Sofia's PoV
Nag enjoy ako ngayon araw na ito. Pagkatapos namin sumakay sa ferris wheel kumain muna kami sa isang fast food chain na nadaanan namin habang nakasakay kami sa sasakyan.
Umorder muna kami ng pagkain namin at pagkatapos namin kumain hinatid kami ni Bryan sa bahay dahil 10 pm na din ng gabi. Bumaba na kami sa sasakyan at nagpasalamat kay Bryan. Inabot ni Bryan ang dalawang paper bag sa akin.
"Thank you kuya" sabi ni Althea.
"Thank you Bryan, sobrang nag enjoy kami. Salamat din pala kasi nilibre mo kami." Pagpapasalamat ko sa kanya.
"No problem, thank you for today, nag enjoy din ako" sabi ni Bryan sa amin.
"Oh sige na baka ma traffic ka pa. Ingat ka" pag papaalam ko sa kanya.
"Kuya ingat ka po sa byahe" pagpaalam naman ni Althea.
"Goodnight, see you tommorow. Susunduin ko kayo bukas" sabi ni Bryan sa amin at tumango naman kami.
Sumakay na siya sa kotse niya.
"Bye,ingat" sabi ko at hinintay namin siyang makaalis.
Pumasok na din kami sa loob ng bahay at sinara ang pinto.
"Matulog ka na Althea" sabi ko kay Althea at binigay sa kanya ang isang paper bag na ang laman ay ang t-shirt niya.
"Opo ate, Good night" sabi ni Althea.
Umakyat na si Althea at pumunta na sa kwarto niya,ganun din ang ginawa ko.Nilagay ko na ang paper bag sa table ko at sinimulan ko na ang skin care ko. Pagkatapos kung gawin ang skin care ko humiga na ako sa kama at natulog na.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil may pasok na kami. Nag almusal lang kami ng tinapay at gatas ni Althea. Pagkatapos namin kumain nag ayos na kami at may narinig kaming busina sa labas ng bahay kaya lumabas na kami.
Sumalubong sa amin si Bryan na naka uniform at nakasandal sa kotse niya. Sumakay na kami sa kotse niya at ganun din ang ginawa niya.
Maaga kaming nakarating sa school dahil hindi traffic. Hinatid muna namin si Althea sa room nila at sabay kaming pumunta sa room namin.
Nasanay na kami ni Bryan na pagtinginan at pagbulungan ng mga estudyante dito.Nakita ko ang grupo ni Stella kasama niya si Scarlet,malapit sa room namin.
"Goodmorning Bryan" bati ni Stella.
"Tskk" sagot ni Bryan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ayy girl di ka pinansin, kasama nanaman niya si Sofia" rinig kong bulong nung isang kasama niya.
"Hey you! Are you in a relationship with Bryan?" tanong sa akin ni Stella at hinarangan niya ako.
Hindi ko siya pinansin, magpapatuloy na din sana ako sa paglalakad nang hilain niya ang buhok ko. Nagulat ako at ganun din ang reaksyon ng iba kahit si Bryan napahinto rin.
"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko. Nakita kung tumitingin na ang mga ibang estudyante sa amin.
"Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos!" Sigaw niya sa akin.
"So what!" Sigaw ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Ano ba nasasaktan ako!" Reklamo ko sa kanya.
"Masasaktan ka talaga!" Sigaw niya sa akin at sinabunutan ako.
Wala na akong choice kung hindi ipagtanggol ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Handsome Crush [On Going]
Teen FictionSofia Nich Ferrer is a 18 years old. A transferee student in Monteblanco International School. She have a crush to Bryan Monteblanco the most handsome and rich guy. He is the son of the owner of the school. He is famous,rich and handsome. Bryan Mont...