Althea's PoV
"Ang ganda talaga dito noh, ate." Sabi ko kay ate.
Nakaupo kami ngayon ni ate sa cafeteria at kumakain. Grabe talaga ang laki ng school na to, ang laki ng cafeteria nila. Maraming kumakain ngayon sa cafeteria dahil lunch time.
Ang sarap din ng pagkain nila dito kaso mahal nga lang."Kumain ka na lang muna Althea" sabi ni ate.
"Opo ate" sabi ko.
Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa garden ng school. Infairness ang laki din ng garden nila ang gaganda ng mga flowers kukuha sana ako kaso may sign na bawal pumitas ng bulaklak kaya umupo nalang kami ni ate sa may bench sa ilalim ng puno.
"Ate miss ko na sila mommy at daddy" sabi ko kay ate.
"Ako din. Sana umuwi na sila" malungkot na sabi ni ate.
"Ate alam mo ba may kaibigan na ako sa room ang pangalan niya ay Marcus." kwento ko kay ate.
Flashback
Katapos ako ihatid ni ate naghanap na ako ng vacant seat. Nakakita ako ng vacant seat katabi nung lalaki na sa tingin ko nagbabasa kaya naglakad na ako papunta doon at umupo, nang makaupo na ako inayos ko na ang mga gamit ko.
Dumating na ang Prof. namin pero nagbabasa parin yung katabi ko.
"Pst,pst" kalbit ko sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya
"Nandyan na kasi si Prof." Sabi ko sa kanya.
Kaya napatingin siya sa harap at nakita niya si Prof.
"Okay class please introduce yourself one by one" sabi nung Prof. namin.
Habang nag papakilala ang mga kaklase ko nakikinig lang ako sa kanila.
"Next" dinig kung sabi nung Prof. namin.
Ako na pala. Tumayo ako at nagpakilala sa mga classmate ko.
"Goodmorning, my name is Althea Ferrer" Pagpapakilala ko sa mga classmate ko at umupo na sa upuan ko.
"Next" sabi nung Prof. namin.
Tumayo na ang katabi ko at nagpakilala.
"My name is Marcus Martin" sabi niya at umupo sa upuan niya.
-
Habang nagtuturo ang Prof. namin nakikinig lang ako sa sinasabi niya tapos yung katabi ko na si Marcus nag babasa nanaman di ko alam kung ano binabasa niya at wala din akong pake.
"Hi Althea" bati niya sa akin ng nakangiti kaya napatingin ako sa kanya.
"Hi Marcus hehehe" bati ko din sa kanya.
"Gusto mo ba magbasa?" Tanong niya at inabot sa akin ang libro na binabasa niya pero umiling ako dahil ayoko naman magbasa.
"Hmmm chocolate gusto mo?" Tanong nanaman niya sa akin. Pero teka chocolate WAHHH gusto ko yun.
"Sige" sabi ko kaya tumango naman siya.
"Chocolates for you " sabay abot sa akin ng chocolates bibigyan ko si ate favorite niya kasi ang chocolate ehh.
"Thank you" pagpapasalamat ko sa kanya habang nakangiti.
"Can we be friends?" Tanong niya sa akin habang tinatago ko ang chocolates sa bulsa ko.
"Oo naman " sagot ko sa kanya habang nakangiti. Infairness ang gwapo niya at mabait pa.
End of Flashback
"Buti naman may kaibigan ka na sa room niyo" nakangiting sabi ni ate.
"Ikaw ate meron na po ba?" Tanong ko.
"Wala man nga ehh yung katabi ko na si Bryan di naman namamansin" malungkot na sabi niya.
"First day palang naman ate magkakaroon ka pa ng kaibigan" sabi ko kay ate.
Kringgggggggggggggg.....
Bell na ang bilis naman nag kwekwentuhan pa kami ni ate ehh.
"Tara na Althea hatid na kita sa room mo" Sabi ni ate.
"Hindi na po ate kaya ko na po. Pasok ka na din po sa room niyo." Sabi ko kay ate.
"Basta mamaya sabay tayo uuwi hintayin mo ko sa labas ng classroom niyo. Okay?" Paalala niya sa akin.
"Opo ate" sabi ko sa kanya.
Sabay kaming tumayo at naglakad na papunta sa classroom namin. Pumasok na ako sa classroom ko at si ate naman ay pumunta nasa classroom nila.
-
A/NHi guys thank you for reading. Thank you for reading Chapter 3. Please follow me and support me.
Fb: Ashley Celeste
Yt: Ashley Celeste
Ig:@_itsnich__
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...