Chapter 23: Promise

16 3 0
                                    

Althea's PoV

Naiwan kami ni Kuya Bryan dito dahil nag cr si ate.

"Kuya,totoo po bang nanliligaw ka kay ate Sofia" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Tumango siya.

"Kuya, promise mo sa akin na hindi mo siya sasaktan,hindi mo siya papaiyakin at hindi mo siya lolokohin. Dahil ayokong makitang nasasaktan si Ate,mahal na mahal ko si Ate. Kapag sinaktan mo siya yari ka sa akin Kuya" sabi ko sa kanya.

"I promise. Di ko sasaktan ang ate mo,hindi ko siya paiiyakin at hindi ko siya lolokohin. Mamahalin ko ng buo ang Ate mo. Aalagaan ko siya at papasayahin ko siya. I promise Althea." Sabi niya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Sana lang talaga hindi niya saktan si Ate. Dahil mahal na mahal ko si Ate ayoko siyang makitang umiyak gusto ko masaya lang siya palagi kahit na nag aaway kami minsan,tampuhan at asaran,mahal na mahal ko ang Ate ko.

Dumating din si Ate galing sa cr kaya tumahimik na ako at ganun din si Kuya Bryan. Dumating na din ang pagkain namin at mukhang masasarap pa.

May steak, may mango juice,may cake at ice cream.

Ohh diba ang dami parang pang fiesta na ang pagkain namin.

Sofia's PoV

Ang daming pagkain kinailangan pa ng isa pang mesa para lang malagay lahat ng pagkain na inorder ni Bryan. Tig tatatlong steak,tatlong mango juice, tatlong slice ng cake at tatlong basong ice cream. Kulang nalang ng Lechon siss. Fiesta na dito.

Nagsimula na kaming kumain. Sila Althea at Bryan ay kumakain na samantalang ako hinihiwa parin tong steak na to. Ang hirap ahh tapos kutsilyo pa gamit tapos tinidor,kainin ko ng buo to ehh.

Tiningnan ko si Bryan na nakatingin din pala sa akin,ngumiti ako sa kanya at kumunot ang noo niya. Kinuha niya ang plato ko na may steak at siya ang naghiwa non. Pagkatapos niyang hiwain yun ay binigay niya na sa akin yun at nagsimula na akong kumain.

Infairness ang sarap ahh. Triny ko ang mango juice nila at woww ang sarap ahh,nakalahati ko ang baso ko,hindi naman halatang gutom ako at yung steak ko malapit ko ng maubos. Pagkatapos kung kainin ang steak sinunod ko ang isang slice ng cake. Chocolate flavor na may strawberry sa taas. Sinimulan ko ng kainin ito at naubos ko din agad. Ang sarap ehh. Samantalang si Bryan at Althea naman ay kakatapos lang kumain ng steak.

"Takaw" rinig kong bulong ni Bryan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"May sinasabi ka?" Sarcastic kung tanong sa kanya.

"Wala wala kain kalang" sabi niya sa akin at bahagyang tumawa.

Yieee kain lang daw ako. Kaya naman sinunod ko na ang isang basong ice cream. Iba iba ang flavor nito. Tinikman ko muna ito kung masarap, masarap nga kaya naman inubos ko na ito. Mabilis akong natapos at nagpahinga muna ako dahil sa sobrang busog,hinihintay ko naman silang dalawa na matapos dahil hanggang ngayon ay kumakain parin sila.

Busog nanaman ako. Sarap talaga ng pagkain.

Habang hinihintay sila kinuha ko muna ang phone ko sa bag. Sakto naman nagvivideo call sila mommy at daddy kaya sinagot ko ang tawag nila.

"Hi mommy and daddy" bati ko sa kanila at kumaway pa.

Napatingin sa akin sila Althea at Bryan. Kaya hinarap ko sa kanila ang phone ko at pinakita sila. Kumaway naman sila.

"Hi mommy, Hi daddy" bati ni Althea sa kanila.

"Hello po" bati naman ni Bryan sa kanila.

"Sofia sino yan kasama niyo?" Rinig kong tanong ni mommy kaya hinarap ko ang phone ko sa akin at sumagot.

"Mommy si Bryan po, kaklase ko po at kaibigan namin" sagot ko.

Hindi ko sinabi na nanliligaw na si Bryan sa akin dahil alam kong papagalitan nila ako. Sasabihin ko nalang sa tamang panahon.

"Hi Bryan" bati ni mommy sa kanya kaya hinarap ko ang phone sa kanya.

"Uhmm hello po tita"nahihiya niyang sabi at inabot na ang phone sa akin. Inayos ko ang camera ko para makita kaming tatlo.

"Kamusta naman kayo? Saan kayo?" Tanong ni mommy sa amin.

"Okay naman po mommy,nandito po kami ngayon sa restaurant kumakain po kakatapos lang po namin mag simba nila Althea at Bryan" sagot ko sa kanila.

"Ingat kayo wag kayo papagabi,mag-aral kayo ng mabuti ahh" paalala ni daddy sa amin.

"Yes daddy, kailan po kayo uuwi?" Tanong ni Althea.

"Malapit na mga anak,kunting hintay nalang uuwi din kami ng daddy niyo" sagot ni mommy.

"Okay po mommy" sagot ko.

"Mamaya nalang may meeting pa kami,ingat kayo jan, bye" paalam nila kaya nagpaalam na din kami.

Natapos din silang kumain kaya tinawag na ni Bryan ang waiter para sa bill. Bumalik din naman agad ang waiter at dala na ang bill. Binigay niya iyon kay Bryan at kinuha naman iyon ni Bryan. Dahil curious ako kinuha ko kay Bryan at bill.

Ayy jusko po ang laki ng bill namin.

Bill

52,000 pesos

Seryoso ba to ang mahallll kung alam ko lang na ganto kamahal dito sana nag jollibee nalang kami nohh.

Inagaw naman sa akin ni Bryan ang menu at nag abot ng cash,umalis din naman ang waiter.

Ang daming cash ahh.

"Bryan mag shashare kami" sabi ko sa kanya.

"Di na" tanggi niya.

"Nakakahiya naman" sabi ko sa kanya.

"It's my treat,don't worry" Sabi niya kaya tumango ako nalang ako.

Bumalik din agad ang waiter at binalik kay Bryan ang card.

Umalis din kami agad at bumalik sa kotse ni Bryan.

"Saan niyo gusto pumunta?" Tanong sa amin ni Bryan.

"Gusto kung pumunta sa amusement park" sagot ko dahil matagal ko ng gustong pumunta doon.

Tumango naman siya at sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Nakinig din kami ng music habang nagbyabyahe.

Matagal ang byahe namin pero nakarating din kami sa isang amusement park. Malaki ang amusement park. May malaking ferris wheel, may mga iba't ibang rides,may mga nagtitinda din sa mga gilid ng mga pagkain. Ang daming tao.

"Bryan nasaan tayo?" Tanong ko nang makababa kami sa sasakyan.

"Welcome to Enchanted Kingdom" sabi ni Bryan at nakataas pa ang dalawang kamay.

Natawa nalang ako sa ginawa niya.

"Ate ang ganda naman po dito" komento ni Althea.

"Let's go"sabi ni Bryan.

Naglakad na kami papunta sa entrance,may sinuot din sila sa kamay namin. Pagkapasok namin sa Enchanted Kingdom napanganga ako sa sobrang ganda at dami ng tao.

First time kung maka experience nito kaya susulitin ko. Lahat ng rides sasakyan ko.

Excited na ako.

-
Hi guys thank you for reading guyss. Sorry matagal hindi nag update dahil sobrang busy ng schedule ko,madaming activities pero sana mag enjoy kayoo.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon