Sofia's PoV
2 days nalang bago ang Acquaintance Party malapit na pero ito parin ako hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko naman talagang pumunta don ehh kaso ang kulit ng mga kaibigan ko.
Nandito kami ngayon sa mall para daw bumili ng mga kailangan namin sa Acquaintance Party. Sinabi ko sa kanila na wala akong pera pero sila na daw ang bahala. Sapat lang kasi ang binibigay nila mommy at daddy sa amin na allowance at hindi ko pa nasasabi sa kanila na may Aquaintance Party kami,kahit sila Althea ay kasama din. Lahat daw ng estudyante na nag-aaral sa Monteblanco International School ay kasali sa Acquaintance Party.
Naglalakad kami ngayon sa mall at naghahanap ng salon dahil magpapasalon daw kami.
Kasama ko ngayon si Althea, Zhen, Cheska,Bryan, Kalyx, Ken, Lucas at Lance. Pumasok kami sa isang salon nakasunod lang ako kay Zhen at Cheska tapos nasa likod namin sila Bryan,katabi ko naman si Althea.
Pumunta si Zhen at Cheska sa counter at kinausap yung nasa counter.
"Girls tara na" tawag niya sa amin.
"Ate kasama ako?" Tanong ni Althea sa akin habang tinuturo pa ang kanyang sarili.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Zhen. Lumapit na pala sila sa amin.
"Yes, of course kasama ka. Gusto ko maging maganda tayo" sagot ni Zhen.
"So we're having a make over" excited na sabi ni Cheska.
Umupo na kami kung saan kami aayusan ng buhok. Hindi ko alam kung anong ayos ang gagawin nila sa buhok namin at puro bakla ang mag aayos sa amin.
"Alam niyo na ang gagawin ha" sabi ni Zhen sa mag aayos sa amin.
"Yes madam, don't worry. Papagandahin namin kayo" sabi nung mag-aayos kay Zhen at ngumiti ito.
Sila Bryan ay umupo sa sofa sa waiting area ng salon. Pinagtitinginan nga sila ng mga babae dito sa salon tapos biglang kikiligin.
"Madam aayusan ko na po kayo ah" sabi nung mag aayos sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
Habang inaayusan niya ako nagtitingin lang ako sa magazine. Bored na bored na ako. Hindi ko nga alam kung ano nilalagay sa buhok ko ehh. Gupit don gupit dito. Tapos minake up nila ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaiglip na pala ako.
"Madam"
"Madam"
Rinig kong tawag ng kung sino kaya dinilat ko na ang mga mata ko. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.
Ako ba to?
Baka namamalikmata lang ako.
Seryoso ba?
Ang ganda ko.
Seryoso ang ganda ko. Hindi sa ano ah pero ang ganda ko talaga.
Napanganga ako dahil sa mukha ko. Kinulot nila ang buhok ko sa baba na hanggang dibdib ko ang haba. Tapos yung make up ko light lang pero maganda. Nagmukha akong barbie.
"Madam,nagustuhan mo ba?" Tanong sa akin ng nag ayos sa akin.
Tumango ako at ngumiti. Nagpasalamat din ako sa kanya.
"Hanggang kailan tatagal yung kulot ng buhok ko?" Tanong ko sa kanya.
"1 week,madam" sagot niya.
Nagpasalamat ulit ako.
Nilingon ko ang mga kasama ko nasa sofa sila, tapos na pala silang ayusan. Pero di ko nakita sila Bryan, nasaan mga yun bat wala sila.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...