Chapter 5:Album

33 9 0
                                    

Sofia's PoV

Habang kumakain kami ni Althea nag kwekwentuhan din kami.

"Thea, bukas mag baon nalang tayo ng pagkain para makaipon tayo pambili album ng Blackpink" sabi ko sa kanya. Pwede naman kami humingi kay mommy at daddy kaso mas maganda kung galing sa amin ang pera kaya hindi kami hihingi sa kanila.

"Sige ate gustong-gusto ko po ng album ng Blackpink" masayang sabi niya.

"Magluluto ako ng baon natin bukas" sabi ko sa kanya.

"Sige ate masarap ka naman magluto ehh" sabi niya sa akin.

"Suss nambola kapa" ito talagang si Thea.

"Pero totoo ate masarap ka magluto" nakangiting sabi niya.

"Okay" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ate kilala mo po ba yung anak ng may-ari ng school na si Bryan Monteblanco?" Tanong niya sa akin.

"Ahh oo kaklase ko yun" sagot ko sa kanya.

Sino naman hindi makakakilala don gwapo siya, mayaman at mayabang. Di ko parin makakalimutan na sinabihan niya ako na stupid.

Pagkatapos namin kumain hinugasan ni Althea ang mga plato. Habang ako nandito sa kwarto ko at nagtutupi ng mga damit dahil medyo magulo.
Paano kaya kami makakaipon agad pambili ng album.

200 ang baon namin ni Althea sa araw-araw. Ang pagkain sa cafeteria ay 100 kada order, so kapag nag baon kami makakatipid kami ng 100. Sa pamasahe naman 25 pesos papunta namin at sa pag-uwi 20 pesos naman kaya 45 pesos lahat. Malaki ang matitipid namin ni Althea bibili nalang ako ng alkansya namin bukas dahil may malapit naman na mall sa school.

Para makagala din kami ni Althea matagal na din kasi nang huli kaming pumunta ng mall kaya bonding na din namin yun bukas ni Althea.

Pagkatapos kung magtupi ng mga damit nilagay ko na ito sa cabinet ko at natulog na ako dahil may pasok pa ako bukas.

Althea's PoV

Pagkatapos kung maghugas ng plato ni-lock ko na ang pinto namin dahil baka mamaya may magnanakaw pa mahirap na. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para matulog dahil may pasok pa kami bukas ni ate.

-
Kinabukasan (5:30 am)

Sofia's PoV

Maaga akong nagising ngayon dahil magluluto pa ako ng baon namin ni Althea. Inayos ko muna ang higaan ko at lumabas na ng kwarto pero bago ako bumaba sinilip ko muna si Althea sa kwarto niya at nakita ko siyang mahimbing na natutulog di ko na siya gigisingin magluluto pa ako ng pagkain namin.

Pagkatapos kung silipin si Althea sa kwarto niya bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto. Naka pantulog pa ako. Medyo madilim pa kaya binuksan ko ang mga ilaw. Magluluto ako ng sinigang na baboy para sa almusal at baon namin.

Hiniwa ko na ang mga sangkap na lulutuin ko at nagsimula ng magluto.
Habang pinapakuluan ko ang baboy tiningnan ko ang orasan at 6:10 am na. Pagkatapos kung pakuluan ang baboy nilagay ko na ang mga sangkap. Pagkatapos ng ilang minuto naluto ko na ang sinigang na baboy. Inayos ko na ang mga pagkain sa mesa at pinack ko na ang babaonin namin ni Althea.

Pagkatapos kung ayusin ang mga pagkain umakyat na ako para gisingin si Althea sa kwarto niya. Pagkapasok ko sa kwarto niya natutulog parin siya.

"Althea gising na" gising ko sa kanya.

Di parin siya bumabangon.

"ALTHEA! GUMISING KANA LATE NA TAYO!!" Sigaw ko sa kanya.

At yon nagising na dapat pala sinisigawan pa para magising.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon