakukuha yung akin. Gusto kong makita ang scores ko pero at the same time ay ayoko. Kinakabahan ako!

Base pa lang sa reaksyon ko ay alam niya na ang sagot. She smiled gently and cupped my cheeks. Tumingkayad siya at pinatakan ako nang magaan na halik sa tungki ng aking ilong.

"Don't be nervous, Blair. I'll support you and I will still be here for you no matter what." She uttered sincerely.

Napasulyap ako sa mga estudyanteng tinitingnan din kami, most are college students like Selene dahil kanina pa ang uwian naming mga senior high. Hindi sila alintana ni Selene at hindi ko rin naman masyadong pinapansin. They probably know by now about Selene and I since we're always together. Mas madalas ko na ngang nakakasama si Selene kesa sa mga kumag kong mga kaibigan.

Mabuti nga at hindi nagtatampo ang mga 'yon dahil lagi akong humi-hindi sa mga aya nila. May mga sari-sarili rin naman kasi silang pinagkakaabalahan ngayon.

Umayos na ulit ng tayo si Selene at nakangiti pa rin sa akin. "Let's get it together? I'm pretty sure the Admin Office is still open right now." She suggested.

I gulped for a second before nodding slowly. Her angelic and enticing smile widen when I agreed.

She intertwined our hands and excitedly walked towards the Admin Office. Mabibilis ang mga hakbang niya habang sa akin ay mabagal pero parang sabay pa rin kaming maglakad dahil sa mahahaba kong biyas.

I'm towering over her as she is still pulling me. Siguro ay para akong batang napagalitan ng nanay ngayon sa inaakto ko.

Nang marating namin ang Admin Office ay kumatok siya at sumilip sa loob. Ngumiti siya sa kung sino man ang naroon ngayon. Hinila niya ako at bahagyang nakita ang isang babaeng nasa mid-twenties na siguro.

When Will It Be Right? (When Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon