Sofia's POV
Naibuga ko tuloy yung iniinom kung tubig sa mukha ni Bryan. Ano daw? Siya manliligaw sa akin.
Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang likod ng kamay niya at seryosong tumingin sa akin.
"Seryoso ka ba jan?" tanong ko na sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong niya sa akin.
"Hindi"sagot ko.
"Pwede ba?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango ako bilang sagot. Ligaw palang naman diba so baka pwede naman akong magpaligaw.
Bigla nalang siyang tumayo at nagtatatalon na parang bata at sumisigaw pa.
"Woooooo yesss" sigaw niya at lumapit sa akin at niyakap ako.
Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya para akong mauubusan ng hininga.
"B-Bryan d-di ako makahinga" utal utal kong sambit dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin.
Lumayo naman siya agad at tumayo sa harap ko.
"Alam mo ang OA mo" sabi ko sa kanya at tumayo. Tinitigan niya ako sa mata at hinawakan niya ang kamay ko.
"I promise that i will going to do everything just to make you happy and to be my girlfriend" sabi niya sa akin at niyakap nanaman niya ako.
Hinalikan niya din ako sa noo.
Pagkatapos non ay sabay na kamj bumalik sa classroom ng magkahawak ang kamay. Wala na akong pake sa mga tumitingin sa amin dahil nasanay na ako.
Pagkapasok ko sa room nagpaalam na ako kay Bryan na tatabi ako kila Zhen ngayon at tumango naman siya kaya umupo na ako sa tabi nila Zhen at Cheska na nagkwekwentuhan.
"Uyy ikaw ahh may pa holding hands talaga kayo ni Bryan " kinikilig na sabi sa akin ni Zhen.
Ngumiti nalang ako.
"Ano kayo na ba?" Tanong sa akin ni Cheska.
"Hindi pa"sagot ko.
"Ahh hindi PA so pwedeng bukas o sa susunod kayo na HAHAHA" sabi niya sa akin. Diniinan pa talaga yung word na PA.
"Ewan" sabi ko habang natatawa.
Di nagtagal dumating na ang teacher namin at hanggang sa matapos ang klase di ko mapigilan na hindi mapangiti sa tuwing inaalala ko ang nangyare kanina.
Yung pinaka famous at anak ng school ay manliligaw sa akin, hindi ko alam kung tama bang pinayagan ko siyang manligaw sa akin. Sana tama nga ang naging desisyon ko.
"Sofia"
"Sofia"
May pumitik sa noo ko.
"Arayyy" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.
Tiningnan ko kung sino yun at nakita ko si Bryan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kanina pa kita tinatawag tulala ka jan,uwian na, ihahatid na kita " sabi niya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot. Sinundo na namin si Althea sa room nila at hinatid niya kaming dalawa sa bahay. Naunang bumaba si Althea. Bababa na din sana ako nang hawakan ni Bryan at braso ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.
"See you tommorow" sabi niya.
"See you" sabi ko ng nakangitit at lumabas na ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...