Chapter 2

6.6K 191 43
                                    

"Welcome back, anak!" masayang pagsalubong ng mga magulang ni Damon sa kanya sa airport. Kinulong siya ng mga ito sa mahigpit na yakap na sinuklian niya nang mas mahigpit na yakap dahil sobrang na-miss niya ang mga magulang.

"Na-miss ko kayo, Mom, Dad," wika ni Damon matapos ang mahigpit nilang yakapan.

"Na-miss ka rin namin, our Little Damon," wika ng ina na ikinasimangot ni Damon. Little Damon ang tawag sa kanya ng kanyang Mom noong bata pa siya.

"I'm not your Little Damon anymore, Mom. Malaki na ako," nakasimangot na reklamo ni Damon na ikinatawa ng mga magulang.

"Nakikita nga namin, anak. Ang bilis talaga ng panahon... malaki na agad ang Little Damon namin noon. Baka naman may itinatago kang babae sa ibang bansa, anak? May girlfriend ka na ba? Sana isinama mo naman dito para personal naming makilala," makulit na pagpapatuloy ng kanyang ina na ikinailing na lang ni Damon. Isa iyon sa na-miss niya sa kanyang ina, ang kakulitan nito.

"Wala, Mom. Alam mo naman na focus ako sa pag-aaral doon. Pag-aaral ang dahilan kaya ako nagtungo sa ibang bansa kaya wala sa plano ko ang humanap doon ng girlfriend," wika niya sa ina.

Yeah, maraming mga magagandang babaeng nakakasalamuha si Damon sa ibang bansa pero wala sa kanila ang nakakuha ng kanyang atensyon. Gusto niyang maramdaman sa isang babae ang kakaibang pakiramdam kapag una niya itong nasilayan katulad ng pakiramdam na ikinuwento ng kanyang Dad sa kanya noong unang beses nitong nasilayan ang kanyang Mom. Ang mabilis na pagkabog ng dibdib, ang pakiramdam na parang ayaw na niyang ialis ang mga mata sa babae at ang pakiramdam na gusto niyang angkinin ang lahat-lahat nito. Unfortunately, sa daming babaeng nakasalamuha niya sa ibang bansa ay hindi niya naramdaman iyon sa kanila.

"Ano ba naman 'yan, anak. Papaano mo kami mabibigyan ng maraming apo kung hanggang ngayon ay wala ka pang kasintahan. Dapat ngayon pa lang ay humanap ka na at kapag nakita mo siya ay huwag mo nang pakawalan. Kung hindi makuha sa panunuyo, daanin mo sa dahas. Mas mainam kung bubuntisin mo agad para wala nang kawala pa, anak," wika ng kanyang Dad na malakas na ikinatawa ni Damon. At mas lumakas pa ang tawa niya nang sumang-ayon ang kanyang Mom sa sinabi ng kanyang Dad.

"Hayaan mo, Dad. Gagawin ko 'yan kapag nakita ko na ang babaeng bibihag sa puso ko," pagsakay ni Damon sa sinabi ng ama na ikinatuwa ng mga magulang.

"May iba ka pa bang gustong puntahan, anak? O diretso na tayo sa bahay natin sa San Antonio?"

"Diretso na tayo sa San Antonio, Dad. Mas gusto ko roon kaysa rito sa lungsod. Gusto ko ring makita si Nana Perla at si Ate Joy. Ilang taon ko na rin po silang hindi nakikita," sagot ni Damon sa ama. Tumango ito at tinulungan siya sa mga gamit na dala niya.

Mas gusto niyang manatili sa San Antonio dahil tahimik at simple lang ang pamumuhay doon. May hotel at restaurants naman doon ang kanyang mga magulang at iyon na lang ang pamamahalaan niya. May negosyo din ang kanyang mga magulang dito sa lungsod at sa iba pang lugar pero mas gusto niyang pamahalaan ang nasa San Antonio. Gusto niya ang tahimik at simpleng pamumuhay doon.

Kumain muna sila bago bumiyahe patungong San Antonio. Ilang oras ang naging biyahe nila at hapon na silang nakarating sa lugar. Pansin niya agad ang maraming nagbago sa lugar sa ilang taong wala siya roon at tila bigla siyang nanibago sa lugar na halos kinalakihan niya. Nakabukas ang bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungo sa malaking bahay. Mga nagtataasang mga puno ang nakikita niya at ilang bahay na nakatayo sa tabing daan. Mayroon ding mga malawak na taniman at palayan. Malamig pa rin at sobrang sariwa ng hangin dahil iilan pa lang ang sasakyan sa lugar. Ginagamit pa ring sasakyan ng mga tao roon ay ang mga nakasanayan ng mga itong tinatawag na 'kangga' na hinihila ng kalabaw. Ang ilan ay sa kabayo sumasakay. Simpleng pamumuhay na nagustuhan niya sa lugar kaya mas gusto niya ang manatili roon.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon