Bryan's PoV
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bumalik ako para bilhin ang necklace na tinitingnan ni Sofia kanina.
"How much is that?" Tanong ko sa babae na nasa counter at tinuturo ko yung necklace.
"Sorry po sir pero di po namin binebenta yun" sagot niya sa akin.
"Bibilhin ko yan kahit magkano pa!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin sa amin ang mga tao.
"Sorry po sir di po talaga pwede" sabi niya sa akin.
"Where's your fucking manager!?" Tanong ko sa kanya.
"Tatawagin ko lang po" nakayuko niyang sabi.
Umalis na siya at pagkabalik niya may kasama na siyang lalaki. Kinausap ko ang manager nila at pumayag naman itong bilhin ko ang necklace.
Lumabas na ako ng arcade para puntahan sila Sofia at Althea,nilagay ko na sa bulsa ko ang box ng necklace. Nakita ko naman sila na nakaupo kaya nilapitan ko na sila.
"Let's go" aya ko sa kanila ng nakangiti.
Tumayo naman sila at nagsimula na kaming maglakad para maghanap ng makakainan.
"Ayun oh don nalang tayo sa Mang Inasal" turo ni Sofia sa Mang Inasal.
Agad naman kami pumunta doon at naghanap na ng upuan si Althea at Sofia habang ako naman ay nag order ng pagkain namin.
Actually first time ko kakain dito dahil lagi akong kumakain sa mamahalin na restaurant. No choice naman ako dahil dito ang gusto ni Sofia. Umorder na ako ng pagkain namin.
Naglakad na ako kung saan nakaupo sila Althea at Sofia dala-dala ang pagkain na inorder ko.
"Ang dami mo naman inorder" sabi sa akin ni Sofia.
"It's okay" sabi ko naman sa kanya.
Kinuha na nila ang pagkain at kumain na kami ng sabay sabay.
Ang sarap pala ng pagkain nila dito kanina pa kami kain ng kain at humihingi pa kami ng extra rice.
"Extra rice pa po" sabi ni Sofia. Kaya naman may lumapit sa amin na lalaki at binigyan kami ng kanin sa plato ko ganun din si Althea at Sofia.
Pagkatapos namin kumain pinatake-out nalang namin ang halo-halo. Kakainin ko nalang to sa bahay. Nagsimula na kaming maglakad sa parking kung saan naka park ang kotse ko.
Inopen ko ang passenger seat para kay Althea kaya sumakay naman si Althea sa passenger seat. Akmang sasakay din si Sofia nang pigilan ko siya sa braso.
"Dito ka sa shotgun seat" sabi ko sa kanya at inopen ko ang pinto.
Umikot na ako para pumunta sa driver seat.
Habang nagmamaneho ako tinuturo naman sa akin ni Sofia ang daan papunta sa kanila. Nakikinig naman ako sa sinasabi niya.
"We're here"nakangiting sabi ko sa kanila.
"T-thank you nga pala sa pagkahatid mo sa amin" pagpapasalamat niya sa akin.
Kinuha ko sa bulsa ang maliit na box at binigay ko sa kanya na kinuha naman niya agad.
"Ano to?" Tanong niya.
"Open it" nakangiting sabi ko sa kanya.
Inopen niya na ang maliit na box at nagulat siya ng makita ang necklace na moon na gusto niya kanina sa arcade.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...