Stella's PoV
"Anong tinitingin-tingin niyo jan, tapos na ang palabas!" Sigaw ko sa mga estudyanteng nagbubulungan.
Nag walk out na ako at dumiretso sa room namin. Inis akong umupo ako sa pwesto ko.
Nakakapikon talaga ang babaeng yon. Hindi pa ako tapos sa kanya.
"Girl,okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Shane.
Napalingon ako sa kanya katabi ko, si Shane sa kanan at si Scarlet naman sa kaliwa
"Mukha ba akong okay!"sigaw ko sa kanya.
"Huwag ka ngang sumigaw,hindi kami bingi para hindi ka namin marinig and pinagtitinginan na din nila tayo" sabi naman ni Scarlet.
Sinamaan ko ng tingin si Scarlet.
"So,what?!" sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Buti naman at tumahimik ka din.
Napapatingin nga ang mga ibang kaklase namin sa amin pero tinaasan ko lang sila ng kilay at inirapan din sila."Hindi pa ako tapos sa kanya" bulong ko.
Sofia's PoV
Akala siguro ni Stella uurungan ko siya,palaban kaya toh. Aishh nakakainis talaga siya. Ang ganda ganda ng umaga ko sinira niya. Buti nalang pinigilan kami ni Bryan kanina kundi wala na siguro ang maganda kung buhok ngayon. Ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa pagkakasabunot niya sa akin. Impakta yun.
Pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko,sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Bryan kanina.
Paulit ulit nag p'play sa utak ko ang mga sinabi niya.
"No problem, I will protect you with all I can. No one is allowed to hurt my girl. Always remember that, okay."
"I love you,my love"
Alam ko naman na nanliligaw na sa akin si Bryan pero hindi pa rin ako sanay dahil ang dating Bryan na kilala ko ay mayabang pero ngayon iba na. Ang Bryan na kilala ko ngayon ay yung tao na kaya kang protektahan.
Natapos ang klase namin pero wala akong natutunan dahil hindi pumapasok sa isip ko ang mga pinag aralan namin kahit anong pilit ang gawin ko.
Hinatid din kami ni Bryan kanina kaya ngayon ay nakahiga na ako sa kama ko 10:30 p.m na pero di parin ako makatulog. Nagpagulong-gulong na ako sa kama at kung ano-ano na ang mga ginawa ko para lang makatulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok.
Kaya lumaba ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Habang nagtitimpla ako nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at sinagot.
"Hello, sino to?" Tanong ko habang hinahalo ang gatas na tinimpla ko.
"This is Bryan" sagot naman niya.
"Ohh Bryan, paano mo nalaman number ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm because of Althea" sagot niya.
"Ahh okay, bakit ka pala tumawag gabi na ahh?" Tanong ko sa kanya.
"I just miss you, ikaw bakit gising ka pa?" Tanong ni Bryan sa akin.
"Di ako makatulog" sagot ko.
"But it's getting late, you should sleep now, we have a class tommorow" sabi niya.
"Oo alam ko naman yun sadyang di lang talaga ako makatulog" sabi ko.
"Okay, hmm do you want something to eat?" Tanong ni Bryan sa akin.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...