Chapter 9: Necklace

19 8 0
                                    

Sofia's PoV

Sobrang saya ko dahil nakuha ni Bryan ang mega jackpot. Pagkatapos namin maglaro pinapalit na namin ang mga tickets na nakuha namin. 1,000 lahat ng tickets na nakuha namin. Ako ang may hawak ng ticket at ako ang magpapalit sa mga nakuha namin na tickets nasa tabi ko naman si Bryan.

"Ate ano po pwede ipalit sa 1,000 tickets?" Tanong ko dun sa ate sa counter.

"Panyo po" sagot naman ni ate.

"Panyo lang po?" Tanong ko dahil gusto ko yung necklace na moon ang pendant.

"Ahh opo" sagot naman niya.

Haytss sayang akala ko pa naman pwede ko makuha yung necklace.

"Sige po papapalit ko po tong ticket ng panyo" malungkot kung sabi sa kanya.

"Ano pong color ng panyo?" Tanong niya sa akin.

"Ano pong meron na color?" Tanong ko sa kanya.

"Blue,Pink,Violet and Red po" sagot niya.

"Violet po" sabi ko sa kanya.

"Sige po kunin ko lang po" sabi niya sa akin at umalis na para kunin ang panyo.

Tiningnan ko naman si Althea na nakaupo malapit sa pinto ng arcade at naghihintay sa amin.

Bumalik din naman si ate at dala niya ang panyo.

"Ito na po" sabi niya sa akin.

"Thank you po" pagpapasalamat ko sa kanya at umalis na.

Pumunta na kami ni Bryan kung nasaan nakaupo si Althea, nang makita naman niya kami ay tumayo agad siya.

"Ate ano po nakuha mo?" Tanong sa akin ni Althea.

"Ito lang" malungkot kung sabi at pinakita ko sa kanya ang panyo na hawak ko.

"Panyo lang ate?" Tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako.

"Tara kumain muna tayo baka napagod kayo,libre ko" sabi ni Bryan sa amin.

"Sige po kuya gutom na din po kasi ako" sabi ni Althea habang hinihimas pa ang tiyan niya.

"S-sige" nahihiyang sagot ko kasi kanina pa niya kami nililibre.

Naglakad na kami para maghanap ng makakainan pero di pa kami nakakalayo sa arcade nang magsalita si Bryan sa gilid ko.

"Hintayin niyo ako may titingnan lang ako"sabi ni Bryan sa amin at bumalik sa arcade.

Pagkaalis ni Bryan may nakita kaming upuan ni Althea at umupo muna kami doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tingnan kung anong oras na 8:00 pm na pala kaya pala nagugutom na rin ako.

"Ate ang bait ni Kuya Bryan nohh" sabi sa akin ni Althea.

"Ahh oo" sabi ko sa kanya.

Ang bait nga ni Bryan simula kanina. Kapag kasama namin siya lagi siyang nakangiti sa amin at lagi din niya kaming nililibre. Alam niyo iba ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga ngiti niya bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Ate ayun na si kuya Bryan" sabi sa akin ni Althea.

Nakita ko naman si Bryan na naglalakad at may nilagay sa bulsa niya na kung ano, di ko nalang pinansin.

"Let's go" aya niya sa amin ng nakangiti.

Ayan nanaman yan ngiti na yan ehh.
Tumayo na kami ni Althea at nagsimula ng maglakad para maghanap ng makakainan.

My Handsome Crush [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon