Sofia's PoV
Pagkatapos namin kumain umalis na agad si Bryan at hindi man lang sinabi sa amin kung saan siya pupunta kaya naiwan kaming dalawa dito ni Althea.
Kaya umalis na din kami ni Althea para mag libot sa school dahil 12:30 pm palang naman. Naglakad lakad lang kami dito sa school.Pumunnta kami sa garden at umupo kami sa bench.
"Thea mamaya punta tayo sa mall" aya ko sa kanya.
"Bakit po ate?" nakangiting tanong niya.
"Bibili ako ng alkansya naten para makaipon na tayo atsaka magtipid din tayo para makabili tayo agad ng album ng Blackpink " sagot ko sa kanya.
Excited na talaga ako bumili ng album first time ko kasi magkakaroon non at matagal na naming gusto yun.
"Magtitipid na din po ako ate at hindi na po ako bibili ng mga hindi naman kailangan" sabi niya sa akin.
"Sino favorite mong member ng Blackpink ?" Tanong ko sa kanya.
"Si Jennie po ate,ikaw?" Tanong niya sa akin.
"Ahhh ako naman si Lisa" sagot ko naman sa kanya.
Anong oras na ba? Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at laking gulat ko ng may nag message sa akin.
Unknown Number: Hey,let's go to the mall later after the class.
Me:Sino to?
Unknown Number: Its Bryan.
Ang bilis mag reply ahh.
Me: Sorry may pupuntahan kasi kami ng kapatid ko mamaya.
Unknown Number:So?
Me: Pupunta din kasi kami mamaya ng mall ni Althea.
Reply ko sa kanya pero sineen niya lang. Seener din pala to ehh haytss. Sinave ko ang number niya at nilagyan ko ng name na Bryan.
Kringgggggggggggggggggggggggg
Tumayo na kami ni Althea at naglakad papunta sa mga room namin dala-dala ang tupperware namin. Hinatid ko si Althea sa room nila.
"Bye Thea" paalam ko sa kanya pagkahatid ko sa kanya sa labas ng room nila.
Pagkatapos ko siyang ihatid sumakay na ako sa elevator para pumunta sa room namin. Pagkabukas ng elevator naglakad na ako papunta sa room namin, pagkabukas ko ng pinto nakita kong nagbubulungan lahat ng mga kaklase ko at nakatingin silang lahat sa akin. Di ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ako papunta sa upuan ko. Nilagay ko na sa bag ko ang tupperware ko.
Problema naman ng mga to?
Parang marites lang sa amin ahh nag- bubulungan. Haytss. Mga bubuyog.Bigla silang tumahimik ng pumasok si Bryan at umupo sa tabi ko dahil nga mag katabi kami. Buti naman at nanahimik na sila. Hanggang sa dumating ang teacher namin.
"Bryan" bulong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.
"Hmm" sabi niya sa akin.
"Ahh...ano kasi... mamaya kasama ko si Althea may bibilhin kasi kami" sabi ko sa kanya.
"So? After class we will go to the mall together " nakangiting sabi niya sa akin.
Di na ako sumagot mukhang gusto niya talagang mag mall kasama kami, bibili lang naman kami ng alkansya ehh. Baka naman bibili din siya ng alkansya hehehe.
Kringggggggggggggggggggggggggg
Pagkatapos ng klase namin, inayos ko muna ang mga gamit ko, nilagay ko na sa bag ko at sinuot ko na ang backpack ko na color violet.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...