Sofia's PoV
"Baliw ka ba? Alam mo ba kung gaano kamahal to tapos parang laruan lang na pinapamigay mo!" Sigaw ko sa kanya habang nagmamaneho parin siya.
Ferrari...Ferrari... tapos ipapamigay niya lang ng ganun ganun. Hingin ko kaya hehe---char.
"Yeah a million" walang buhay niyang sagot sa akin habang nakatingin parin sa daan at nagmamaneho.
"Ate ang ingay mo" reklamo ni Althea sa likod.
Nanahimik nalang ako at tumingin sa bintana. Nakarating na kami sa school, agad akong bumaba ng kotse niya ganun din naman ang ginawa ni Althea at tumakbo na siya palayo dahil late na kami.
Tumakbo na din ako papunta sa room iniwan ko si Bryan. Sumakay ako ng elevator para mabilis akong makakapunta sa room. Pagbukas ng elevator tumakbo nanaman ako ng tumakbo hanggang sa makarating sa room.
Mabuti nalang at wala pang teacher haytsss siguro late lang si Sir Uri. Umupo na ako sa pwesto ko nakita kong kumaway pa sa akin si Zhen at Cheska kaya kumaway din ako sa kanila pabalik.
Kringggggggggggggggggggggggggggg
Pagka ring ng bell sakto naman pumasok si Sir Uri kasunod niya si Bryan na pawis na pawis. Pero kahit pawis siya ang pogi niya parin tingnan. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako ng masama siguro dahil iniwan ko siya at hindi ko na siya hinitay pa kanina. Nag peace sign naman ako sa kanya at tumingin nalang sa harap kung nasaan si Sir Uri ang adviser namin. Nagsimula na siyang mag discuss at nakinig lang ako,habang nakikinig narinig kong tumunog ang tiyan ko.
Krockkkkkkkkkkkkkkkkkk.
Mahina lang naman pero alam kong narinig ng katabi ko yun kasi tumatawa siya kaya naman tiningnan ko siya ng masama. Nanahimik naman siya at may hinahanap sa bag niya kinuha niya doon ang isang balot ng tinapay at nilagay sa ibabaw ng mesa ko at dahil gutom ako kinuha ko naman yun at kinain habang nakikinig sa dinidiscuss. Kahit sa mga sumunod na klase nakinig lang ako syempre feeling matalino kahit walang pumapasok sa utak ko----char.
Kringggggggggggggggggggggggggggg
Lunch time na at nakalimutan kung magbaon dahil malalate na kami siguro bibili nalang ako sa cafeteria. Inayos ko na ang mga gamit ko kinuha ko at wallet at phone ko sa bag. Lumapit naman sa akin si Zhen at Cheska.
"Tara sabay sabay na tayo kumain" aya ni Cheska habang nakangiti.
"Di ka nag baon?" Tanong naman ni Zhen.
"Ahh ehh oo nakalimutan ko kasi" sagot ko sa kanya.
"Okay" sabi naman niya sa akin.
Lumingon naman ako sa katabi ko na nag lalaro nanaman ng ML.
"Bryan gusto mo bang sumabay sa amin?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya at tinago niya ang phone niya sa bulsa niya. Sabay sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Syempre hindi mawawala sila Stella at iba pang studyante na kinikilig. Di ko nalang namin pinansin. Pagkarating sa cafeteria ang daming tao dahil lunch time nahirapan kaming humanap ng mauupuan pero mabuti nalang at may natapos ng ibang studyante kaya doon kami nagpwesto. Umupo na kami katabi ko si Bryan at si Cheska at Zhen naman ang magkatabi.
Nag snap ng kamay si Bryan sa ere at may lumapit naman sa amin na lalaking waiter. Bakit parang ngayon niya lang ginawa yun pasnap snap sa ere tapos may lalapit na waiter siguro dahil siya na ang lumalapit sa tindera minsan. Sosyal may pa waiter pala dito di ako nainform. Gawin ko nga din yun minsan para di na ako mahirapan pang pumila nohh.
Nag abot ng apat na menu ang waiter kay Bryan at sa amin. Ang taray talaga may pa menu pa si kuyang waiter. Bakit parang kahapon walang ganto tapos nung first day ng school.
" What do you guys want? It's my treat " Tanong niya sa amin.
Tiningnan ko naman ang menu. Mukhang masasarap lahat ng pagkain at dahil nga gutom ako at di nag almusal kulang ang isang balot na tinapay na binigay sa akin ni Bryan kanina.
Dahil libre naman niya marami akong inorder.
"Adobo with rice,1 slice of Chocolate Cake with strawberry, Cheesy Burger ,Cheese Bread and Orange Juice"sagot ko sa kanya.
Nag aalangan pang isulat ng waiter ang order ko pero sinulat parin naman niya ang order ko. Tiningnan ko naman sila Zhen at Cheska na gulat na nakatingin sa akin ganun din si Bryan siguro dahil marami akong inorder.
Hehehe patay guts kasi ehh.
"Takaw" dinig kong bulong ni Bryan.
Ngumiti lang naman ako sa kanila.
"Sinigang with rice and apple juice" sabi naman ni Zhen.
"Chicken Curry with rice and Lemon Juice" sabi naman ni Cheska.
Nahiya naman yung order ko sa kanila.
"Adobo with rice and Ice Tea" sabi naman ni Bryan sa waiter.
Sinulat naman agad ng waiter yun at umalis na.
Tahimik lang kaming naghihintay sa order namin. Tumingin ako sa paligid nakita ko naman si Althea na nakaupo at kumakain di kalayuan sa amin kasama ang mga kaibigan niya. Masaya silang nagkwekwentuhan at kumakain. Napangiti naman ako dahil sa nakita ko. Masaya ako dahil may mga bago siyang kaibigan.
Dumating naman agad ang inorder namin tatlong waiter ang nagdadala ng pagkain namin. Heheh sa dami ko ba naman inorder kulang pa nga yon ehh nahihiya lang ako kay Bryan dahil libre niya daw kasi.
Excited na ako sa chocolate cake ko may strawberry pa sa ibabaw.
Nilapag na nila ang mga pagkain namin sa mesa at nagsimula na kaming kumain. Tiningnan ko ang ilang mga studyante, napatingin ako sa isang grupo ng babae sila Stella kasama niya si Scarlet at yung isa pa, na nakatingin sa amin at mag bubulungan tapos titingin nanaman sa amin.
Tusukin ko kaya mga mata nito. Tinaasan ko naman sila ng kilay at inirapan sila. Bumalik ako sa pagkain. Naubos ko na pala yung adobo with rice at cheesy burger kalahati nalang din ang orange juice ko. Kinain na ang chocolate cake ko syempre dessert ko to. Binulsa ko naman yung cheesy burger,kakainin ko to mamaya. Inubos ko na din ang orange juice ko.
Ang sarap ng cake nila sa susunod na manlilibre ulet si Bryan dadamihan ko ang order kung cake. Ang sarap kasi talaga hindi siya nakakaumay tapos masarap din yung strawberry.
Nagpahinga muna kami saglit bago naisipan na bumalik sa room. Nagbayad na rin si Bryan.
Pagkatayo namin merong mga studyante na nagtatawanan hanggang sa makalabas kami pati si Bryan, Zhen at Cheska medyo natatawa din. Di ko nalang sila pinansin at naglakad na papunta sa room namin.
Nasa tapat na kami ng room, nagpasamalat sila Zhen at Cheska kay Bryan at pumasok na sa room pero kaming dalawa nakatayo parin malapit sa pintuan mabuti nalang at walang masyadong tao dito.
Nakaharap kami sa isa't isa.
"Thank you nga pala sa libre" pagpapasalamat ko sa kanya habang nakangiti.
"Your welcome, ohh wait" sabi niya sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Nakita kong may icing ng chocolate ang kamay niya at pinunas yun sa pantalon niya. Tiningnan ko siya ng masama.
Kaya pala.... kaya pala nagtatawanan yung mga studyante at sila dahil may icing ako sa gilid ng labi!!! Di man lang nila sinabi sa akin!!
"Kung sana sinabi mo agad hindi sana ako pinagtawanan" inis kung sabi sa kanya.
Inis akong pumasok sa room namin nakita ko naman si Kalyx sa gilid ng pinto nakaupo at sarap na sarap sa kinakain niyang chitchirya. Nag wave pa siya ng kamay at nag nod lang ako. Umupo ako sa pwesto ko at yumuko nalang. Naramdaman ko naman na umupo din ang mokong at alam kung nakangiti siya ngayon kahit hindi ko siya tingnan
"Sorry for not telling you about that" sabi niya sa akin pero di ko parin siya pinapansin nakayuko parin ako sa mesa dahil sa sobrang kahihiyan.
"Sorry my love" mahinang bulong niya pero narinig ko tinawag niya akong my love.
-
A/N
Thank you for reading guyss.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...