Chapter 34.1: Confession

7 3 0
                                    

Cheska's PoV

Hindi ako marunong sumayaw kaya tinuturuan ako ng Ken kung paano sumayaw. Nahihiya na nga ako ehh kasi minsan nagkakamali ako pero hindi parin siya sumusuko na turuan ako kahit ang sakit sakit na ng paa ko kakasayaw. Okay lang crush ko naman nagtuturo ehh. Hihihi.

Matagal ko ng crush si Ken. Sino ba naman hindi mag kaka crush sa kanya pogi, matangkad, matalino, mabait at gentleman. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki.

Flashback

First day of school palang, late na ako sa first period namin kaya nagmamadali ako kaya binilisan ko ang lakad ko at hinahanap ko din ang phone ko sa bag. Bakit kasi ang haba ng hall way at hindi ko pa alam saan ang room ko. Sa sobrang busy ko sa paghahanap ng phone ko sa bag may nakabanggaan ako kaya napaupo ako sa sahig. Nagkalat ang mga notebook at ballpen ko sa sahig. Shitt di na ata ako aabot sa first period namin. Pinulot ko na ang mga gamit ko na nahulog sa sahig.

Habang pinupulot ko yung mga gamit ko may lumuhod sa harap ko at inabot yung isang notebook ko. Tiningnan ko kung sino. Matangkad siya, medyo moreno, matangos ang ilong, black eyes at black hair. Nakasuot siya ng black hoodie.

"Miss sorry di kita nakita" sabi niya sa akin. Ang soft lang ng voice niya. Feeling ko na love at first sight na ata ako.

Infairness ang pogi niya ahh.

Tinulungan niya akong pulutin lahat ng gamit ko at tinulungan niya din akong makatayo. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras nakita kung patapos na ang first period namin kaya wala rin silbe kung magmamadali pa ako, siguro sa 2nd period nalang ako papasok.

"Thank you for helping me and I'm sorry, nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa first period namin kaso parang di na ako aabot pa" sabi ko sa kanya.

"Ganun ba, sorry. Babawi nalang ako sayo, Sorry ulit pero may pupuntahan pa kasi ako ehh" sabi niya.

Tumango ako. Pagkatapos nagpaalam na siya at ganun din ako.

Don nagsimula ang love story namin charot HAHAHA.

End of Flashback

Hindi naman ako mahirap turuan kaya ngayon sumasayaw na kami. Nakalagay ang mga braso ko sa balikat niya at nakalagay ang mga kamay niya sa bewang ko. Nagpalingon lingon ako para hanapin sila Sofia at Zhen kaso di ko makita dahil narin sa dami ng tao sa dance floor na sumasayaw.

"Are you okay?" Tanong niya bigla sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes, how about you?"Tanong ko sa kanya.

"I'm okay" sagot niya.

Dahan dahan lang ang pagsayaw namin at sumasabay lang kami sa music. Perfect by Ed Sheeran ang music. Ang romantic lang.

Walang nagsasalita sa amin, ang awkward tuloy. What if sabihin ko sa kanya na gusto ko siya hihihi. Wala naman mawawala kung aamin ako diba. Dalawa lang naman ang pwedeng kalabasan kapag umamin ka sa taong gusto mo ehh. It's either marereject ka or malalaman mo na gusto ka rin ng taong gusto mo.

Kung hindi ka aamin paano mo malalaman kung ano ang sagot sa tanong mo diba.

I think this is the perfect timing for me to confess my feelings for him because i like him, i really do.

"Ken, uhm may sasabihin sana ako sayo" panimula ko.

"What is it?" Tanong niya.

"Sana pansinin mo parin ako after ng sasabihin ko ahh" sabi ko.

Ehh kasi yung iba pagkatapos nilang umamin sa taong gusto nila di na sila pinansin. Ohh diba ang sakit.

"Tell me, what's bothering you?" Tanong niya ulit.

Haytss english speaking pala for today. Mahina pa naman ako sa english.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim.

Pagkatapos tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Ken ,i like you" sabi ko.

Tumigil kami sa pagsayaw at hindi siya sumagot sa sinabi ko. Halatang nagulat siya.

Natatakot na ako ahh di siya nagsasalita at gumagalaw.

"Hoyy!" Sabi ko at kumakaway sa harap niya.

Para kasing nakakita ng multo ehh.

"C-Cheska" nauutal niyang sabi.

Ayy first time ko siyang marinig na mautal. Ang soft parin ng boses niya kahit nauutal na siya.

"Hmm"

"Hindi ko alam kung anong sasabihin o irereact ko, sorry kung ganon yung naging reaction ko" paliwanag niya.

"Okay lang, pero may gusto sana akong itanong sayo" sabi ko.

"Ano yun?" Tanong niya.

"G-gusto mo rin ba..." di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi.

Nagulat ako sa ginawa niya. Pumikit ako at nilagay ko ang mga braso ko sa balikat niya. Pagkatapos niya akong halikan minulat ko na ang mata ko at  tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"I like you too Cheska, No No erase that, I don't like you, I love you Cheska"

Nagulat ako sa sinabi niya. OMG!!! totoo ba to or panaginip lang.

"I love you too Ken" sabi ko at nagkiss ulit kami.

"Will you be my girlfriend?" Tanong niya sa akin.

Ay woww walang ligaw ligaw girlfriend agad?

Matagal ko ng gusto si Ken kaya ang sagot ko ay

"Yes" sagot ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ulit ako sa labi.

Today is a very special day.

-
Thank you for reading guys.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon