Sofia's PoV
Grabe ang ganda talaga dito. Gustong gusto ko ng sumakay sa mga rides kaso pipila pa at ang problema ang haba ng pila.
Maraming bata ang naglalaro at kasama nila ang mga magulang nila. Maraming mga taong nagsisigawan dahil sa takot sa rides.
Unang una naming sinakyan ay Achors Away. Hugis bangka siya na malaki. Pagkatapos ng mahabang pila ay nakasakay din kami, nasa dulo kami umupo ako ang nasa gitna at nasa gilid ko naman sina Bryan at Althea.
Nakakaexcite naman first time ko sumakay dito. Pero curious ako bakit yung mga taong sumasakay dito ehh sumisigaw,nakakaexcite naman.
"Bryan first time mo rin ba dito?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at sumagot.
"No,I've been here before with my friends" sagot niya sa akin.
"Ahh okay, so nakasakay ka na dito dati?" Tanong ko ulit.
"Yes, humawak ka mamaya ng maigi baka liparin ka" sabi niya sa akin at bahagya pang tumawa.
Pinalo ko siya sa braso kaya medyo napa aray siya.
"That hurts" reklamo niya habang hinihimas ang braso.
"Ate picture tayo" aya ni Althea at kinuha niya ang phone niya.
Nag picture kaming tatlo, nag smile ako sa camera at nag oppa sign, silang dalawa naman ay naka smile lang sa camera.
Nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin,para lang kaming dinuduyan ng mahina sa una kaya nag eenjoy pa ako pero nung tumagal na pabilis ng pabilis at pataas ng pataas ito kaya napapasigaw na din ako.
Feeling ko hihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Nagsisigawan na din ang ibang tao."AHHHHHHHHHHHHHHHH AYOKO NAAA KUYA BABABA NA AKOOOOOO!!!!" sigaw ko habang dinuduyan kami ng malakas.
Humawak ako ng mahigpit sa hawakan. Tiningnan ko si Althea na nakataas pa ang dalawang kamay halatang nag eenjoy,samantalang si Bryan naman ay nakapikit at nakahawak ng mahihpit sa hawakan.
Mahina akong tumawa habang pinagmamasdan siya,bigla niyang binuksan ang mata niya at kunot noo na tumingin sa akin,bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa hawakan. Nagulat pa ako nung una pero di ko nalang pinansin yun. Sabay kaming sumigaw.
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" sigaw naming tatlo.
Huminto din ang sinasakyan namin at yung ibang tao ay nagsibabaan na samantalang kami nakaupo parin at habol ang hininga,sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ma'am and sir, kailangan niyo na pong bumaba unless gusto niyo pa po ng isang beses pa" sabi ni kuya na nagtratrabaho dito.
"Hindi kuya,bababa na po kami,ayoko na" sabi ko sa kanya at dali daling bumaba kahit nanlalambot pa ang aking tuhod. Bumaba na kaming tatlo at humanap ng upuan,mabuti nalang at may nahanap kami.
"Grabe ate nakakatakot naman po pala sumakay doon, feeling ko hihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko" sabi ni Althea.
Bahagya kaming tumawa ni Bryan.
"Saan niyo next gustong sumakay?" Tanong ni Bryan.
"Wait lang di pa ako nakakabawi sasakay na ulet"reklamo ko.
Bahagya naman siyang tumawa.
Isang ride palang ang nasasakyan namin pero parang naka sampu na kami. Ano pa kaya yung ibang rides baka mamaya mahimatay nalang ako dito.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...