Chapter 34: Confession

9 3 0
                                    

Zhen's PoV

Nandito kami ngayon ni Kalyx sa dance floor dahil niyaya niya akong sumayaw. Siya ang date ko ngayong gabi. Minessage niya ako at tinanong kung pwede daw ba na siya ang date ko ngayong gabi at pumayag naman ako dahil gustong gusto ko talaga na makasama siya ngayong gabi. Sobrang saya ko dahil siya ang ka date ko ngayon at kasayaw ko.

Nakalagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya at nakalagay naman ang kamay niya sa bewang ko. Kanina pa kami nagtititigan at mag iiwas ng tingin walang nag sasalita sa amin. Sobrang awkward lang. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko kaso napapangunahan ako ng takot ko. Sobrang daming what if sa utak ko.

What if hindi niya pala ako gusto?
What if may iba siyang gusto?
What if ininvite niya lang ako maging date niya ngayong gabi dahil wala siyang choice?

Ayoko na mag overthink. Kung hindi ko tatanungin hindi ko malalaman ang sagot.

"Kalyx"

"Zhen"

Sabay naming sabi.

"Ahh sige ikaw muna" sabi ko.

"Hindi ikaw muna" sabi niya.

"Ano kaba ikaw na" sabi ko.

"Ano kasi may sasabihin ako sayo" sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"May sasabihin din ako" sabi ko.

"Sabay nalang tayo?" Tanong niya.

"Uhmm sige magbibilang ako hanggang 3 pagkatapos ng 3 doon natin sasabihin,okay?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"1"

Kailangan ko ng sabihin para malaman ko kung ano ang sagot sa mga tanong ko.

"2"

Ano man ang sabihin niya tatanggapin ko.

"3"

Kung hindi man niya ako gusto tatanggapin ko.

"Gusto kita,Zhen"

"I like you,Kalyx"

Sabay naming sabi habang magkatitigan parin kami. Napahinto kaming dalawa sa pagsasayaw. Ilang beses akong kumurap dahil sa gulat at nakanganga na din ang bibig ko ganun din siya.

Tama ba narinig ko gusto niya ako? Teka kung panaginip to wag na sana akong magising. Pero wahhhhh gusto niya din ako. Ibig sabihin gusto namin ang isa't isa.

"G-Gusto m-mo ako?" Tanong ko. Syempre baka mamaya mali lang pala pagkakarinig ko.

Tumango naman siya bilang sagot.

"Can i court you?" Tanong niya sa akin.

Mas lalo akong napanganga sa tanong niya.

Dati tinitingnan ko lang siya sa malayo, pangarap siya ng mga babae sa campus, hindi ako lumalapit sa kanya dahil madami ang nagkakagusto sa kanya at baka hindi niya din ako mapansin.

Takot akong umamin at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sa kanya. Takot ako na mareject ng taong gusto ko, takot akong ma friendzone kaya sobrang saya ng puso ko dahil nalaman ko na ako ang gusto niya.

"Matagal na kitang gusto Zhen, simula ng makita kita hindi ka na mawala sa isip ko. Nakipag close ako kay Sofia para mapalapit sayo. Gusto ko lang sabihin sayo na gusto kita Zhen at seryoso ako don. Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya ulit.

"Gusto ko lang sabihin sayo na matagal na din kitang gusto. Lagi kitang pinagmamasdan sa malayo,hindi ako makalapit sayo dahil alam kong maraming nagkakagusto sayo at malabong mapansin mo ako. Kaya nagulat ako ng malaman ko na gusto mo rin ako. Natatakot akong mag confess ng feelings ko sayo dahil baka wala akong pag asa sayo, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin ang nararamdaman ko sayo. Kaya ang sagot ko sa tanong mo ay oo pinapayagan kitang manligaw" sabi ko sa kanya at ngumiti.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya pabalik.

"Thank you Zhen for giving me a chance to court you. Kahit gaano pa kita katagal ligawan,hihintayin ko ang matamis mong "oo"" bulong niya sa akin.

"Kaya mo ba talagang maghintay?" Tanong ko.

"Oo naman kasi worth it naman yung hihintayin ko" sagot niya.

"Kahit hanggang graduation?" Tanong ko ulit.

"Oo naman, ganon kita kamahal kahit gaano pa katagal hihintayin kita" sagot niya ulit.

-
Thank you for reading guyss. Sorry maikli lang nagawa ko but i hope you enjoy reading. Stay safe guys.

Super busy sa study.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon