Sofia's PoV
Madami kaming ginagawa kahapon kasama si Bryan. Gabi na siya nakauwi kaya pagkaalis niya nakatulog kami agad at kasama ko ulit si Althea na natulog sa kwarto ko.
Sobrang nakakapagod ang paglilinis.Sunday ngayong araw na ito dapat maganda ang gising ko pero dahil sa nagbubusina sa labas nagising kaming dalawa ni Althea.
Inis akong tumayo para lang harapin kung sino ang walang hiyang nag bubusina kay aga aga.
Pagkababa ko dumiretso ako sa pinto namin at alam kung nakasunod din si Althea na kakagising din.
Inis kong inopen yung pinto at bumungad sa akin ang pamilyar na kotse.Ferrari.
Lumabas si Bryan sa kanyang kotse at nakangiting humarap sa amin.
"Ano bang problema mo ha. Ang aga aga nangbubulabog ka ng bahay. Wala naman pasok ngayon bakit nandito ka!!? Sigaw ko sa kanya.
"Sorry" sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Hayts. May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Yayayain ko lang sana kayo magsimba,kung okay lang sa inyo" Tanong niya sa amin.
Napaisip naman ako. Wala naman akong gagawin ngayon at sunday naman.
Tumango ako.
"Pasok ka" sabi ko sa kanya at pinapasok sa bahay may hawak hawak siyang dalawang paperbag.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ahh ito ba. Para sa inyo to gusto ko sana na suotin niyo to ngayon kasi alam kung bagay na bagay sa inyo to" sagot niya at inabot sa akin yung isang paperbag at yung isa naman kay Althea.
"Sana magustuhan niyo" sabi niya sa amin.
Tumango ulit ako.
"Thank you,upo ka muna. Magbibihis muna kami" sabi ko sa kanya.
"Thank you kuya" pagpapasalamat naman ni Althea.
Tumango naman siya at umupo sa sofa. Umakyat na kaming dalawa para maligo at magbihis. Pagkapasok ko sa kwarto binaba ko muna ang paperbag sa table ko at pumunta na sa cr para maligo. Minadali kong maligo dahil excited na akong makita kung ano ang binigay ni Bryan.
Pagkalabas ko ng banyo. Kinuha ko agad yung paperbag at inopen. Laking gulat ko nang makita ko ang laman non.
Hindi...seryosoo....perooo....paano?
Napangiti ako nang makita ko ang damit na bingay niya sa akin. Ito yung damit na gusto kong bilhin sa mall, nung pumunta kami sa mall para bumili ng alkansya.
Binili niya para sa amin. Ehh ang mahal mahal non ehh.
Mini black and yellow skirt, white tube at black jacket.
Kinuha ko yung damit ang sinuot na. Sinuot ko din ang black jacket.
Pagkatapos kung suotin yun tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Ang gandaaaa as in ang ganda. Bagay na bagay sa akin at sukat na sukat sa akin. Nagtatatalon ako sa tuwa nang makita kong bagay ang damit sa akin.
Nag ayos muna ako ng buhok ko, naglagay ako ng hairclip sa magkabilang gilid ng buhok ko. Nagpulbo din ako, nagpabango at naglagay ng liptint sa aking labi at nang makuntento hinanap ko na ang aking black converse shoes."Ate tapos ka na ba?" Tanong ni Althea habang kumakatok sa pinto ko.
"Wait lang!"sigaw ko at nagmadaling isuot ang sapatos ko,kinuha ko rin ang black shouder bag ko at sinuot ko ang binigay ni Bryan sa akin na moon necklace.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...