Sofia's PoV
Papunta kami ngayon sa isang boutique ng mga gowns. Sasamahan ko ang kapatid ko at sila Zhen na mamili ng gown dahil si Bryan na daw ang bahala sa gown ko kaya hindi na ako mag iisip pa kung ano ang susuotin ko.
Pagkadating namin sa isang boutique ng mga gowns sinalubong kami ng isang magandang babae para siyang model. Mahaba ang straight niyang buhok, brown eyes, matangkad, maputi at sexy. Ang ganda niya.
"Hello welcome to ELSA'S GOWN BOUTIQUE, my name is Elsa, how may i help you?" Nakangiting tanong niya sa amin pagkapasok namin ng boutique niya. Ang hinhin niya magsalita. Nakatayo lang kaming apat sa harap niya.
Grabe ang ganda ng name niya Elsa parang sa Frozen lang si Elsa at si Anna.
"We need gown because we are having a Acquaintance Party tomorrow" sabi ni Cheska.
Grabe nakaka nosebleed si Cheska, ang galing mag english.
"Ohh sure, follow me" sabi ni Elsa kaya sinundan namin siya.
Dumaan kami sa hallway ng boutique niya at pumasok kami sa isang pinto. Wow! Grabe ang gaganda ng mga gown. Iba iba ang design at color. Sobrang ganda.
"I'm the owner of this boutique and i am the one who is designing our gowns here" sabi niya sa amin.
"Ang galing mo naman po"magalang kung sabi sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik. Ang ganda niya talaga.
May pumasok din na isang babae. Maganda rin siya, black eyes maikli lang ang buhok niya, hindi rin siya gaanong katangkad sakto lang at morena.
"So this is my assistant, her name is Anna, ohh you can choose what ever you want and if you need help or something we're just here" nakangiting sabi niya sa amin.
Nakatayo lang sila sa gilid habang kami ay nagtitingin tingin ng mga gowns na gagamitin sa Acquaintance Party.
May nakita akong isang red dress na alam kung bagay kay Althea kaya kinuha ko.
"Althea tingnan mo ohh maganda to sigurado akong bagay sayo to" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ang ganda nga ate" sabi niya sa akin.
"Uhmm pwede po ba isukat to?" Tanong ko
"Yes maam" sagot ng assistant niya.
Tinanong ko kung saan ang fitting room at inassist niya kami. Grabe ang bait din nila. Pumasok na si Althea sa fitting room at naiwan naman ako sa labas para maghintay. Sila Zhen at Cheska namimili parin ng susuotin nila. Nakaupo ako ngayon sa sofa at naghihintay.
Kinuha ko muna ang phone ko sa bag at nag message kay Bryan.
To Love: Nandito kami ngayon sa ELSA'S GOWN BOUTIQUE namimili sila Zhen ng isusuot nila. Ang ganda ng mga gowns dito Love.
Pinalitan ko ng Love ang name ni Bryan sa phone ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nagreply agad siya.
Bryan sent a photo.
From Bryan:I'm with my friends. Namimili din kami ng susuotin namin. Don't worry ipapadala ko sayo yung gown mo mamaya.
Nag send siya ng picture niya, nakangiti siya sa camera at puro tuxedo ang nasa likod niya.
To Love: okay love. Take care ❤
From Bryan : Take care too Love. I love you❤
To Love: I love you too❤
Pagkatapos kung isend yun tinago ko na ang phone ko sa bag. Sakto naman lumabas na si Althea sa fitting room.
Ang ganda niya. Mukha siyang princess dahil sa suot niyang gown.
"OMG! BAGAY NA BAGAY MO ALTHEA!" Masayang sabi ni Zhen pagkalabas ni Althea.
"OMG! ANG GANDA!" masayang sabi naman ni Cheska.
"Syempre ako namili niyan noh" proud kung sabi.
"Ate baka po mahal tong gown" nag aalalang sabi ni Althea.
"Don't worry we will give you a discount, you can rent it if you don't want to buy it" sabi ni Elsa.
"Rent nalang po namin" sabi ko.
"So are you sure to that dress?" Tanong niya sa amin kaya tumango kaming dalawa.
"Okay, by the way you look gorgeous, Althea " masayang sabi niya.
"Thank you po" pasalamat ni Althea sa kanya.
Nakapili na si Zhen at Cheska ng gown nila. Si Zhen ay isang white gown at si Cheska naman ay pink gown.
Pagkatapos nun ay nagbayad na kami para sa mga gowns na nirent namin kahit sila Zhen at Cheska ay nirent nalang nila ang mga gown nila. Binigyan kami ni Elsa ng discount kaya hindi masyadong malaki ang binayad namin. Nag share din ako ng bayad kay Zhen at Cheska nung una ayaw pa nilang tanggapin dahil gusto nila na sila na daw magbayad pero nagpumilit parin ako kaya sa huli pumayag din sila.
Nag thank you kami pagkatapos ibigay sa amin yung nirent na gown. Hawak hawak ni Zhen, Cheska at Althea yung box na laman ay gown nila.
"Ahh Sofia pahawak naman saglit tawagan ko lang driver ko para makauwi na tayo, ako na maghahatid sa inyo " sabi ni Zhen.
Tumango ako at kinuha yung box na hawak niya. Tinawagan naman niya yung driver niya. Hindi nagtagal dumating ang isang red na kotse. Tinulungan kami ng driver niya na ilagay nalang sa likod ang mga gowns na nirent nila at pagkatapos umalis na kami.
Mabilis lang ang naging byahe namin dahil hindi traffic. Kinuha na din namin yung box ng gown ni Althea sa likod ng kotse niya.
"Thank you sa paghatid sa amin Zhen" sabi ko.
"Thank you po ate Zhen at ate Cheska" sabi naman ni Althea.
"Welcome" sabi nila at nagpaalam na umalis dahil ihahatid pa ni Zhen si Cheska sa bahay nila.
Pumasok na kaming dalawa sa bahay at nagpahinga saglit dahil napagod kami kanina. Dumiretso kaming dalawa sa kwarto namin. Nagbihis na ako ng pambahay, kinuha ko ang phone ko sa bag at humiga muna saglit sa kama. Minessage ko si Bryan.
To Love: Love, nakauwi na pala kami.
From Bryan: I'm on the way love.
To Love: Ingat:)
Nilapag ko muna ang phone ko sa gilid ng kama at natulog muna saglit.
"Atee!" sigaw ni Althea sa labas ng kwarto ko.
"ATE!"
Kaya napabangon ako sa kama at inis na binuksan ang pinto.
"Bakit?" Iritang tanong ko.
"Ito naman si ate galit agad, nanjan kasi si kuya Bryan naghihintay" pagkasabi niya non sinara ko yung pinto ko at dumiretso sa salamin para tingnan kung maayos ba ang mukha ko. Nang makita kong maayos naman lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
Nakita ko si Bryan na naka upo sa sofa sa sala at may hawak na malaking box. Nakasuot siya ng gray t-shirt at black pants. Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya.
"Ilagay mo lang muna sa table baka mahirapan ka" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
Binaba naman niya sa table yung dala niyang box.
"Pinagawa ko pa yan sa kilala kung isang designer gown" sabi niya.
"Nakakahiya pero thank you love" masayang sabi ko at niyakap siya.
"Basta ikaw." Sabi niya kaya napangiti ako.
Sobrang swerte ko talaga dahil nakilala ko siya. Mahal niya ako at mahal ko din siya. Sana masaya lang kami palagi. Siya ang lalaking dumating sa buhay ko na ayoko nang mawala pa.
-
Thank you for reading guys.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...