Sofia's PoV
Nag reready na kami ngayon papunta sa Acquaintance Party. Suot ko ngayon yung gown na binigay ni Bryan. Sky Blue gown. Sobrang ganda fit na fit sa akin. Mukhang mamahalin talaga.
Nakabihis na ako at ganun din si Althea, susunduin daw kami ni Bryan dito. 7 pm ang start ng program kaya may time pa kami para mag ayos. 6 pm palang ngayon. Nag hire si Bryan ng make up artist para sa amin dalawa ni Althea kaya ngayon minemake up nila kami.
Nung una hindi ako pumayag dahil sobra sobra na ang ginawa ni Bryan sa akin pero nagpumilit parin siya kaya wala na akong nagawa pa. Nandito sa bahay ang make up artist na hinire ni Bryan.
Pagkatapos namin mag ayos umalis na din ang mga nag ayos sa amin at dumating na si Bryan para sunduin kami.
"Good evening, ladies" bati niya sa amin.
"Hi kuya"
"Good evening love"
"Gorgeous" sabi niya sa amin.
Nakasuot siya ng black tuxedo. Sobrang pogi niya.
"Are you ready?" Tanong niya sa amin.
Tumango naman kami.
Inalalayan niya kaming makapasok sa kotse niya at pagkatapos nun umalis na kami.
Nag message sa akin kanina si Zhen na magkikita nalang daw kami sa school.
Pagkadating namin sa school sobrang dami ng tao.
Pinagbuksan kami ng pinto ni Bryan. Medyo nahihirapan ako sa gown na suot ko dahil malaki ito. Nakasuot din ako ngayon ng heels, binili rin para sa akin ni Bryan.
Sabi nila sa Assembly Hall gaganapin ang Acquaintance Party kaya sabay sabay kaming pumunta doon. Pagkarating namin doon napanganga ako dahil sobrang ganda ng Assembly Hall. May mga upuan at mesa sa bawat gilid, may dance floor sa gitna, at may malaking stage din. May disco lights din sa paligid. May malalaking speaker din at nagpapatugtog sila para malibang ang mga tao na nandito. Mayroon din iba na sumasayaw na sa dance floor. May pagkain din sa kabilang gilid sobrang daming pagkain. May Lechon pa.
Hinanap namin sila Zhen. Sabi nila nakaupo na daw sila sa table kaya ngayon hinahanap namin sila. Nakita kong tumayo at kumaway si Zhen sa amin at tinawag ang pangalan ko.
"Sofia!" Tawag niya.
Pinuntahan namin sila doon sa table nila. Magkakasama na pala si Zhen,Cheska at mga kaibigan ni Bryan. May nakalagay na reserved seat at doon kami umupo. Round table at malaki rin good for 8 people. Kaya sakto lang sa amin dahil 8 kami.
May kanya kanya din kaming escort. Escort ko si Bryan, si Zhen naman escort niya si Kalyx, si Cheska escort niya si Ken at si Althea escort niya si Marcus. Si Lance at Lucas hindi ko pa alam kung sino ang partner nila siguro hindi pa dumadating.
Malapit na magsimula ang program at madami na din tao dito sa Assembly Hall halos naka gown lahat ng babae, ang ganda din ng mga suot nila. Halatang pinaghandaan talaga nila ang Acquaintance Party.
Bigla akong napatingin sa tatlong babae na naglalakad. Si Stella, Shane at Scarlet. Nakasuot ng black gown si Stella, si Shane naman ay light green gown at si Scarlet naman ay yellow gown.
Ang ganda din ng suot nila. Yung mga ibang tao ay napapatingin sa kanila. Umupo sila malayo sa amin. Buti naman. Halos puno na ang mga upuan at yung iba ay nakatayo sa gilid
"Good evening to everyone we will going to start the program. Let's enjoy this party!" sabi nung isang lalaking announcer sa stage.
Pumupunta na ang mga estudyante sa dance floor at yung iba naman sa pagkain. Niyaya ni Kalyx na sumayaw si Zhen, niyaya naman ni Ken sumayaw si Cheska, si Lance at Lucas ay pupuntahan daw nila ang kapartner nila. Curious ako sino kaya kapartner nung dalawang yun. Si Marcus naman ay niyaya niyang sumayaw si Althea. Silang lahat nakaalis na at kaming dalawa nalang ni Bryan ang nakaupo dito sa table namin.
"Would you like to dance?" Tanong ni Bryan at naglahad ng kamay sa harap ko.
Tinanggap ko ang kamay niya at pumunta kami sa dance floor. Ito yung pinakahihintay ko ang isayaw ako at ang music ay Perfect. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at nilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Sweet dance.
[Play the music Perfect by Ed Sheeran]
I found a love for me
Oh, darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the
someone waiting for meCause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Dahan dahan lang ang pagsayaw namin. Ang romantic lang talaga.
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favourite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight
"You're so beautiful tonight,Love " buong ni Bryan sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"I love you,love. Kung hindi dahil sayo hindi ako makaka attend sa party. Thank you sa effort mo sobrang na appreciate ko lahat ng ginawa mo para sa akin." bulong ko sa kanya at niyakap ko siya.
Sumasayaw parin kami pero dahan dahan lang.
"Basta ikaw, nandito lang para sayo. I'm your one call away boyfriend. Kapag kailangan mo ako dadating ako agad at tutulungan kita" sabi niya habang magkayakap kaming dalawa.
"Thank you for everything, love. Hindi ako magsasawang magpasalamat sayo. I'm very thankful dahil nakilala kita. Nandito lang din ako para sayo susuportahan kita hanggang dulo." Sabi ko at sumayaw na ulit kami.
Mahal na mahal kita,Bryan.
-
Thank you for reading guyss. Sorry matagal mag update sobrang busy lang sa study. I hope you enjoy it guyss.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...