Chapter 27: My Santuary

10 2 0
                                    

Sofia's PoV

Sa sobrang gulat ko kahit tapos na siya na halikan ako ay tulala pa rin ako.

Tumayo na kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa malayo at pinapakiramdaman ang simoy ng hangin. Medyo malamig na din kaya niyakap ko ang sarili ko.

"Are you all right?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. Tinanggal niya ang jacket niya at pinatong niya iyon sa balikat ko.

"Isuot mo baka lamigin ka" sabi niya kaya sinuot ko ang jacket niya.

"First kiss?"Tanong niya kaya tumango ako.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako,niyakap ko din siya pabalik.

"I love you,my santuary" Sabi niya.

Pagkatapos non niligpit na namin ang mga pinagkainan namin at yung sapin,nilagay niya iyon sa likod ng sasakyan niya. Sumakay na kami sa kotse niya at sinimulan niya ng paandarin.

12:00 am na ako nakauwi sa bahay pero okay lang dahil masaya naman ako. Pagkatapos akong ihatid ni Bryan umalis na siya. Umakyat naman ako sa kwarto ko para matulog.

Humiga ako sa kama nang maramdaman kung nag vibrate ang phone ko sa bulsa.

From Bryan: Goodnight,love!

To Bryan: Goodnight din, love!

-

Makalipas ang isang linggo napagdesisyonan ko ng sabihin kay Althea na kami na ni Bryan. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok naglilinis lang kaming dalawa sa bahay ngayon. Nagwawalis siya sa sala ngayon samantalang ako kakatapos ko lang mag ayos sa kwarto ko. Pumunta ako sa sala kung saan siya nagwawalis.

"Althea!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

"Bakit ate?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"Uhmm may gusto sana akong sabihin sayo" simula ko. "Althea ano kasi, uhmm"

"Ano ate?"Tanong niya.

"Ano kasi" hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, kinakabahan ako.

"Ano nga? Ano ka ng ano di mo naman sinasabi" reklamo niya sa akin.

Alam kong naiinip na siya sa kung ano ang sasabihin ko, wala akong ibang choice kung hindi sabihin kay Althea na kami na ni Bryan.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Kami na ni Bryan,1 week na" sabi ko.

Nabitawan niya ang hawak na walis halatang gulat sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin hindi ko tuloy alam kung masaya ba siya o hindi dahil sa sinabi ko.

"Sorry ngayon ko lang nasabi sayo hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo" paliwanag ko dahil alam kung nagulat ko siya.

Bigla siyang ngumiti ng malapad at niyakap ako ng mahigpit.

"Wahhhh may boyfriend na si ate!!"sigaw niya.

Pagkatapos niya akong yakapin nagtatatalon siya at sumisigaw ng "may boyfriend na si ate!"

"Hoy ano kaba ang ingay mo" saway ko sa kanya.

Niyakap nanaman niya ako.

"Congrats ate, I'm so happy for you" bati niya sa akin.

"Thank you,Althea" sabi ko.

"Yieee may boyfriend na si ate!" Sigaw nanaman niya.

Pagkatapos non naglinis na ulit kami at pagkatapos maglinis nagluto na ako ng pananghalian namin.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon