Chapter 20: Wallpaper

10 5 3
                                    

Sofia's PoV

Pagkatapos namin magtakbuhan,pawisan kaming pumasok sa room. Nauna akong pumasok at nakasunod naman yung apat na tukmol sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin.

Daig pa namin sumali ng marathon. Pagkatapos namin maghabulan sa rooftop naghabulan din kami pababa dahil balak pa nila akong takasan. Feeling ko nga inikot na namin tong school ehh. Halos pagtinginan na kami kanina ng mga studyante dahil lunch break kaya maraming mga studyante ang pakalat-kalat. Nung maabutan ko silang lahat, binatukan ko sila isa isa.

Habang papunta sa pwesto ko nakita ko ang dalawang kambal na nakaupo sa pwesto nila.

Yes, may kaklase akong kambal.

"Uyy Mark" bati ko sa kaklase ko na may kakambal na si

"Hi Marco" bati ko sa kambal niya.

Kumaway pa ako sa kanila at nilapitan sila. Si Bryan,Lucas,Lance at Kalyx ay naupo na sa pwesto nila kaya hindi ko nalang sila pinansin. May kasalanan pa sila sa akin.

"Haytss baliktad nanaman" reklamo nilang sabay.

"Huh? Mali ba?" Tanong ko.

"Oo ako si Mark" pakilala niya. Matangkad siya, nakasuot lagi ng salamin at gwapo. May pagkanerd kasi si Mark Gutierrez. Si mark ang nakaupo sa kanan at si Marco naman sa kaliwa. Tumango naman ako.

"At ako naman si Marco" pakilala naman niya. Matangkad, hindi nagsusuot ng salamin at gwapo rin naman. Hindi nga lang nerd kasi sabi nila playboy daw siya, siya si Marco Gutierrez.

Ewan ko ba nakakalito sila mag kamukha kasi talaga sila, ang pinag kaiba lang walang suot na salamin si Marco. 1 month ko na silang kaklase pero nalilito parin ako.

Haytss.

"Ahh nakakalito naman kasi ehh bakit ba sobrang magkamukha kayo" reklamo ko.

"Syempre kambal kami" sabay nilang sabi.

"Oo nga kambal kayo pero nakakalito parin" sabi ko sa kanila.

"HAHAHA"tawa nilang dalawa.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Umalis na ako sa harap nila at kinawayan si Zhen at Cheska na kakapasok lang ng room, kumaway din naman sila pabalik at ngumiti.
Pumunta na ako sa pwesto ko at umupo. Itong katabi ko nag mml nanaman tiningnan ko si Kalyx nag mml din at magkakatabi pala sila ni  Lance at Lucas na pindot din ng pindot sa cellphone nila.

ML IS LIFE YARN.

Maghintay kayo, matututo din ako.

Napatingin naman ako sa tatlong  babae na nakaupo sa dulo na masama ang tingin sa akin. Ang alam ko ang pangalan nila ay si Frida, Ginette at si Raina. Sila ang "The Bully Gurls".

Kaya sila tinawag na The Bully Gurls dahil marami na silang nabully yung iba daw na binully nila ay lumipat na ng ibang school, yung iba naospital at yung iba hindi ko na alam. Paano ko nalaman syempre sinabi sa akin nila Zhen at Cheska nung isang araw. Hindi ako lumalapit sa kanila dahil ayokong ibully nila ako.

Si Frida Rich ay matangkad, masungit,maganda naman sa paningin nila at maputi . Siya ay galing sa mayaman na pamilya, meron silang malaking hacienda. Siya ang leader ng  "The Bully Gurls".Favorite color niya ang black kaya pati make-up niya black. Inirapan naman niya ako.

Mukhang panda.

Feeling ko maganda naman siya kahit walang make-up.

Sana ol Rich.

Si Ginette Collins naman ay famous sa social media dahil lang sa kaniyang ganda. Maputi, makinis,matangkad at maganda kaso ngalang maldita. Galing din sa mayamang pamilya si Ginette. Inirapan din ako.

Ikaw na maganda. Maduling ka sana.

Si Raina Curtain naman ay maganda, matangkad, morena at maldita din. Siya ay galing din sa mayamang pamilya. Inirapan niya din ako.

Mukha kang kurtina. Sabit kita ehh.

Di ko nalang sila pinansin mabuti nalang at nagring na ang bell kaya tumigil na din sila maglaro ng ml.
Dumating din ang teacher namin.

Hanggang matapos ang klase nakinig lang ako at nagsulat ng mga pinapa lecture sa amin. Hindi ko parin pinapansin si Bryan na kanina pa ako kinakalbit. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil uwian na.

Saktong aalis na ako nang harangan ako ni Bryan.

"Hahatid na kita" sabi niya sa akin.

"Wag na" may diin kung sabi.

Alam kung pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin dahil hindi parin sila lumalabas. Napatingin naman ako  sa The Bully Gurls at nakita kung pinapanood nila kami, naka cross arms pa si Frida at todo irap sa akin bago umalis kasama si Gignette at Raina. Bumalik naman ang tingin ko kay Bryan na hanggang ngayon pinipilit parin akong ihatid ako.

Biglang nagring ang phone ni Bryan kaya kinuha niya iyon sa bulsa niya. Naglakad siya palayo bago niya sagutin ang tawag. Nakakuha ako ng pagkakataon para tumakbo at pumunta sa room nila Althea. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero di ko siya pinansin dahil naiinis parin ako sa kanya.

Nang makarating na ako sa room nila Althea hinintay ko pa siyang lumabas.

"Tara na Althea" aya ko sa kanya.
Tumango naman siya.

Naglakad na kami palabas ng school at lumipat ng daan para mag-abang ng masasakyan. Habang naghihintay may humintong pamilyar na kotse sa harap namin.

"Sakay na" utos niya sa amin.

Sumakay naman si Althea sa kotse ni Bryan pero ako nakatayo parin at tinitingnan siya ng masama.
Umiling ako sa kanya.

"Sakay.Na." madiin niyang sabi.

Umiling ulit ako.

"Sasakay ka o bubuhatin pa kita para lang masakay ka" sabi niya sa akin at ngumiti.

Minsan talaga ang sarap manapak.

Wala akong nagawa kundi sumakay nalang sa kotse niya. Nakasimangot ako habang nag dridrive siya. Mabilis lang ang byahe namin dahil hindi naman traffic pauwi.

Naunang bumaba si Althea at ganun din ang ginawa ko pabagsak kung sinara ang pinto at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa bahay. Tinawag niya pa ako pero di ko na nilingon.

"Ate may LQ kayo?" Mapang asar na tanong ni Althea.

Di ko nalang siya pinansin dahil alam kung aasarin niya lang ako kaya  pumunta na ko sa room ko. Binaba ko na ang bag ko at nahiga sa kama ko. Sa sobrang inis ko kinuha ko yung unan at pinagsusuntok ko.

Bakit ba naman kasi ganun itsura ko sa picture.

Suntok.

Ginawa pang wallpaper ni Bryan.

Suntok.

At ayaw niya pang burahin. Haytsss nakakainis.

Suntok.

Tinigil ko din ang pagsuntok ko sa unan ko dahil alam kung marami pa akong dapat gawin. Magluluto pa pala ako.

Hay buhay.

-
Thank you for reading guyss. Hindi na ako busy kaya nakakapag update na ako. Happy 300 reads.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon