Chapter 1:First Day

66 8 1
                                    

Monday 6am

Sofia's PoV:

Ngayon ang unang araw ng pasok ko sa school alangan naman sa kubeta, hehehe 8:00am pa naman pasok ko kaya maaga akong nagising ngayon dahil ayokong ginigising ng magaling kung kapatid na si Althea Ferrer, ang ingay ingay pa naman non kung makasigaw kala mo bingi yung tao, nakakairita kaya boses niya di naman maganda, pag kumanta nga yun jusko sintunado pa.

Alam niyo pwede nga maging announcer sa bingo si Althea sa lakas ng boses nun ehh tssss, try ko kaya gawin sa kanya yun nohh gisingin ko din siya with wireless microphone tama tama haytss ang talino ko talaga, meron kasi kaming wireless microphone dito sa bahay ehh ginagamit namin kapag nag kakaraoke kami bonding namin ni Althea yun kapag sabado. Tuwing linggo naman ay nag sisimba kami.

Wala kasi si mommy at daddy nag tratrabaho sila sa abroad, business ang work nila don kaya kami lang ni Althea ang nasa bahay ako ang panganay sa aming dalawa, si Althea naman ay 16 years old na pero kung mag-isip ay isip bata parin.

Inayos ko muna ang aking higaan bago maligo at magbihis dahil ayoko naman ma late nohh first day na first day tapos malalate pa ako kaya dapat di ako malate ngayon dahil gigisingin ko pa si Althea sisigawan ko din yun.

Katapos ko maligo nag skin care na ako at lumabas ng kwarto pababa na sana ako sa hagdan nang may maalala oo nga pala gigisingin ko nga pala si Althea bago ako pumunta sa kanyang silid kinuha ko muna yung wireless microphone sa cabinet at saka nagtungo agad sa kanyang silid binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at nakita kung mahimbing ang kanyang tulog HAHAHAHAHA yari ka ngayon saken, lumapit na ako sa kanya at inon ang microphone ito na ito na sisigaw na ako. Pagbilang ko ng tatlo ito na

1

2

3

*Inhale*

*Exhale*

"ALTHEAAAAAAAA GISING NAAAAAAAAAAAA!!!!!" Sigaw ko sa microphone.

Bigla siyang napabangon sa kanyang hinihigaan HAHAHAHA nakakatuwa yung mukha niya may halong gulat at inis, habang ako naman nakatayo at tawa ng tawa .

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa talaga ako sa mukha niya, gawin ko kaya to araw araw nakaka enjoy naman pala sumigaw eh.

Habang tumatawa ako may tumamang unan sa mukha ko kaya natigil ako sa pagtawa nakita ko nalang siyang may hawak na mga unan saktong ibabato nanaman niya sa akin yung isang unan jaya umilag ako at tumakbo na ako palabas ng kwarto at sinara ang pinto. HAHAHAHA nakakatawa talaga mukha niya kanina.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng aming almusal. Pagkatapos kung magluto hinanda ko na ang mga niluto ko sa mesa, nagluto ako ng hotdog, egg at bacon syempre may kanin din nohh. Habang hinahanda ko ang mga pagkain sa mesa sakto naman bumaba si Althea na nakaligo na at nakabihis nadin siya ng uniform niya sa school, dumiretso siya sa kusina. Haytss mabuti naman akala ko tatawagin ko pa siya ehh tapos na din naman ako mag ayos. Umupo na siya sa upuan at ganun din ako umupo ako kaharap niya kitang kita ko sa mukha niya na naiinis parin siya dahil sa ginawa ko, ako rin naman nohh kapag ginagawa niya sa akin yun, gumanti lang naman ako sa kanya ahh kaso with mic nga lang HAHAHA.

Tahimik lang kaming kumakain di nga niya ako pinapansin ehh haytsss hirap naman ng ganito di pa naman ako sanay sa amin dalawa ito pinaka madaldal tapos ngayon napakatahimik ano kaya gagawin ko.

Hmmmmmmmmmmmm

Ahhh alam ko na.

Pagkatapos namin kumain nag toothbrush na kami at hinugasan ko ang mga plato atsaka umakyat sa taas para kunin ang bag ko ganun din si Althea. Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko kumuha din ako ng dalawang chocolate sa cabinet ko marami kasi akong chococolate, favorite ko kasi ang chocolate kaya madami ako nito sa cabinet ko. Binulsa ko na yung dalawang chocolate ibibigay ko yung isa kay Althea pambawi lang dahil sa nagawa ko kanina, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan, nakita ko naman na nakaupo at naghihintay si Althea sa sala kaya naman nung nakita niya na ako lumabas na siya at sumunod ako sa kanya bago kami umalis nilock ko muna ang pinto.

Sabay kaming nag lalakad ni Althea papunta sa paradahan ng jeep. Habang nag lalakad kinuha ko ang isang chocolate at binigay ko sa kanya, nagulat pa siya nang iabot ko sa kanya yung chocolate. Kitang kita ko sa mukha niya na masayang masaya siya at hinug pa ako ni Althea.

"Thank you ate" sabi ni Althea.

"Bati na tayo ahh?" Tanong ko sa kanya.

"Opo ate. I LOVE YOU" sabi ni Althea.

"I LOVE YOU TOO. Tara na malalate na tayo ehh 7:20 na" sabi ko. Malapit na kami sa paradahan ng mga jeep.

"Opo ate, ate ayun na yung jeep ohh baka aalis na" sabi niya kaya tumakbo na kami papunta sa jeep. Buti nalang nakasakay na kaming dalawa, nagbayad na kami ng pamasahe namin. Tahimik lang kaming dalawa habang nakasakay sa jeep.

"Monteblanco International School meron bang baba doon?" Tanong ni manong driver.

"Meron po" sagot ko.

Nag stop ang jeep sa harap ng school at bumaba na kami ni Althea. Ang Monteblanco International School ay isang private school, ito ay napakalaking eskwelahan marami ang mga students na nag-aaral dito. Kilalang kilala itong school na to dahil mayayaman ang mga nag-aaral dito. Si mommy ang nagsabi na dito kami mag-aral dahil dito sila nag graduate ni daddy. Medyo may kamahalan nga lang ang tuition fee dito dahil nga private school to at dalawa pa kami ni Althea ang nag-aaral dito. Kaya nag work sa abroad sila mommy at daddy para makapag-aral kami dito.

Manghang mangha kami ni Althea sa laki ng school pagkapasok palang namin dito syempre nag picture na kami ni Althea at ang background namin ay ang school para i send kay mommy at daddy. Madami na din estudyanteng pumapasok dahil 7:45am na, tapos na den kami mag picture. Naglakad na kami para hanapin ang room ni Althea buti nalang nakapag tanong kami sa mga ibang estudyante na dumadaan at sa first floor lang daw kaya madali namin nahanap kung saan classroom nila Althea.

"Althea pasok ka na" pagkahatid ko sa kanya sa room niya. Si Althea ay Senior High na at STEM ang Strand niya at ako naman ay 1st year College na at ang course ko ay nursing.

"Opo ate" sagot niya habang nakangiti.

"Susunduin kita mamaya sabay tayo mag lunch,okay?" Tanong ko sa kanya.

"Opo ate" sagot niya at pumasok na siya sa classroom nila.

Pagkatapos ko siyang ihatid sa classroom niya, hinanap ko naman kung saan ang classroom ko siguro mag tatanong nalang muna ako sa mga ibang estudyante dito baka alam nila. Ang alam ko room 405 ako at si Althea naman ay room 265.

-

A/N

Hi guyss this is my first time to write a story. Thanks for reading i hope you enjoy Chapter 1.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon