Chapter 6: Eat lunch with me

25 9 0
                                    

Sofia's PoV

Pagkatapos mag turo ng Prof. namin umalis na siya dahil next subject na namin. Pumasok na yung next teacher namin. Nakinig lang ako hanggang sa matapos dahil baka mamaya pagalitan nanaman ako,mahirap na baka bumagsak pa ako.

Kringggggggggggggggggggggg

Lunch time

Nagsilabasan na ang mga classmate ko. Kaya inayos ko na ang mga notebook ko, nilagay ko na sa bag ko at kinuha ang baon kung sinigang na baboy na nakalagay sa tupperware. Kaming dalawa nalang ni Bryan ang naiwan dito sa room kaya naglakad na ako para lumabas.

Palabas na sana ako ng marining kung tumikhim si Bryan sa likod ko. Kaya lumingon ako sa kanya at nakita ko na hawak niya yung cellphone ko. Haytss oo nga pala nasa kanya cellphone ko.

"Baka nakakalimutan mo na nasa akin ang cellphone mo" sabi niya sa akin.

"Ano bang kundisyon yon?" Tanong ko sa kanya.

"Eat lunch with me" sagot niya.

"Ano?!"gulat kong tanong sa kanya. "Ako? Bakit ako? May mga kaibigan ka naman bakit hindi sila yung isama mo" tanong ko sa kanya. Ang dami niyang kaibigan tapos ako pa gusto niyang kasama kumain. Siraulo ba to.

"Kung gusto mong makuha tong phone mo sasamahan mo ko pero kung ayaw mo pwede naman pero di ko ibibigay ang cellphone mo" sabi niya sa akin.

"Tinatakot mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit natatakot ka ba?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Hindi" sagot ko.

"Hindi naman pala eh so sasamahan mo ko kung gusto mong makuha to" sabi niya sa akin.

"Fine pero may kasama tayo" sabi ko sa kanya.

"Sino?" Tanong niya.

"Kapatid ko" sagot ko sa kanya

Di na siya sumagot.

Sabay kaming lumabas sa pinto ng room namin. Pagkalabas namin pinagtitinginan nanaman kami ng mga babae at yung iba ay tumitili pa at yung iba ay nagbubulungan nanaman. Naglalakad kami ngayon sa hallway.

"Omg girl si Bryan ohh!"

"Hi Bryan!"

"Omgggg!"

"Hala ang gwapo niya talaga!"

Haytss patay na patay talaga sila kay Bryan. Totoo naman gwapo talaga siya.

"Sino naman kasama niya"

"Omg sino yung girl na kasabay niya"

Rinig kung bulungan nila. Alam ko naman na ako yung girl na sinasabi nila. Malamang ako lang tong kasabay ni Bryan na naglalakad.

Bigla akong inakbayan ni Bryan kaya nagulat ako.

"Bryan ano bang ginagawa mo?" Bulong ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko dahil ang daming nakatingin sa amin.

"Saan room ng kapatid mo?" Tanong niya sa akin. Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"Sa room 265" sagot ko habang pilit parin tinatanggal ang kamay niya.

"Huwag mo ng subukan tanggalin yan dahil hindi mo din kaya" sabi niya sa akin.

Hinayaan ko nalang ang kamay niya dahil kahit ano naman gawin ko ayaw niyang tanggalin. Nakakahiya ang daming nakatingin. Hanggang sa nakasakay na kami sa elevator di parin niya tinatanggal ang kamay niya na nakaakbay sa akin. Pagkabukas ng elevator buti nalang tinanggal na ni Bryan yung kamay niya na nakaakbay sa akin. Buti naman ang bigat ehh.

Magkasama kaming pumunta sa room ni Althea at sakto naman kakalabas lang ni Althea sa room nila at dala niya din ang baon niya.

"Thea!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

"Ate" masayang bati niya sa akin habang papalapit.

"Tara na kain na tayo" aya ko sa kanya.

"Ate bakit kasama mo po siya?" Tanong niya habang tinururo si Bryan na nasa likod ko.

"Ahh sasabay siya sa atin kumain" sagot ko sa kanya.

"Talaga po!?" Gulat na tanong niya.

"Oo tara na" sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami at nasa likod lang namin si Bryan papunta kami ngayon sa Cafeteria para kumain. Habang naglalakad kinekwento ko kay Althea kung bakit ko kasama si Bryan at kung bakit siya sasabay sa amin. Nakikinig lang naman si Althea sa kwento ko.

"Ahh okay po ate" sabi niya sa akin pagkatapos kung magkwento sa kanya.

Nakarating na kami sa Cafeteria. Humanap na kami ng mauupuan at buti nalang may bakanteng mesa pa at upuan kaya pumunta na kami agad doon para maupo. Pero di pa kami nakakaupo may nauna na sa amin, yung tatlong babae nanaman na narinig ko sa restroom. Umalis agad sila sa pag kakaupo nang makita nila si Bryan sa likod namin.

"Omg girl si Bryan" sabi ng kasama niya.

"Ahh hi Bryan dito kana ohh"sabi ni Stella.

Di sumagot si Bryan at umupo nalang sa ibang upuan. Naiwan naman kami ni Althea na nakatayo sa harap nilang tatlo kaya dali-dali kaming sumunod ni Althea sa pwesto ni Bryan. May apat na upuan doon dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa mag kaharapan, si Bryan nakaupo sa isang upuan sa kaliwa kaya umupo na lang kaming dalawa ni Althea sa upuan na kaharap ni Bryan.

"I will just order food for us, don't worry it's my treat"sabi niya at tumayo.

"Uhmm meron na kaming baon. Order ka nalang ng para sayo" sabi ko sa kanya habang pinapakita ang baon namin sa kanya. Nakakahiya naman kung ililibre niya pa kami may baon naman kami.

"Okay" sabi niya at umalis na para umorder ng pagkain niya.

Pagkabalik niya may dala-dala siyang pagkain niya at tatlong drinks. Binigay niya yung isa kay Althea at yung isa naman ay sa akin. Syempre yung natira sa kanya.

"Thank you" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thank you po kuya" sabi naman ni Althea.

"Let's eat" sabi ni Bryan kaya kumain na kami ng sabay-sabay.

"Kuya gusto mo po bang tikman? Luto po ito ni ate" tanong ni Althea kay Bryan at inaabot ang ulam niyang sinigang na baboy.

"Sure" sagot ni Bryan. Kumuha ng kutsara si Bryan atsaka kumuha siya ng ulam sa lalagyanan ni Althea at tinikman niya na ang pagkain na niluto ko.

"Ikaw nagluto dito?" Tanong niya sa akin.

"Ahhh ehh oo hehehe masarap ba?" Tanong ko sa kanya.

Tanging tango lang ang sagot niya sa akin at inabot niya na din sa akin ang cellphone ko.

Akala ko pa naman hindi na niya ibibigay cellphone ko haytsss at buti naman nasarapan siya sa luto ko.

Pero bakit ganon parang may mali.

Bakit biglang bumait si Bryan sa akin samantalang kahapon galit na galit siya sa akin at sinabihan niya pa ako ng stupid.

Nakakapagtaka lang o baka naman mabait talaga siya. Hayaan na nga atleast mabait na siya sa akin diba di katulad kahapon grabe kung maka sigaw sa hallway.

-

Hi guyss thanks for reading. Lab ko kayoo. I hope you enjoy Chapter 6.
End of Chapter 6. Road to 200 readers na tayo.

Fb:Ashley Celeste
Ig:_itsnich__

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon