Sofia's PoV
Habang naglalakad ako papunta sa room namin iniisip ko kung kumusta na kaya sila mommy at daddy sa states. Sobrang dalang nila mag message at mag call sa amin siguro dahil siguro sobrang busy sila sa business.
At sa sobrang lalim ng iniisip ko may nakabangga ako.
"Ouch" sabi ko habang hinihimas ang ulo ko na nabangga sa matigas na dibdib ng kung sino at nung tingnan ko.Shitt si Bryan pa talaga ang makakabangga ko at may kasama siya na apat pang lalaki siguro kaibigan niya.
"Sorry " paghingi ko ng tawad sa kanya.
"WTF!" Sigaw niya.
"Di kita napansin sorry"sabi ko sa kanya.
"Cause your stupid!" sabi niya.
"Di ko naman sinasadya ahh" inis na sabi ko sa kanya. Ehh talaga naman ahh di ko sinasadya.
"Sa susunod wag tatanga-tanga tumingin ka din sa dinadaanan." Sabi niya.
"Woahh bro that's enough" pigil nung kaibigan niya
Teka Ako?
Stupid?
Niyaya ko pa siya mag lunch kanina ganyan pala ugali. Kala mo kung sinong mayabang bakit sino ba siya para makapag sabi sa akin ng stupid haytss pasalamat siya kasama niya mga kaibigan niya kundi kanina ko pa to sinapak.
"Bro babae lang yan" sabi pa nung isa niyang kasama.
"Baka umiyak" sabi pa nung isang kasama niya na may nakakalokong ngiti at tinapik si Bryan sa balikat.
"Tsss" sabi ni Bryan at naglakad na kasama ng mga kaibigan niya.
Naglakad na din ako pero imbes na dumiretso ako sa room pumunta ako sa restroom, hindi narin naman ako aabot dahil baka nagtuturo na den yung Prof. namin baka pagalitan lang ako dahil late ako.
Pagkapasok ko sa restroom napanganga ako sa ganda nito sobrang linis at may sampung cubicle parang restroom lang sa mall at ang laki ng mga salamin dito. Pumasok ako sa isang cubicle para umihi at pag kasara ko sa pinto ng cubicle may narinig akong pumasok. Tatlo silang babae, paano ko nalaman ode sumilip ako. Habang nakaupo sa toilet bowl nakikinig lang ako sa kanila.
"Alam mo ang gwapo talaga ni Bryan" sabi nung isang babae.
"Ohh yes" sabi nung isa pang babae.
"Bagay kayo sis" sabi pa nung isa na kasama niya.
"I know right" malanding sagot nung isang babae.
"Siss bakit di mo pa jowain?" Tanong nung kasama niya.
Wait parang pamilyar mga boses nito.
Ahhh alam ko na sila yung nakasalubong namin ni Bryan na mga babae kaninang lunch time tapos di niya pinansin. Stella name nung malanding boses at yung lumapit kay Bryan, natatandaan ko na."That's my plan to be her girlfriend. Lahat ng babae nababaliw sa kanya. Kaya dapat mapasaakin siya and he's so rich". sagot ni Stella
Napaka desperada naman pala nitong babaeng to mukhang gold digger.
"Diba siya yung anak ng may-ari ng school" tanong nung isa pa.
"Yes" sagot ni Stella.
Ahh so si Bryan pala ang anak ng may-ari ng school. Kaya pala ganun nalang siya umasta kasi siya ang anak ng may-ari.
Mayabang.
Kringggggggggggggggggggggggggg
"Let's go girls" sabi ni Stella sa mga kasama niya.
Pagkalabas nila sa restroom pinindot ko na yung flush ng toilet at lumabas. Naghugas muna ako ng kamay at pumunta na sa room dahil next subject na.
Pagkapasok ko sa room nandoon na si Bryan nakaupo kaya pumunta na din ako sa upuan ko kung saan katabi ko siya. Buti nalang wala pa yung next Prof. na magtuturo.
"The stupid girl again" bulong ni Bryan pero narinig ko naman.
Di ko nalang siya pinansin.
Dumating na ang magtuturo sa amin at Math Subject. Nagsimula na siyang magturo at magsulat sa board kaya nilelecture ko lahat ng sinusulat niya para kapag exam may reviewer ako.
Samantalang yung katabi ko di nakikinig at naglalaro sa cellphone niya ng Mobile Legend. Ang dami talagang naglalaro ng ML kahit kapitbahay namin haytsss. Di ko nalang siya pinansin hanggang sa matapos ang klase."CLASS DISMISS" sabi nung Prof. namin sa Math.
Kringggggggggggggggggggg
Yes uwian na. Tiningnan ko kung ano oras na sa cellphone ko 5:00 pm na pala. Inayos ko na mga gamit ko a nilagay ko sa bag. Sabay kaming uuwi ni Althea. Magagawa nanaman namin ang routine namin ni Althea, alam niyo ba kung ano ang routine namin malalaman niyo mamaya sa bahay hehehe.
Pagkatapos kung ilagay sa bag ang mga gamit ko lumabas na ako para puntahan si Althea.
Nandito na ako sa harap ng room nila Althea at hinihintay siyang lumabas.
"Thea!" tawag ko sa kanya pagkalabas niya.
Lumapit siya sa aken at may kasama siyang lalaki
"Ate, ito nga po pala si Marcus kaibigan ko po" sabi sa akin ni Althea.
"Hi Marcus nice to meet you" nakangiti kung sinabi sa kanya.
"Nice to meet you din po" sabi niya sa akin.
"You can call me Ate Sofia" sabi ko sa kanya dahil mukhang mabait naman siya.
"Sige po Ate Sofia. Una na po ako, byee Althea see you tomorrow " nagpaalam na siya sa amin ni Althea kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Althea dito.
"Tara na Thea" aya ko sa kanya.
"Sige po ate excited na po ako umuwi" masayang sabi niya.
-
Pagkauwi namin sa bahay. Nagpalit muna kami ng damit namin at kinuha ko ang speaker at nakinig ng music ng Blackpink ito ang routine namin ni Althea kapag hapon. Si Althea ang naglilinis sa labas ng bahay at ako dito sa loob ng bahay. Favorite namin ni Althea ang Blackpink kaya nag iipon ako para makabili ng album nila.
We are the lovesick girls
Nagwawalis ako ng floor namin. Mamaya magluluto na ako ng pagkain namin ni Thea.
But we were born to be alone
Yeah, we were born to be alone
Yeah, we were born to be alone
But why we still looking for love?
Tiningnan ko si Althea dito sa bintana at ayun sumasayaw habang nag wawalis, memorize na nga niya lahat ng Dance Cover ng Blackpink ehh. Ganyan kami ka fan ni Althea. Minsan kumakanta pa kami kahit iba iba lyrics HAHAHAH.
모두 결국 떠나가고
(Lovesick girls) 내 눈물이 무뎌져도
(Lovesick girls) 아프고 또 아파도
(Lovesick girls) But we're still looking for love
Tapos na ako mag walis ng floor kaya nandito na ako sa kusina para magluto ng pagkain namin. Magluluto ako ngayon ng adobong manok. Favorite ulam namin ni Thea ang adobong manok.
Habang nahihiwa ako ng mga sangkap nakikinig parin kami sa kanta ng Blackpink tapos na mag walis si Althea sa labas kaya nanonood na siya ngayon sa sala at hinihintay akong matapos mag luto.
Pagkatapos kung magluto hinain ko na ang niluto ko sa mesa at tinawag ko na si Althea para kumain.
"Thea kain na!" Tawag ko sa kanya.
"Opo ate" sagot niya tapos pinatay niya ang Tv.
-
A/NHi guysss thank you for reading every week po ang update ko.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...