Sofia's PoV
Tulala ako sa buong klase dahil hindi mawala sa isip ko ang binulong ni Bryan, tinanong ko siya kung bakit niya ko tinawag na my love pero di niya ako sinagot. Baka naman guni guni ko lang yun baka di niya talaga sinabi o binulong yun . Ahh tama tama. Hanggang sa makauwi kami tulala parin ako si Bryan ang naghatid sa amin pauwi gamit parin niya ang sasakyan niya na Ferrari.
"We're here!" sabi niya sa amin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Doon ko lang napansin na nakahinto na pala ang kotse niya sa harap ng bahay namin di ko man lang namalayan siguro dahil tulala ako.
Tumingin ako sa kanya at nagpasalamat at bumaba na ako sa kotse niya.
Pagkababa ko nakita ko ang mga kapit bahay namin na nag tsitsismisan haytsss mga Marites nga naman.Pumasok na kami sa loob ng bahay. Magdidilim na pala kailangan ko pang magluto ng dinner namin. Umakyat na ako sa kwarto ko at binaba ang bag ko sa table ko. Nagbihis ako ng pambahay at lumabas na ng kwarto para magluto ng dinner namin. Hotdog at egg lang ang iluluto ko ngayon para madali.
Pagkatapos magluto tinawag ko na si Althea at sabay na kaming kumain. Pagkatapos kumain nag toothbrush na ako at naghilamos,ni-lock ko na din ang gate namin. Pabagsak akong nahiga sa kama ko.
Narinig kung tumunog ang phone ko kaya kinuha ko. May message na galing kay Bryan.
From: Bryan
Message: Sorry kanina.Di ko nireplyan ang message niya. Ilalapag ko na sana sa table ng tumunog ulet yun.
From:Bryan
Message:babawi ako bukas,promise.😊Di ko ulet pinansin ang message niya. Nilagay ko na sa table ko ang phone ko. Pinilit kung matulog kaso di ako makatulog. Alam mo yung feeling na gutom ka nanaman. Gusto ko ng pagkain.
Pagkain.....Pagkain......Pagkain
Ahhhhh may burger nga pala ako. Kinuha ko sa bulsa ko yung burger at sinimulan ng kumain. Pagkatapos kung kumain nagtoothbrush ulet ako at uminom ng tubig.
Natulog na ako pagkatapos kung mag toothbrush.
Kinabukasan nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Nag alarm na ako para maaga ako magising. 6:30 am na at magluluto pa ako ng almusal namin. Inayos ko muna ang higaan at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko may naaamoy akong ulam parang hotdog at may naririnig din akong nagpriprito. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Althea na nagluluto ng mga hotdog. Mga dahil ang dami niyang niluluto. Sampu ata ang niluluto niya.
"Goodmorning ate"masayang bati niya sa akin.
"Morning" sabi ko at umupo.
Pagkatapos niyang iluto yung mga hotdog ay kumain na kami.
"Himala ahh nagluto ka ngayon" sabi ko sa kanya habang kumakain.
"Oo naman ate, ako pa. Alam ko na kaya magluto ng mga pritong pagkain" proud na proud niyang sabi sa akin.
Ako ang nagturo sa kanya mag prito dati, kaso dati laging may sunog sa niluluto niya pero ngayon nag improve na siya. Pagkatapos namin kumain nag ayos na ako para pumasok. Lagi kaming sinusundo ni Bryan kaya nakakatipid kami sa pamasahe. Malapit ko na din mapuno ang alkansya ko dahil araw araw ako naghuhulog.
Pagkatapos mag ayos nakarinig ako ng busina ng sasakyan at alam ko na si Bryan na yun kaya lumabas na ako at ganun din si Althea. Sumakay na kaming dalawa sa kotse niyang Ferrari.
Mabilis lang ang naging byahe namin, pagkapark niya bumaba na kami at nagsimula ng maglakad papunta sa room namin. Hinatid muna namin si Althea sa room nila at pagkatapos pumunta na kami sa room namin, nag elevatot kami para mabilis. Pinagtitinginan nanaman kami unang una na jan sila Stella kasama niya si Scarlet at si Shane.
Panay ang irap ni Stella sa amin ayy hindi mas tamang sabihin sa AKIN. Oo sa AKIN dahil kung maka irap wagas.
Tusukin ko mata mo jan makita mo.
Inirapan ko din siya bago pumasok sa room at sabay flip ng hair.Akala mo ahh.
Pagkapasok sa room nakita ko sila Zhen at Cheska na nakaupo at nanonood sa Ipad. Lumapit ako sa kanila para tingnan ang pinapanood nila.
"Hi Sofia" bati ni Cheska sa akin pagkalapit ko sa kanila. Samantalang si Zhen busy parin sa panonood.
Nag wave lang ako ng kamay sa kanya at tiningnan ang pinapanood nila. Nanonood sila ng All Of Us Are Dead.
"Dito upo ka nood tayo" aya sa akin ni Cheska. Kumuha ako ng upuan na bakante at umupo sa tabi ni Cheska, dito na muna ako uupo ngayon.
Pagkadating ni Sir Uri tinago muna nila yung Ipad at nakinig muna kami. Pero itong katabi ko naglabas ng Piattos at tinago sa ilalim ng desk para hindi makita ni Sir Uri at ito ako ngayon pasimple din na kumukuha at kumakain din. Hehehe syempre pagkain yan. Pagkatapos magturo ng mga teacher sa amin nag ring ang bell at lunch time nanaman.
Nilagay ko na ang notebook at ballpen ko sa bag. Kinuha ko na din ang pinack kong baon kanina dahil may natira pang hotdog kaya binaon na namin ni Althea.
Pagkatayo ko sakto naman lumapit sa akin si Bryan.
"Can we eat lunch together?" Tanong niya sa akin.
"Bakit?" Balik kong tanong sa kanya.
"May sasabihin lang sana ako" sagot niya.
Tumango naman ako at nagpaalam kila Zhen at Cheska na sabay kaming kakain ni Bryan tumango naman sila. Sabay kaming lumabas ni Bryan at magkaholding hands pa, paano hinila agad ako ni Bryan pagkatapos kung magpaalam kila Zhen at Cheska,ngayon pinagtitinginan nanaman kami. Haytss araw araw nalang, ang ganda ko talaga.
Hindi kami dumiretso sa cafeteria, dinala niya ako sa garden at umupo kami sa bench.
"Bryan, ano nga pala sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Eat first" sabi niya sa akin.
"Hindi ka kakain?" Tanong ko dahil wala siyang dalang pagkain.
Hindi siya sumagot.
"Hati nalang tayo madami naman itong baon ko, wait " sabi ko sa kanya. Inopen ko ang tupper ware ko at pinakita sa kanya ang baon ko. Nakalapag sa mga hita ko ang baon ko.
Apat na hotdog at maraming kanin,may ketchup din sa gilid nilagyan ko kanina dahil mas masarap kung may ketchup.
"Gusto mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Hindi na naman siya sumagot."Kaso isa lang kutsara at tinidor ko, okay lang ba share tayo?" Tanong ko ulet pero tiningnan niya lang ako at ang hawak kung pagkain.
Kinuha niya ang pagkain sa hita ko at nagsimulang kumain. Habang kumakain siya nakatingin lang ako sa kanya. Ang takaw pala niyang kumain.
Hindi naman halatang gutom siya kasi makakalahati niya na yung pagkain ko tapos isang hotdog nalang natitira nang ibalik niya sa akin yung baon ko.
"Hindi naman halatang gutom ka noh?" Sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya. Kumain na din ako at inubos ko na yung pagkain ko.
"Ano nga pala sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya at uminom ng tubig.
Tinitigan niya lang ako.
"Pwede ba akong manligaw?" Tanong niya sa akin na kinagulat ko. Nadura ko tuloy yung iniinom kung tubig sa mukha niya.
-
Thank you for reading guyss. Sorry medyo busy lang.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...