Chapter 30:Propose

5 3 0
                                    

Sofia's PoV

Lumipas ang dalawang linggo naging busy kami ni Bryan dahil maraming pinagawa sa amin na project. Magka-group kami ni Bryan. Sobrang hirap ng mga pinapagawa nila buti nalang nakayanan namin. Natapos din naman yung project na pinagawa nila.

Nandito kami ngayon sa Assembly Hall dahil may i aanounce daw sila. Nandito lahat ng mga estudyante at naghihintay din kung ano ang sasabihin nila. Nasa harapan si Prof. Pham, Prof. Uri at ang iba pang mga Prof.

"Ano kaya i aanounce nila nakakaexcite naman" masayang sabi ni Zhen halatang excited talaga.

Nakatayo kaming lahat katabi ko si Zhen sa kanan at si Cheska naman sa kaliwa. Si Bryan naman at mga kaibigan niya nasa likod namin parang mga body guard nga namin eh. Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko si Stella sa di kalayuan nakatayo at nakatingin ng masama sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa at inirapan namin ang isa't isa.

"Ang tagal naman" inip na sabi ni Cheska.

"Oo nga eh nakakangalay tumayo" reklamo ko.

"Helloo, pinatawag namin kayo dahil may i aanounce kami!" Panimula ni Prof. Pham.

"Magkakaroon tayo ng ACQUAINTANCE PARTY next week!" Masayang sabi ni Prof. Pham.

ACQUAINTANCE PARTY?!

Nagsigawan ang mga estudyante at nagpalakpakan. Pumalakpak nalang din ako kahit di ko alam kung ano yun. Pagkatapos nilang i aanounce yun pinabalik din kami agad sa mga room namin.

Habang naglalakad sa hall masayang masaya sila Zhen at Cheska.

"OMG excited na ako!" Masayang sabi ni Cheska.

"Ako dinn!" Sabi naman ni Zhen.

"Teka ano bang meron sa ACQUAINTANCE PARTY?" Tanong ko kaya napatigil sila sa paglalakad at ganun din ako. Huminto rin sila Bryan na nasa likod lang namin.

"Masaya yun, may sayawan at maraming pagkain. Siguradong mag eenjoy ka Sofia" masayang sabi ni Cheska. Ang hyper naman niya.

"Dito sa Monteblanco International School magkakaroon din ng QUEEN AND KING OF THE NIGHT" masayang sabi ni Zhen.

"Ahh ganun pala yun" sabi ko.

"Pupunta kayo?" Tanong bigla ni Kalyx kaya napalingon kami sa kanya.

Tumango si Zhen at Cheska. Ako hindi ko alam kung ano isasagot ko kaya tumahimik nalang ako.

"Love,sasama ka ba?" Tanong ni Bryan kaya tumingin ako sa kanya.

"Hindi na siguro wala naman akong susuotin ehh" sagot ko.

"Huh?! Yun lang problema mo? Ano ka ba Sofia minsan lang yan sumama ka na" pilit sa akin ni Cheska at humawak pa sa braso ko.

"Kami ang bahala sayo" masayang sabi ni Zhen.

"Zhen nakakahiya" sabi ko.

"Ano ka ba parang di mo naman kami kaibigan. Di lang naman ako ang tutulong sayo eh nandiyan si Cheska, si Bryan at mga kaibigan niya, diba boys?" Sabi ni Zhen sabay tingin kila Kalyx.

"Yes, tutulong din kami" sagot ni Kalyx.

Wala na akong nagawa kundi pumayag dahil hindi nila ako titigilan sa pangungulit kung di ako papayag. Di naman kasi ako mahilig sa ganyan ehh. Sabi nila Zhen aayusan daw nila ako, bibihisan ng magandang damit at iba pa. Next week pa naman pero ngayon palang excited na sila pati tuloy ako na eexcite na. First time kung makakaranas ng ACQUAINTANCE PARTY.

Pumunta na kami sa room namin. Malapit na din ang uwian. May meeting daw ang mga Prof. namin kaya wala kaming klase,kung ano ano ginagawa ng mga kaklase ko. May nag chichismisan, may nag m'make-up, may nag aayos ng buhok at iba pa.

Nag mml naman kami nila Bryan dahil tinuruan na ako ni Kalyx kung paano maglaro. Mythic na nga rank nila eh samantalang Legend palang sa akin, tinutulungan nila akong mag rank para daw tumaas ang rank ko sa ML. Ang saya pala ng larong to pero minsan nakakainis kasi natatalo at nababawasan ng star.

"Hoy sa Mid Lane!" sigaw ko.

Ang lakas kasi ng mga kalaban pero syempre mas malakas kami noh. Pagkatapos namin maglaro umuwi na din kami. Masaya naman ako kasi Victory kami.

Hinatid na kami ni Bryan sa bahay. Lagi niya kaming hinahatid at sundo kaya nakakatipid kami sa pamasahe ni Althea dahil nag iipon kami pambili ng bike. Actually puno na nga alkansya namin eh bibilangin nalang namin kapag may free time kami at kapag kulang siguro hihingi nalang kami kay mommy at daddy.

"Bye Bryan" sabi ko pagkababa ko ng sasakyan niya.

"Bye Kuya Bryan" masayang sabi ni Althea at kumaway pa bago pumasok sa loob.

Naiwan nalang kami ni Bryan na nakatayo sa labas. Magdidilim na din. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako.

"Alis na ko,love" paalam niya pagkatapos akong halikan.

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na. Feeling ko tuloy namumula na ang pisngi ko. Pagkaalis niya pumasok na ako sa bahay.

Bryan's PoV

"Sir Bryan, nakahanda na po ang pagkain kumain na po kayo, ako na po ang bahala sa gamit niyo" sabi ng maid ko kaya binigay ko sa kanya ang bag ko.

Mamaya nalang ako magbibihis pagkatapos kumain.

Pagkapasok ko sa kusina nagulat ako dahil nandoon sila Mom at Dad. Mukhang ako nalang ang hinihintay nila. Ngayon lang ulit kami kakain nag magkakasama,lagi kasi silang busy.

Nakaupo ako ngayon katapat si Mom at si Dad naman sa gitna.

"Let's eat" sabi ni dad kaya nagsimula na kaming kumain. Alam ko na kung ano ang pag uusapan namin.

"Son,we are planning to have a party next month" sabi ni Dad.

"Gaganapin yun dito sa bahay natin,anak" masayang sabi ni Mom.

Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain.

"You will going to propose to her, because people needs to know that you will get married to her soon" seryosong sabi ni Dad.

Napatayo na ako at tumingin ng diretso sa mata ni Dad. AYOKO.

"NO! I DONT WANT TO MARRY HER I DON'T EVEN LOVE HER, I DON'T WANT HER!" Sigaw ko sa kanila at umalis pero di pa ako nakakalayo may sinabi pa si Dad.

"You will learn how to love her. You need to propose to her, that's my final decision " seryosong sabi ni Dad.

Hindi. Hindi ko siya papakasalan. Hindi ko siya mahal. Ayoko sa kanya. Hindi siya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

-
Thank you for reading guyss.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon