Chapter 21: Fall

11 5 2
                                    

Sofia's PoV

Pagkatapos kung magluto sabay na kaming kumain ni Althea.

"Althea paano kung mangligaw sa akin si Bryan?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Ok lang ate. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo basta huwag na huwag ka lang niya papaiyakin dahil mayayari siya sa akin. Dapat hindi ka niya sasaktan at lolokohin. Bakit ate nanliligaw na ba siya?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

Nagulat naman ako nang bigla siyang nagtatatalon sa tuwa at sumisigaw pa.

"Yeyyyyyy. May nanliligaw na kay ateee!!" Sigaw niya habang nagtatatalon.

"Pstt Althea tumigil ka nga baka marinig ka ng mga kapitbahay naten" saway ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagtalon at humarap sa akin na nakangiti.

"Alam mo ate masaya lang ako dahil may nanliligaw na sayo at magiging masaya pa ako kung magiging kayo na" sabi niya sa akin.

"Ano ka ba nanliligaw palang naman , hindi pa naman magiging kami" sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman yun ate pero darating din naman tayo don ehh advance ko lang. Basta ate kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa akin ha!" Sabi niya sa akin at niyakap ako.

Pagkatapos namin mag usap nagligpit na kami bago umakyat sa kwarto namin.

Habang nag aayos ng higaan pumasok si Althea sa kwarto ko.

"Ate tabi tayo" sabi sa akin ni Althea habang may dala dalang unan at teddy bear.

Tumango naman ako.

"Yeyy!" sigaw niya.

Pinatay ko na ang ilaw at magkatabi kaming natulog.

"I love you ate"

"I love you too"

Kinabukasan maaga akong nagising kahit wala naman kaming pasok. Kailangan kung maglinis ng bahay dahil medyo madumi na at magulo.
Naghilamos muna ako bago bumaba at maglinis, ganun din ang ginawa ni Althea.

"Althea magwalis ka muna sa labas tapos ako na magdidilig ng halaman" utos ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Nagwalis muna ako sa loob ng bahay bago lumabas ng bahay at magdilig naabutan ko pang nagwawalis parin si Althea sa bakod, habang nagdidilig sa harap ng bahay may nagbusina sa labas ng bahay kaya sabay kaming napatingin ni Althea.

Lumapit ako sa gate at inopen yun. Nakita ko ang pamilyar na sasakyan.

Ferrari.

Lumabas si Bryan sa kanyang kotse.

"Goodmorning" bati niya sa amin ng nakangiti.

Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niyang pagkuha ng litrato ko at ang pangit ko pa don sana man lang maganda yung pagkakakuha noh kaso hindi ehh mukha akong may sungay dahil sa tarintas ko.

Inirapan ko lang siya at akmang isasara na ang gate bigla siyang pumasok.

Bahay mo? Bahay mo?

"Anong ginagawa niyo?" Tanong niya sa amin habang tinitingnan ang mga hawak namin na panglinis at pang dilig.

"Hindi ba obvious?" Sarcastic kung tanong bago siya irapan at talikuran para magdilig ulet.

"Ano pong ginagawa mo dito kuya?" rinig kung tanong ni Althea.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon