Kalyx PoV
Maraming puno sa paligid at may madadaanan kang mini mart, kunti lang din ang mga bahay. May mga bata ka din na makikita na naglalaro sa paligid. Sa isang subdivision ang bahay nila Sofia.
Hininto ko ang kotse ko sa harap ng bahay nila. Tiningnan ko ang bahay nila hindi masyadong malaki ang bahay nila tamang-tama lang para sa kanila. Ang bahay nila ay hanggang second floor at may mini garden. Walang kang kalat na makikita, malinis na malinis.
"Thank you sa paghatid sa amin" pagpapasalamat sa akin ni Sofia.
"Always welcome" nakangiting sabi ko sa kanya at bumaba na sa kotse ko.
Pagkababa naman nila nag drive na ako paalis para umuwi sa bahay.
Bryan's PoV
Pagkauwi ko ng bahay maid ang sumalubong sa akin.
"Where's mom and dad" i ask one of our maid.
"Sir nasa work pa po sila, hindi pa po sila umuuwi baka po mamaya pa po sila" sagot niya.
Lagi silang ganyan hindi nila ako binibigyan kahit kunting oras puro nalang business. Tss. Umakyat na ako sa kwarto at binaba ang bag ko sa table. Humiga ako sa kama ko at nag isip isip.
Ang lakas ng loob niyang yayain ihatid si Sofia sa bahay nila. Nakakairita parang nananadya na si Kalyx. Paano ko matutuloy ang plano kung sagabal siya ayoko naman mag bayad ng 20,000 sa kanila. That's a big NO. I will just going to make her fall inlove with me and that's the plan. Kailangan ko lang siyang mapasagot ng oo at tapos na.
I will never have feelings for her.
Sofia's PoV
Pagkatapos kung isara ang pinto nagbihis na ako, nag suot lang ako ng white short na may bear na design at white tshirt na may bear din na design sa gilid. Pagkatapos kung mag bihis kinuha ko ang phone ko sa kama at nilagay sa table ko at lumabas na para magluto ng dinner namin.
Di pa rin talaga mawala sa isip ko yung masamang tingin ni Bryan sa amin kanina. Problema non?
Pumunta na ako sa kusina at nagsimula ng magluto ng afritadang manok. Favorite ni Althea ang niluluto ko. Pagkatapos kong magluto, hinain ko na ang niluto ko. Pagkatapos kung maghain umakyat na ako para tawagin si Althea. Kumatok muna ako sa pinto niya bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng table niya at nag lalaptop.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo sa gilid ng pintuan.
"Nanonood lang po ate" sagot niya sa akin habang di parin inaalis ang tingin niya sa laptop niya.
Lumapit ako sa kanya para tingnan ang pinapanood niya. Mukhang Korean Drama dahil salitang korean at may english sub sa baba
"Anong pinapanood mo?" Tanong ko dahil puro naghahabulan ang pinapanood niya,zombie ata.
"All Of Us Are Dead po ate" sagot niya sa akin. Tumango naman ako. Lagi ko nakikita sa Nf ko sa Fb pero di ko pinapansin.
"Nood po tayo ate" aya niya sa akin.
"Sige ba, basta kain muna tayo tapos manonood na tayo" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya "pero dapat mahulaan mo kung ano niluto ko" ngumiti ako sa kanya.
"Hmmm adobo?" Sagot niya.
Umiling ako.
"Sinigang?" Sagot niya ulet.
Umiling ulet ako.
"Clue?" Tanong niya.
"Hmmm paborito..." di ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo at nagtatatalon sa sobrang saya at alam ko na kung bakit, nahulaan na niya.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...