Sofia's PoV
Mababaliw na ata ako sa kakaisip. Kinuha ko ang phone ko sa sling bag ko at iniwan ko muna ang sling bag ko sa sofa. Tumayo ako para pumunta sa terrace. Inopen ko yung sliding door. Sobrang ganda ng view dito dahil nasa mataas na floor ang condo unit ni Kalyx. Medyo malamig kaya niyakap ko ang sarili ko at pinagmasdan ang mga bituin. Naramdaman kong may tumabi sa akin at may naglagay ng jacket sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino yun at nakita ko si Bryan.
"Why are you here?" Tanong niya.
"Nagpapahangin lang. Ang ganda din kasi ng view dito" sagot ko pero ang totoo hindi mawala wala sa isip ko ang pinag-uusapan nila.
Tumango naman siya.
"Isuot mo yang jacket baka lamigin ka" sabi niya.
Sinuot ko naman yung jacket niya na pinatong niya sa balikat ko.
"Bryan picture tayo" aya ko sa kanya habang hawak ang cellphone ko.
Tumango naman siya.
Nag selfie kaming dalawa at nakangiti lang kaming dalawa sa camera. Nag selfie ulit kami pero naka piece sign naman at nakangiti.
"Bryan picturan mo ko dali" sabi ko sa kanya at lumapit sa railing. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at kinuha naman niya yun.
Nag pose ako na parang model. May nakatalikod, may naka oppa sign,may naka piece sign,masakit ang tiyan pose,masakit ang ngipin pose at iba pa hanggang sa magsawa ako.
Hindi naman nagrereklamo si Bryan kahit anong pose ko,nakangiti lang siya habang pinipicturan ako.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang phone ko sa kanya para tingnan ang mga picture ko na kinuhanan niya.
Infairness ang galing niya kumuha ng picture. Hindi blurred. Pwede siyang mag photographer. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. May i popost na ako sa ig ko.
"Let's go ihahatid pa kita" sabi niya.
Tiningnan ko ang oras at nakita kong 12 a.m na pala. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
Magka hawak kamay kaming bumalik sa sala pero bumitaw din kami dahil pumunta si Bryan kung saan nakapwesto ang mga kaibigan niya.
Umupo ako sa tabi ni Zhen, tapos na siyang kumanta.
"S-Sofia may shashabihin ako s-shayo" sabi ni Zhen kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin.
"Oh ano yun?" Tanong ko.
"S-sikret lang natin to ah m-may gusto ako k-kay Kalyx, shhh ka lang" bulong niya sa akin at tumingin kung nasaan si Kalyx.
Kahit naman di niya sabihin sa akin halata naman na may gusto siya kay Kalyx at sino ba naman hindi magkakagusto kay Kalyx nasa kanya na ang lahat.
Tumango ako sa kanya.
"Quiet lang ako" sabi ko at nag zip ng mouth.
Kailan kaya magkakaaminan tong dalawang to sa isa't isa.
Tumayo si Zhen para gisingin si Cheska na natutulog parin sa sahig. Samantalang si Kalyx naman ay nililigpit ang mga kalat,tinutulungan naman siya ni Bryan.
"Hoy ano ba gumising ka na nga! Naglalaway ka pa ohh!" Sigaw ni Zhen para magising si Cheska.
"A-ano b-ba hindi pa ako l-lasheng" sabi ni Cheska habang nakapikit ang mata.
"Hoy Ken ikaw nga mang-gising dito" tawag ni Zhen kay Ken na nanonood lang.
"Why me?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...